Soulless Chapter 10: Lotus Fate

998 43 1
                                    

Soulless Chapter 10
Lotus Fate
~♛♛♛~

4 weeks of hell is finally over, or so I thought.

The door flew open revealing some servants who have my breakfast for today. I am still under the floral blanket, but that didn't keep me from being warm, instead all I feel is nothing.

I sighed when the door finally closed, leaving the two of us again.

"Eat this" turo niya sa pagkaing hinain ng mga katulong. I can see the wrath in her eyes, malayo sa tahimik at pala ngiting babaeng sinusunod ng mga katulong kanina.

Matapos ang assembly nila sa mataas na konseho ay mabilis siyang umuwi. The news got into them at inaasahan ng babaeng ito na ang kakayahan ng hari ang makukuha ko ngunit hindi iyon ang ibinigay sa akin. Instead I got her ability.

The ability of the Valentin, a clairvoyant.

Sa mahabang linggo ng pananatili ko rito ay iba't-ibang imahe lamang ang nakikita ko. The elements of fire didn't show, not even once. Sa halip ay puro panaginip lamang. Iba-iba, minsan pa ay bigla na lamang nangyayari sa akin ang mga nakikita ko sa isipan ko. And there I conclude what might be my ability.

I am a seer and I can see the future itself.

At wala iyong maidudulot na mabuti sa akin.

"How useless you could be Selestina?" Lumapit siya sa bintana ko at bahagya lamang akong nilingon. Her voice might be in a normal range but the poison with it are starting to surround me.

Alam kong galit siya sa tuwing ang ikalawang pangalan ko ang itinatawag niya sa akin. But I couldn't speak, I couldn't depend myself because I, myself felt useless as of this moment.

Anong magiging silbi ko sa hinaharap? A seer doesn't suit to be a queen. It doesn't give me any power to control this city. Inaasahan na ng lahat na si athalia ang uupo sa konseho kapalit ng kaniyang ama at tiyak na hindi na sila kailanman lalapit sa akin.

Anong magiging lakas ko kung nakikita ko lamang ang hinaharap? Anong silbi ko kung sakaling may maganap na digmaan?

Napailing ako sa ikalawang tanong at tumitig sa butihing reyna. I know the answer.

Magiging palamuti lamang ako ng Harilia at kung sakaling dumating ang digmaan ay magiging pabigat lamang ako sa lahat. Unang itatago, unang ililigtas at unang pagtatawanan.

Ayoko sa ideyang iyon!

Wala akong pinagkaiba sa reyna, ayokong maging katulad lamang niya.

"Sigurado akong hinahanap na ngayon sila"

I heard the weariness in her voice. Wala sa akin ang mga mata niya kung hindi sa hardin na pinagawa ng hari para kay Alicia.

Hindi ko mapagilang mapairap. Ayokong buksan ang huling bintana na iyon dahil sa hindi magandang tanawin ngunit ang reyna ay palagi na lamang sinisilip ang lugar na hindi naman para sa amin.

"Mas lalo kang mawawalan ng silbi oras na bumalik na sila"

Alam ko ang mga taong tinutukoy niya at alam ko ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya. Kaya lamang...

"Wag niyo ho sanang kalimutan kung sino at ano sila. Hindi ako maaaring mawala sa Harilia dahil ako lamang ang inaasahan ng mga Crossiford na uupo sa trono" I spat it with firm. She made me like this, hindi dapat yumuyuko sa kahit na sino, and she is not an exemption.

"Really?" Lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko. Ginawa ko ang lahat upang hindi niya makita ang pag-aalinlangan ko, dahil kitang-kita ko sa mga mata niya na isang malaking kalokohan lamang ang sinabi ko.

"But your father and her bitch sister is looking for you to fail, at ngayon nagkamali ka na. They can put a twist on everything my child, if that bastard child have your father's gift, tingin mo sino ang pipiliin ng konseho? Tingin mo saan ka nila itatapon? Mag-isip ka Eloisa at huwag na huwag mo akong yayabangan... hindi tumatanggap ang harilia ng mga mahihina"

Tumitig ako sa mga mata niya at sa unang beses nakita ko ang pagkakapareha namin. Halos lahat ng nakikita ko sa salamin araw-araw ay nahahawig sa kaniya. Ang tanging nakuha ko lamang sa aking ama ay ang pagiging istrikto, ngunit maliban doon ay wala na.

Naikuyom ko ang kamao sa ilalim ng kumot. Kakaibang galit ang nadarama ko sa mga oras na ito. Hindi ako mahina! Paano ako itatakwil ng Harilia? Kung buong buhay ko ay sinanay ako upang lumaban at mamuno.

"Ginawa niyo ako at ng Harilia upang maging pinuno. Hindi ako itatakwil ng Harilia, tiyak na hindi papayag si-..."

"Ang ama mo? Ang hari? Hanggang saan ka nakatitiyak? Walang kayang ingatan ang ama mo maliban sa sarili niya. Wag kang umasa ng sobra sa kaniya" matapos noon ay inayos niya ang buhok ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. " kumain ka na at ihanda mo na ang mga gamit mo, bukas ay ihahatid ka na sa bago mong paaralan"

Wala sa sariling napatango ako. Hindi ko magawang depensahan alinman sa mga sinabi niya dahil maging ako sa sarili ko ay hindi kayang maniwala na poprotektahan ako ng hari, dahil alam ko kung sino lamang ang gusto niyang maging anak, at hindi ako iyon.

Masakit man, ngunit iyon ang totoo. Tanggap ko na, hindi man niya sabihin ng diretso ngunit alam ko na.

"Payukuin mo ang lahat ng nasa paaralang iyon Eloisa, simulan mong pamunuan ang Harilia Vaste's. Huwag na huwag mo na akong bibiguin, maliwanag ba? Dahil kahit anong gawin mo, ako at ako lamang ang kakampi mo Eloisa, ako lamang"

Matapos niyang sabihin iyon ay nanatili lamang akong nakayuko. Hindi tanggap ang mga salitang kaniyang binanggit.

Mali siya, dahil sa simula pa lamang ay wala na siya sa tabi ko.

Mag-isa lamang ako sa labang ito.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon