Soulless Chapter 73: Embrace of Past

194 3 0
                                    

Soulless Chapter 73:
Embrace of Past
~♛♛♛~

"Vincent." I whisper his name and a demon smile appears on his lips.

Then I look at Mira whose standing behind him, smiling like this is the happiest day of her life.

And I on the other side felt helpless.

Gustuhin ko mang tumayo upang umalis ngunit walang lakas ang mga binti ko. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang tapang na meron ako upang lumayo sa kanila. Wala si Athalia sa Harilia, gayundin si ama. Hindi ko alam kung nasaan si tiyo Valdemor maging si tiya mella. At mas lalong wala si Dylan sa paligid ko. Noon ko lang napagtanto na hindi ko kayang mag-isa. Na hindi ako malakas tulad ng iniisip ko.

Ngunit hindi ako pwedeng maging duwag.

Nahagip ng mga mata ko si kara at isang nakakainis na ngiti ang nakapinta ngayon sa labi niya, dahilan para muling bumalik ang galit ko. I breath deeply and returned that smile, kahit peke, kahit hindi totoo basta maipakita ko lamang sa kaniya that I am still myself. The compose and self centered bitch of Harilia.

"Nakakatuwa naman at kasalo ka na nila ngayon Elise, sigurado akong masaya ngayon ang reyna dahil hindi na lang si kara ang kasama niya sa paborito niyang oras. Hindi ba Vincent? Ang ganda nilang tingnan." Mira break the silence and I keep myself still. Gusto ko siyang lingunin at pagalitan at gusto ko ring ipaalala sa kanila na walang halaga si kara sa reyna, ngunit alam kong kalokohan lamang iyon.

Pero ayoko paring maramdaman ni kara na espesyal siya sa lugar na ito.

"Sigurado akong nalungkot lamang ng husto ang aking ina kaya't hinayaan siyang saluhan ng kaniyang tauhan. Pero ngayong narito na ako ay tiyak na matitigil na iyon, hindi ba kara?" I emphasize each word and look directly on kara's eyes. At naglaho ang ngiting ipinagyayabang niya kanina lamang.

Noon ko lamang nilingon si Mira. At hindi tulad ng inaasahan ko, hindi siya nakangiti. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa akin na siyang tinapatan ko. Kaibigan ko siya ngunit pakiramdam ko ay ibang babae ang kaharap ko ngayon. Pakiramdam ko ay may mali sa kaniya tulad sa aking ina.

"Selestina! Hindi ko-"

"May mga bisita tayo mahal kong ina, huwag mo sanang kalimutan." I stop her and smile sweetly. The same thing that she does whenever the situation needed. Ganitong ganito siya noon at alam kong pamilyar sa kaniya iyon kung kaya't agad siyang napatigil at tumitig sa akin.

'I learned from the best my dearly mother.' I can't help but to say it silently.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya at kung wala marahil ang mga bampirang ito sa paligid namin ay tiyak na nasampal na niya ako. Sino nga ba ako upang sagutin ang isang reyna ng bayang ito?

Sa ngayon wala, ngunit ilang araw mula ngayon ay magiging akin na rin naman ang trono. Marahil ay marapat lamang na pag-aralan ko na kung paano maging siya. Dahil kahit ayaw ko ay tiyak na magiging tauhan lang din ako ng kung sino mang magiging asawa ko. Ngunit ayokong isipin na si Vincent ang nilalang na iyon.

Walang wala siya kumpara kay Ren at mas lalong wala siyang sinabi kay Dylan. Maging ang pangalan niya ay walang sinabi sa bayan ng Harilia kung kaya't hindi maaaring isang gaya lamang niya ang magpapasunod sa akin.

"Gusto kong panoorin kung papaano mo pahirapan ang mga nilalang sa paligid mo my Elise ngunit naparito lamang ako upang sunduin ang reyna." Doon ko lamang nilingon si Vincent, hindi dahil sa kung papaano niya ako tawagin kung hindi dahil sa mahalagang bagay na kailangan niya sa aking ina.

"Ano namang kailangan mo sa aking ina?" It's rude, maybe but I couldn't stand him being here. Ayoko sa pakiramdam na may bagay siyang alam na hindi ko alam.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon