Soulless Chapter 18: Law of the Pack

573 30 1
                                    

Soulless Chapter 18:

Law of the Pack
~♛♛♛~


Dark woods, silent night, moonlight and a man in a white suite.

I open my eyes and the familiar ceiling on my room welcomed me.

Bumangon ako at pinakiramdam ang malakas na pagpintig ng puso ko. Malinaw kong naaalala ang panaginip ko.

Kinalma ko ang sarili ko at binuksan ang ilaw na nasa gilid ng higaan. The room lighten a bit, sunod ay sinilip ko ang bintana ko at nakitang naka pwesto na ang buwan sa langit.

Hindi ko sinasadyang makatulog sa paghihintay. Ngunit marahil ay wala na siya sa tagpuan, malamang ay napagod na ang lalaking iyon at hiling ko na sana ay lubayan na lamang niya ako. Kalimutan ang gabing iyon at mabuhay na gaya lamang ng dati.

Ngunit mali ako.

Mula sa ibaba, sa gilid ng isang puno ay nakatayo siya. Nakatitig sa aking bintana, sa aking mga mata.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko ngunit pinilit ko ang sariling kumalma. May sakit marahil ako, ilang beses na itong nangyayari at siguro ito ang parusa sa ginawa kong pagkakamali. Ang mamatay ng maaga.

Dinampot ko ang robe na nakasabit sa gilid ng upuan. Paglabas ng aking silid ay sinalubong ako ng matinding katahimikan, tanda na mali nanaman ang aking gagawin.

Subalit kailangan kong gawin ito.

Maingat akong humakbang, iniiwasang gumawa ng kahit anong ingay, ni kaunting liwanag ay hindi ako nagdala. Ayokong may makakita ng gagawin ko. Isang malaking eskandalo kung may isa sa mga bampirang ito ang makakakita sa palihim kong pagtakas.

My heart beat thump so fast, maybe because of what i am going to do.

Nakakatakot ang kaba ngunit may parte sa akin na tila natutuwa at nasasabik.

Nang makalabas ay sumalubong sa akin ang kadiliman at katahimikan ngunit alam kong mas delikado ako sa labas. But i set aside that thoughts, hindi iyon nakakatulong sa sitwasyon ko.

Umikot ako patungo sa likod kung nasaan ang bintana ng aking silid at mula sa dilim ay nakikita ko ang bulto niyang nakatayo, naghihintay sa akin.

Kung may makakakita sa amin ay marahil na pagkamalan kaming magkasintahan, isang romantikong ugnayan na kailanman ay hindi magaganap.

"Palagi mo nalang akong pinahihirapan kamahalan" huminga siya ng malalim matapos noon ay mabilisan siyang nag anyong lobo sa harapan ko na siyang aking kinagulat.

Napaatras ako, ngunit mabilis ding napahinto ng lumingon siya sa akin. Kahit nasa anyong hayop ay tila nakikita ko ang seryoso niyang mga mata na nakangisi sa akin, marahil ay iniisip niyang natakot ako sa kaniyang ginawa.

Kinuyom ko ang mga kamay ko at sinupil ang kakaibang pintig ng puso ko.

Ginalaw niya ang ulo niya na tila sumisenyas na sumakay ako sa likod niya. Nag-alangan ako ngunit ng maramdaman ko ang dalawang pares ng paa na papalapit sa pwesto namin ay mabilis rin ako sumampa sa kaniyang likod.

Kumapit ako sa mga balahibo niya. Sa isang pitik lang ng kamay ay naramdaman ko na ang paghampas ng hangin sa aking mukha. Mabilis ang pagtakbo niya at patungo ito sa gubat na nasa likod ng imperial ngunit kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam ng takot bagkus ay namangha lamang ako sa kung gaano kalambot ang mga balahibo niya sa balat ko. Parang kaysarap yakapin at sa unang beses naramdaman ko ang init na higit pa sa mga telang bumabalot sa katawan ko.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon