Soulless Chapter 9: Flurried Growl

1K 42 2
                                    

Soulless Chapter 9:
Flurried Growl
~♛♛♛~

I stared at his face after i drink his blood.

Bigla akong nahimasmasan sa kabaliwan ko, noon ko lang rin naramdaman ang lamig ng gabi at maging ang panginginig ng mga kamay ko.

'What have i done?'

I keep on asking to myself, but my voice couldn't say it aloud.

Puno ng dugo ang leeg niya ngunit dahil sa ulan ay unti-unti rin iyong nawawala.

Madilim man ang paligid ngunit hindi iyon dahilan upang hindi ko makita ang kakaibang lamlam ng kaniyang mga mata.

I gulped hard and step backward. I shouldn't staying here! I should run back to the castle!

"Prinsesa"

I stop when i heard it from his lips.

Kinabahan akong bigla sa hindi maipaliwanag na dahilan. I touched the side where my heart's located. Tila gusto nitong lumabas sa sobrang bilis ng pagkabog.

Nakakatakot sa pakiramdam dahil parang may nawala sa akin ng mga sandaling iyon.

"Ayos ka lamang ba?"

Halos mapatalon ako ng hinawakan niya ang braso ko, ngunit mabilis ko iyong tinabig dahilan para mapaatras siya ng kaunti. And right there, I stared at his face, kakaiba ang emosyong nasa mga mata niya at hindi ko iyon mabasa.

Ngunit hindi dapat iyon ang iniisip ko.

Dapat ay tumatakbo na ako palayo sa kaniya o kaya naman ay kitilin ko na ang kaniyang buhay, dahil maaaring magdala ito ng kahihiyan sa aking pangalan. At hindi iyon maaari.

Magiging sagabal siya. Paulit-ulit na bumubulong iyon sa utak ko ngunit wala akong lakas upang kumilos. Wala na ang sakit na naramdaman ko kanina ngunit kakaiba parin ang init na dumadaloy sa aking mga dugo, at wala narin ang uhaw ko sa dugo.

Hindi ito normal at tiyak ko na may kinalaman siya sa bagay na ito.

"Kinagat mo ako" naputol ang mga iniisip ko ng sandaling iyon lalo pa ng makita kong hinawakan niya ang parte kung saan bumaon ang mga pangil ko, noon ko lang din napansin na wala siyang saplot pang-itaas. "Natitiyak ko na dumadaan ka ngayon sa ikalawa ninyong pagsilang, ngunit alam mo ang maaaring maging epekto ng-"

"SHUT UP!"  I bite my lower lip after I shouted.

Bakas ang pagkabigla sa kaniyang mukha ngunit hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya. Alam ko ang mga epekto ng ginawa ko, hindi na ako musmos na bata at batid ko na hindi normal ang ginawa ko ngayong gabi. Ngunit hindi ko hahayaang kumalat ito sa bayang pamumunuan ko balang araw. Hindi kailanman! "What happened tonight will just remain here! Just between the two of us wolf! Wala kang pagsasabihan o ako mismo ang babawi ng buhay mo!"

Inilabas ko pa ang mahahaba kong kuko upang patunayan na seryoso ako sa bagay na iyon. Ngunit imbes na matakot ay binigyan lamang niya ako ng isang ngiti at matapos noon ay bahagya pa niyang iniluhod ang isa niyang tuhod sa lupa, bagay na ikinabigla ko.

"Wala akong karapatan na ipagkalat ang bagay na ito at makakaasa kang mananatili itong lihim sa pagitan natin kamahalan. Tanging sa ating dalawa lamang"

I didn't know what to say, I lost my tongue once again.

'Ano bang nangyayari sa akin!?'

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, naguguluhan ako ngunit hindi ko ipagkakaila na kampante akong itatago niya ang lihim na ito.

Tila may bahagi sa pagkatao ko ang naniniwala sa kaniya at iyon ang nakakatakot sa lahat.

Sino ba ang lalaking ito? O mas mainam yatang itanong kung ano ang ginagawa sa akin ng lalaking ito? Bakit ako nagiging ganito?

"Malalim na ang gabi kamahalan, kailangan mo nang magpahinga. Sigurado akong napagod ka ngayong araw"

Kumuyom ang kamao ko at tumalim muli ang mga mata ko. Tama! Dapat kong ipakita na hindi kami magkapantay.

"Wala kang pakialam! Tuparin mo ang pangako mo lobo o ako mismo ang tatapos sa buhay mo!"

Huling pananakot ko at matapos noon ay mabilis akong tumalikod at tumakbo pabalik ng mansyon.

Sa bintana muli akong dumaan at mabilisan itong isinara kasabay ng pagtabing ng aking kurtina. Wala sa sariling napaatras ako ng ilang hakbang hanggang sa kusang bumigay ang mga binti ko. Para akong nanghina bigla kasabay ng kakaibang tibok ng aking puso. Hindi iyon normal ngunit hindi ko naman mapatigil.

May mali sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang sarili, matapos noon ay nilingon ko ang gawi kung saan nakalagay ang aking salamin.

Kitang kita ko roon ang pagbabago ng itsura ko. Basang-basa ang buong katawan ko dala ng ulan at puno ng putik ang mga paa ko. Walang wala sa prinsesang hinahangaan ng lahat dahil sa sandaling ito kasing gulo ng ayos ko ang takbo ng damdamin ko.

...♕...

In the vast of flowers in between the abysm and the forest. A figure of a man with a white tux is standing facing the sunset.

His here again, the mysterious man who filled me with curiosity.

I tried to step and reach him. Gusto kong makita ang kaniyang mukha, tila pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko naman mapangalanan. Another step and I am almost there, ngunit bigla na lamang siyang naglaho, nakita ko ang pagtangay ng hangin sa kaniyang imahe at parang punyal na tumatarak sa puso ko ang senaryong nakikita ko.

I gasped in horror and filled my lungs with air. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at gaya noong una ay muli nanaman akong dinalaw ng kakaibang panaginip.

Tumayo ako sa sahig kung saan ako nakatulog, basa parin ang aking damit at may bahid parin ng putik ang aking mga paa, tanda na walang pumasok sa aking silid, ngunit ng kapain ko ang aking pisngi ay may tanda iyon ng pag-iyak.

I can't help but to be amaze on my own tears. Papaanong ang isang simpleng panaginip ay nagawa akong maapektuhan ng ganito?

Is this the side effect of his blood? Magiging mahina narin ba ako katulad ng lalaking iyon?

Definitely no! Gagawan ko ito ng paraan. I won't let him invade my system. I won't let him!

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon