Soulless Chapter 38: Embracing Sins

354 15 1
                                    

Soulless Chapter 38:
Embracing Sins
~♛♚♛~

I always wake-up witnessing Alicia's downfall. And each time i wake up, i always shiver in fear.

Bawat umaga, iba ibang anggulo ng pangitain tungkol sa kaniya ang nakikita ko, ngunit iisa parin ang kahahantungan ng bawat pangitain, ang pagbagsak ng iniingatang anak ng hari ng aming bayan.

Mauupo ako at tititig sa aking harapan hanggang sa unti-unting bumabalik ang mga ala-alang may hatid na sakit na siyang dahilan kung bakit nagiging mala-impyerno ang bawat umaga.

"Here is your breakfast my sweet eloisa." May kakaibang ngiti si mira habang iniaabot sa akin ang isang basong may lamang dugo na siya mismo ang naghanda.

Tuwing umaga nadadatnan niya ako sa ganitong ayos, aabutan ng inumin na tinatawag nilang lason at magsisimula sa oras ay ipapaalam niya sa akin ang mga nasasaksihan niya sa bawat araw.

Hindi galit si Mira kay Alicia kung hindi sa dalawang mangkukulam na palagi nitong kasama. Hindi niya gusto ang katotohanang kasama namin sa iisang lugar kung kaya't gumagawa siya ng mga bagay na hindi kailanman pupwede sa batas ng paaralan

I don't know what it is, but as long as she's safe I'll be fine.

I sip on the glass and stared at my wall again.

"I saw your sister again, mukhang normal nalang sa kaniya ang mamuhay rito." I smirk at what she just said.

"It just a facade Mira, ipagpatuloy niyo parin ang pagtitig sa kaniya sa kahit saang lugar. Tell it to your pets. I want them to keep what they're doing."

"Bakit ba kasi hanggang doon lang ang gusto mo? Staring at her won't harm her." Nasa himig niya ang pagkainis, marahil ay dahil sa walang kaganapan sa mga bagay na iniuutos ko sa kanila.

I smiled at the thought. If there's one thing that Alicia doesn't want even before, it is being the center of attention.

Maloloko niya ang lahat sa tuwing aarte siyang walang naaalala, maliban sa akin. I saw recognition in her eyes, and i know that she'll remember how does it fucking feel being the crowds favorite.

Tutal ay iyon naman talaga ang gusto niya kaya siya bumalik.

"Eloisa, yung kamay mo." I stop thinking about that bitch and look at the horrified face of my friend.

Nakatitig siya sa kamay ko na may masaganang dugo. Nabasag ko ang baso ngunit hindi ko man lang maramdaman ang sakit, kahit na ang bubog na nakabaon ngayon sa aking balat.

I heaved a sigh and motioned my hand at the door. Inviting her to leave me alone.

Alam kong aangal siya ngunit mas alam rin niyang wala siyang magagawa sa ugali ko.

Napasandal ako sa headboard ng aking kama at saka tinititigan ang kamay kong dinadaluyan parin ng masaganang dugo.

Ilang ulit kong pinisil upang makaramdam ng kahit kaunting sakit ngunit wala.

I got more anger at that idea.

Hindi ito dala ng lason dahil natitiyak kong epekto ito ng mga pananakit nila sa aking emosyon.

I hate pain, i don't want to feel it. Ngunit lahat ng nasa paligid ko ay pangarap ang bumagsak ako. Mula sa mga magulang ko hanggang sa mga kaibigan ko.

At maging sa lalaking mahal ko.

I want to forget it, i even want to shout at there faces that the woman they admire will give a huge damage inside the Harilia.

Isang bagay na tanging ako lamang ang nakakaalam.

I stared at my reflection and all i could see was a dying lady.

Napangiti ako ng tipid, bago humawak sa parte kung nasaan ang aking puso.

Ramdam ko ang bagal at panghihina nito. Sinubukan kong iligtas ang sarili ko, ngunit sa bawat araw na makikita ko ang bintana at malalamang hindi na naman siya dumating ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa butas ng kamatayan. Dahil sa isip ko ay alam ko nang na kay Alicia na naman siya nakabantay.

Kung kaya't bago pa man mangyari ang kamatayan ko ay kailangan munang maganap ang kay Alicia.

Kailangang mawala siya at siguradong mas masakit para sa mga magagaling kong magulang ang makita rin akong mawala dahil na kay Alicia sila nakatingin.

"Pinatatawag ka ni Ama, Eloisa."

Tumingin ako sa gilid at doon nakita kong nakatayo ang pinsan ko. Mukha itong pagod na pagod.

"May pintuan ako Athalia, sa susunod ay doon ka dumaan." Inayos ko ang kwelyo ng suot kong Victorian dress. Hinagod kong mabuti upang wala maski isang mali ang makikita sa akin.

"Pagod ako Eloisa, wala akong oras para sa kaartehan mo."

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Kung ganun ay tigilan mo na ang kakahabol sa babaeng iyon. Ano bang mapapala mo? Kahit naman makita mo ang magaling mong ina ay hindi parin naman magbabago ang katotohanang iniwan parin kayo. Sinasaktan mo lang ang sarili mo at sasaktan mo lang si tiyo sa mga ginagawa mo."

Napailing ito ngunit hindi na kinontra alinman sa mga sinabi ko. Nahiga siya sa kama ko at walang pang minuto ay nakatulog na siya kaagad.

Naaawa ako sa kaniya at nagagalit ako ng husto kay Alicia. Kasalanan ang pagbalik niya.

Lumabas ako ng aking silid at ilag na mga bampira ang sumalubong lamang sa akin.

Walang nagtangkang tumingin ni ang pagbulungan ako ay isang malaking batas para sa mga kagaya nila.

Alam na nila ang mga bawal ko at gustong gusto kong sinunod nila iyon.

Paglabas ay sumalubong sa akin ang nakakainis na tagpo.

Si alicia na naglalakad, habang sa kaliwang bahagi ay nakabantay si Ren at sa kanan naman ay si Dylan.

Malalayo sila sa isa't-isa, ngunit ayoko sa bagay na nakikita ko.

Ayokong makita ang mukha ni Alicia na nabubuhay ng normal, humihinga at nakakalakad na parang walang problema.

Walang karapatan ang gaya niya.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon