Soulless Chapter 61: Crown's Crow

240 6 1
                                    

Soulless Chapter 61:
Crown's Crow
~♛♛♛~

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko nasundan kung gaano ako katagal nakatulog sa tabi ng lawa, ngunit imbes na init ng araw ang sumalubong sa mga mata ko ay isang kamay na matiyagang sumasalag sa init ang siyang bumungad sa akin.

His scent filled the air, and at that instant a smile slowly form on my lips.

Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko kung saan siya nakaupo at mabilis na naglaho ang ngiti ko ng makita ang anyo niya. Malayong malayo iyon sa Dylan na madalas nag-aabang sa labas ng bintana ko. Tila ilang taon ang dumaan sa kaniya sa maikling panahon lamang nang hindi namin pagkikita.

At hindi ko maialis sa isip ko na isa ako sa posibleng dahilan noon. Ako at ang pamilya ko.

Ibinalik ko ang mga mata ko sa palad na sumasalag sa init ng araw at wala sa sariling hinawakan ito.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya ng gawin ko iyon ngunit unti-unti ring kumalma paglipas ng segundo.

Masiyadong malaki ang mga palad niya kumpara sa akin. Sapat upang harangan ang init sa aking mukha, at sapat upang maramdaman kong ligtas ako.

"Prinsesa." Lumingon ako sa kaniya ng tawagin niya akong muli sa pangalang iyon at tulad ng dati unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha, naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at kasabay noon ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

Natakot ako na baka marinig niya iyon, kaya't mabilis akong naupo ngunit imbes na bitawan niya ang kamay ko ay inalalayan niya pa akong makaupo ng maayos. Kumalma lamang ako ng maalalang hindi siya bampirang gaya ko at wala siya ngayon sa kaniyang pangalawang anyo kung kaya't ligtas ako.

"Kumusta ang naging tulog mo? Narinig ko kay Nana Nilda na dito ka na inabutan ng antok, gusto sana kitang buhatin kaya lang ay baka maistorbo ko naman ang magandang tulog mo."  Nag-iwas ako ng tingin ng makitang nakatitig na naman siya sa akin bago sagutin ang tanong niya. Sa lawa nakatutok ang mga mata ko ngunit ang buong isip ko ay nasa mga kamay naming magkahawak.

Kung nasa Harilia kami, tiyak na inalis ko na kaagad ito upang maiwasan ang mga maling balita na posibleng umabot sa palasyo, ngunit wala kami roon at malayo kami sa lugar kung saan hindi pupwedeng ang gaya niya sa tulad ko.

Sa isiping iyon ay ikinalma ko ang sarili ko.

Walang dahilan upang mag-alala ako o kahit siya. Dahil sa mundong ito, tiyak na ligtas ako at ang lihim ko. Ligtas si Dylan at malayo sa magulong mundong iyon.

Hindi siya mapapahamak at hindi mapapalayo sa akin.

"Kakaiba pala talaga ang hangin sa mundong ito, napangiti niya ang mailap na prinsesa ng Harilia. "

Napabalik ako ng tingin sa kaniya dahil doon, at wala sa sariling kinagat ang labi upang pigilang ngumiti ng husto, ngunit huli na, dahil mismong labi ko ay kusang ngumiti kasabay ng masigla niyang pagtawa.

Ilang minutong katahimikan matapos ng sandaling iyon. Kapwa kami nakatitig sa lawa.

Huminga ako ng malalim bago sabihin ang mga salitang gusto kong marinig niya matapos niya akong iligtas.

"Salamat. Salamat sa pagligtas sa akin, at- at patawad kung naparami ang pag-inom ko ng dugo-"

"Wala kang dapat na ihingi ng tawad prinsesa, ako ang dapat gumawa noon dahil nakalimot ako sa pangakong binitawan ko." Lumingon ako sa mukha niya at doon sa unang beses nakita kong nagsisisi siya sa bagay na hindi naman niya nagawa. Hindi ako magaling sa emosyon dahil noon pa man, iisa lang ang pinakikitang emosyon sa akin ng lahat, ngunit ngayon pakiramdam ko ay may mas malalim pang ugnayan sa pagitan namin ni Dylan.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon