Soulless Chapter 62: Faded Covet

261 7 3
                                    

Soulless Chapter 62:
Faded Covet
~♛♛♛~

I pretended I didn't hear anything last night, I pretended that everything is still normal and I pretended that I am not scared about my premonition.

Sa umagang iyon ay maaga kong tinapos ang mga gawain ko bago mag-agahan o mas mainam na sabihing hindi ako natulog upang gawin iyon para sa bagay na ito.

"Nana Nilda, kailangan ko na pong magpaalam, kailangan ko ng bumalik nang Harilia."

Natigil ang pagkain nilang dalawa, ngunit ang mga mata ko ay nakatutok lamang kay Nana Nilda. Ganoon parin ang ayos ng titig niya sa akin, ngunit alam kong sa likod noon ay isang mabuti at mapagmahal na babae.

"Biglaan yata prinsesa ang-" narinig ko ang pag protesta ni Dylan na siyang nasa harap ko kung kaya't maagap kong pinutol ang anumang sasabihin niya.

"Tiyak na kailangan na ako sa Harilia." Ibinaba ko ang tingin sa pagkaing nasa harap ko bago magpatuloy sa kasinungalingan "alam mong nagkakagulo ngayon sa palasyo at walang ibang aasahan ang konseho maliban sa akin. Maayos na rin ang lagay ko kaya naisip kong bumalik na kaagad."

Nagpatuloy ako sa pagkain, sinusulit ang bawat pagnguya dahil tiyak na babalik na naman akong muli sa dati, sa oras na bumalik ako sa Harilia.

"Maaari kang manatili rito prinsesa, gaya ng sinabi mo magulo sa Harilia, ayokong mapaha-"

"Walang ibang aayos ng gulo sa Harilia maliban sa akin, tiyak na alam mo iyan." Pinutol kong muli ang sasabihin niya at tumitig sa mga mata niya ng mariin. Ngunit tila lason ang lumabas sa mga labi ko matapos ituloy ang unang pangungusap. "At tiyak na nag-aalala na rin ngayon ang aking ina."

Nakita ako ang biglaang pagbabago ng emosyon sa mga mata niya, tanda ng tila alam niya ang kasinungalingang hinahabi ko para kay Nana Nilda.

Kapwa kami nakatitig sa mata ng bawat isa ng putulin iyon ni Nana Nilda na nasa tabi ko.

"Tama na iyan Dylan, may punto si Eloisa." Napayuko ako matapos marinig ang pangalan ko sa labi ni Nana Nilda. Kinamumuhian ko ang pangalang iyon, noon, ngunit dahil sa kaniya- sa bawat pagtawag niya, unti-unting nagbabago. Gusto ko sa tuwing tinatawag niya ako, gusto ko ang pangalan ko sa tuwing siya ang nagbabanggit. Magaan, walang mabigat na responsibilidad at hindi ko kailangan magtago sa tuwing siya ang tumatawag noon sa akin.

"Kailangan ngayon ng pinuno ng Harilia, kung wala ang hari at hindi rin kontrolado ng reyna ang lahat, walang ibang makakatulong ngayon sa kaguluhan kung hindi ang prinsesa."

Tumahimik ang hapag matapos sabihin iyon ni Nana Nilda, tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig kahit si Dylan ay wala ring pag-alma sa sinabing iyon ng matanda.

Tinapos ko kaagad ang agahan at nagpaalam upang mag-ayos sa aking silid. Ngunit imbes na kumilos ay walang buhay akong naupo sa kama. Nakatitig sa kawalan habang inisip ang bangungot na posible kong magawa sa hinaharap.

Wala akong ibang marinig ng sandaling iyon maliban sa dibdib kong kumakabog dahil sa takot, kaya't hindi ko namalayan ang pagpasok ni Dylan sa silid.

Ang paghawak niya sa braso ko ang siyang nagpagising sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag prinsesa." Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin at tila sa bawat titig na iyon ay tila may hinahanap siyang ibang bagay. "Bakit kailangan mong magsinungaling kay Nana Nilda kanina?"

Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko kasabay ng pagtitig rin sa kaniya ng mariin. "Ano bang sinasabi mo? Walang kasinungalin sa mga iyon, at alam mo kung anong klaseng gulo ang nangyayari ngayon sa pamilya ko dahil kay... Dahil kay alicia."

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon