Soulless Chapter 17: Law of Tiara

596 20 0
                                    

Soulless Chapter 17:
Law of Tiara
~♛♛♛~

The sun rays finally enter my room. Walang pinagbago ang silid ko, ganoon parin- marangya at mabango. Ngunit ako? Pakiramdam ko hindi ako nababagay sa ganitong lugar.

Matapos ang gabing iyon, pakiramdam ko ay madumi ako. Akala ko ay pansamantala lamang iyon ngunit ang lalaking iyon ang pilit na nagpapa-alalang hindi na gaya ng dati ang lahat. May mali sa akin.

Dalawang araw na ang lumilipas mula ng makaharap ko ang lobong iyon. Hindi natapos ang pag-uusap namin dahil sa biglaang mga yabag na papalapit sa pwesto namin ng mga sandaling iyon. Nataranta ako, kung kaya't mabilis akong tumakas.

Lumabas ako ng gubat ng tila walang nangyari ngunit sa panlabas lamang iyon dahil sa loob ko ay nararamdaman ko ang unti-unti kong pagkawasak.

Matagal na noong huli ko itong naramdaman at hindi ko akalaing mauulit muli iyon.

Ang pag-iisa, ang kalungkutan at ang pagiging iba. Prinsesa ako at bawal magkamali ang isang gaya ko ngunit ang gabing iyon...

Isang gabi ng pagkakamali na siyang dahilan ng lahat ng ito.

Isang gabi lang...

Pumikit ako ng mariin kasabay ng paglimot sa gabing iyon, ngunit kahit sa sandaling iyon ay hindi ko mabura ang senaryong iyon sa isip ko. Isang reyalidad na wala parin akong kayang gawin. I am still the useless Eloisa of this land.

Tatlong katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Malayo palang ngunit alam ko na kung sino ang nasa labas noon.

Ayoko mang buksan ang pintuang yan ay hindi ko maaaring gawin.

Inayos ko ang sarili ko at inalis ang lahat ng emosyong hindi nararapat para sa akin bago buksan ang pintuan.

Bumungad sa akin ang mala patay na manika nang aking ina. Si Kara, Ang alalay niyang utusan na minsan lamang niya kung ilabas at sa tabi nito nakatayo ang reyna ng bayang ito.

Maganda ang ngiti niya sa mga sandaling ito habang ang katabi niyang utusan ay walang buhay ang mga mata. Isang senaryo na kahit kailan ay hindi ko nagustuhan.

"Magandang umaga po kamahalan" bumati ako, tanda ng pag-galang. Hindi dahil siya ang mas nakatataas ngunit para ipakita sa mga mag-aaral sa dulo ng pasilyong ito na siya parin ang reyna.

Yumakap siya sa akin ng mabilis. Ni hindi nga dumikit ang mga braso niya sa aking balat bago kami sabay na pumasok sa aking silid. Sumunod si Kara sabay sara ng pinto.

Mula sa loob ng kwarto ko ay naririnig ko ang paghanga ng ilang nakakita sa aking ina. Ngunit kung ano ang ipinakita niya sa labas ay ang siyang kaibahan sa loob ng kwartong ito.

Isang sampal ang mabilis na dumapo sa aking pisngi. Masakit, ngunit hindi ko magawang ipakita ang sakit. Walang puwang sa aking emosyon ang mga gaya noon. Mula pagkabata itinuro niya sa akin ang mga bagay na iyon, alisin ang mga hindi nararapat para sa isang reyna.

"Tama nga ang mga naririnig ko. Naaamoy ko ang mabahong amoy ng lobong iyon mula sa iyo. Hindi ka na ba nahiya para sa akin Eloisa? Ano nalang ang sasabihin ng Vaste's oras na malaman nila ang tungkol dito?" The panicked in her eyes show visible.

Ang trono.

Ang pangalan.

Iyon lang naman ang mahalaga para sa kaniya. Mas uunahin niyang isipin ang iba bago ang sarili niyang anak.

Hindi na bago sa akin ang senaryong ito.

Noong bata pa ako madalas din niya akong sampalin sa tuwing napapalapit ako sa ibang kaedaran ko na hindi nalalapit sa antas namin.

Tumanda man ako ngayon ay hindi parin nagbabago ang sistema niya.

"Nagkausap lamang po kami, pero wala naman po-" napatigil ako sa pag-iisip ng isasagot.

Tiyak na may mali nanaman siyang iisipin sa pagpapaliwanag ko.

At hindi man lang lumipas ang segundo ay mababakas na sa mukha niya ang pang-aakusa.

"Kahit kailan ay hindi ako nakarinig ng paliwanag mula sayo, ngunit ngayon? Dahil lang sa lalaking iyon?huwag mong sabihing higit pa sa kaibigan ang tingin mo sa lobong iyon!?" Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kaniya  matapos niyang isigaw ang bagay na yun.

Tama siya, hindi siya nakarinig noon sa akin ng paliwanag ngunit mali siya ng sabihin nyang kahit kailan ay hindi ko iyon ginawa. Minsan kong sinubukan, ngunit sa araw ding iyon itinatak niya sa batang isip ko na ang bawat paliwanag ay may ibang kahulugan, na ang bawat paliwanag ay katumbas ng kasinungalingan.

Itinatak ko iyon sa isip ko, lahat ng batas na siya lang mismo ang may gawa.

"Anong uri ng kahihiyan ang gusto mong ibigay sa akin Selestina!?"

Isang paglabag marahil sa batas ng nakatataas kung hihilingin ko sa mga sandaling ito na mawala ang espesyal na harang na inilagay sa silid ko upang marinig ng lahat ang pagsigaw ng aking ina. Upang makita nila na hindi perpektong magulang ang tinatangkilik at hinahangaan nila. Gusto kong makita ng lahat ang nakikita ng mga mata ko ngayon.

Ang buhay na kahit kailan ay hind ko ginusto.

Paano niya nasasabi ang lahat ng iyon? Ah, tama, marahil ay nakinig nanaman siya sa mga matang inilagay niya sa paligid ko, sa mga matang hindi kailanman narinig ang katotohanan sa mismong bibig ko.

Lahat ng sabihin ng mga taong iyon ay tama para sa kaniya. Samantalang ako na anak niya ay walang prebilehiyong magsalita at magpaliwanag. Mas malala pa ako kay Kara, si kara walang emosyon ngunit may kalayaang mapalapit at makausap ang aking ina ng walang harang, samantalang ako? Malayo ako sa estado ng isang anak at hindi ko kailanman natandaan na nagkausap kaming dalawa ng hindi iniisip ang kahit na sino.

"Tigilan mo ang kung ano mang relasyon ang meron kayo ng batang iyon. Ang binatang Vaste lamang ang kailangan natin, siya dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin at hindi ang mga nilalang na iyon. Huwag mo akong ipahiya Selestina, ako lang ang kakampi mo sa mundong ito anak."

Matapos niyang sabihin iyon ay muli akong naiwan sa silid ko. Inilabas ko mula sa aking bulsa ang sulat na iniwan ng lalaking iyon. Eto ang dahilan kung bakit naamoy ng reyna ang lobong iyon sa silid ko. Napahigpit ang hawak ko sa sulat dahilan para malukot ito. Pupwede akong tumakbo at layuan siya ngunit may parte sa akin na gusto siyang makita.

Gustong-gusto na pwedeng maging dahilan ng mas malaking gulo.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon