Soulless Chapter 57: The Voice Behind Her Pain

284 11 4
                                    

Soulless Chapter 57:
The Voice Behind Her Pain
~♛♛♛~

Madilim na gubat at ingay ng kalikasan ang siyang bumungad sa akin paglabas sa madilim na lagusang iyon.

Iginala ko ang aking mga mata sa tanawing nasa aking harapan. Walang pinagkaiba ang mga nakikita ko ngayon sa lugar na pinanggalingan ko.

Walang pinagkaiba ngunit sa mundong ito lumaki ang babaeng pinaka ayaw ko sa lahat.

Ang babaeng dahilan ng lahat.

Sa isiping iyon ay umalpas ang galit na matagal ko ng kinikimkim. Galit na hindi kailanman maaalis.

Gusto kong sirain at wasakin ang anumang bagay na iniingatan niya sa mundong ito. Gustong gusto ko.

Ngunit ang desisyong iligtas si Athalia ay siya ring desisyon upang iligtas si Alicia. Isang desisyon na posible kong pagsisihan habang buhay.

Huminga ako ng malalim, at kasabay ng pagtakbo ko ang siyang pagwaglit sa isip ng mga bagay tungkol kay alicia o sa sarili ko, maging ang katawan ko ay pinamanhid ko upang mahanap ang kinalalagyan ni Athalia.

Salamat sa ulan dahil mas mabilis kong nakita si Athalia.

The sight of her back is enough to make me at ease but her cries makes me stop.

Kusang bumagal ang pagtakbo ko ng marinig ang munti niyang pag-iyak at habang papaliit ang distansya namin ay lumilinaw sa paningin ko ang dahilan noon.

Ang kaniyang ina.

Huminto ako at nagkubli sa isang puno. Hindi ko alam kung bakit, ngunit ang makita ang mahinang Athalia ay nagdudulot rin sa akin ng sakit at galit.

Galit para sa babaeng nakahiga ngayon sa harapan ng pinsan ko at sakit para sa pagluha ni athalia. Alam kong wala ako sa lugar at wala akong karapatang husgahan ang pagiging ina niya. Ngunit ang katotohanang konektado siya kay Alicia ay sapat upang kamuhian ko siya.

Kung wala marahil sila sa mga buhay namin at kung iba marahil ang naging ina ni athalia, tiyak na naging masaya kami. Payapa sana ang Harilia at hindi sana nalalagay ang aking ama sa malaking problemang ito.

But those what if's are just a dream now. A dream that will stay as a dream.

Akmang hahakbang na ako paalis sa aking pinagtataguan ng dalawang pamilyar na pigura ang malinaw na nakita nang aking mga mata. Si Augusto habang nilalabanan ang ina ni Alicia at sa likod nito, mula sa dilim ay ang bampirang hindi ko inaasahan sa lahat.

"Mira" wala sa sarili kong nabanggit ang pangalan niya. Tulad ko, may sapat na distansiya ang pinagtataguan niya mula sa labanan.

Nawala ang kung anumang dipensang binuo ko bago pa makarating sa lugar na ito habang nagtatakang nakatitig sa kaniya.

Anong ginagawa niya sa lugar na ito?

Bakit siya narito?

Wala sa sariling napakapit ako sa punong pinagtataguan ko habang pinagmamasdan ang tinuturing kong kaibigan.

May kakaibang ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ako. Isang ngiti na kailanman ay hindi niya pinakita sa akin.

"Welcome to the mortal world Elise" i heard her voice inside my head and shiver run down through my being.

Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng takot kay Mira. Unang beses na tila hindi ko kilala ang babaeng nakatitig sa akin ngayon.

Sinenyas niya ang labanang nagaganap sa aming harapan. At tulad ni Mira, tila ibang nilalang rin ang Augusto na kalaban nila alicia.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon