Soulless Chapter 28: A Warm In Her Cold Heart

358 14 1
                                    

Soulless Chapter 28:
A Warm In Her Cold Heart
~♛♚♛~

They say vampires are the toughest creature. They are cold, merciless and a blood sucker but only few knows that we are the most vulnerable creature in this land.

Marahil ay kaya naming pumatay at mabuhay ng matagal, ngunit ang emosyon namin ang pinakamahirap kontrolin, pwede naming ikamatay ang bawat masasakit na ala-ala o pangyayari na hindi namin kayang kontrolin.

And i almost died because of that night. The fear, it was something that i am not used to at kung hindi dumating si Dylan ng mga sandaling iyon ay natitiyak kong napahamak na si Athalia maging ako.

My cousin has the ability, kung gagamitin niya iyon maaari niya akong madala hindi lamang sa silid ko kundi kahit hanggang sa aming tahanan. Ngunit kung makikita iyon nang kahit sino sa loob ng paaralan ay tiyak na kukwestyunin ang kaniyang pagkatao. Hindi lahat nang nasa konseho ay pabor sa aming pamilya, may iilan sa kanila ang nag-aabang ng pagkakataon upang hubaran kami at tanggalin sa pyramid.

Kaya't nang dumating si Dylan ng mga sandaling iyon, ay hindi lamang ako ang kaniyang iniligtas. He also save Athalia. And he also save the thread of trust from my dear cousin.

Siguro ay mabuti naring nangyari ang bagay na iyon upang malaman ni Athalia kung bakit hindi ako maaaring lumayo kay Dylan.

A week of healing is all enough to tell her the whole story. Walang labis, walang kulang and i can see how she hate the situation but she couldn't say anything as it already happened.

"If helping you is the only decision i could make to save your ass, then fine! I'll help. Basta huwag mo lang ipapahamak ang sarili mo Eloisa."

Her words is all enough to make me forget the nightmares. Nawala sa isip ko ang mga iyon at tanging ang saya lamang na ipinaramdam sa akin nang pagtanggap niya kay Dylan.

Trust, is such an important thing to a Valentin. And for Athalia to give it, means thing would go easy as she would save you from everything.

"Heto na ang inumin mo mahal na prinsesa, espesyal yan!" Walang buhay niyang sinabi ang salitang espesyal ngunit imbes na mainis ay tipid lamang akong napangiti.

I sip the blood through the bag and stared at the window. Ang ganda ng umaga, para sa mga mata ko iba ang kislap ng mga liwanag ng sandaling iyon.

"Grabe, masaya ka pa talaga? Kamuntikan ka nang mamatay pinsan. At kung hindi mo pa naiisip, hindi ka man lang sinilip ng mga magulang mo."

Nagkibit balikat ako bago sagutin siya. "Alam ko Athalia, pero masaya talaga ako. Hindi ba pwedeng maging masaya ka nalang din para sa akin?"

"Anong masaya dito? Isang linggo kang nakakulong dito sa kwarto mo, gigising ka lang sa tuwing dadating ang lobong yun para painumin ka ng dugo, tapos sasabihin mo sa akin masaya ka? Di kaya mamamatay ka na talaga?"

Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit saglit lamang dahil muling umukit sa mga labi ko ang ngiti na hindi ko mapigilan. Bakas sa mukha ni Athalia ang pagkamangha dahil doon.

Nang araw na iyon ay muli akong nasinagan ng araw sa labas ng aking silid. Alam ko na nagtataka ang karamihan kung bakit walang madilim na hangin ang nakapalibot sa akin ng araw na iyon. Nagawa kong matapos ang mga klase ko ng hindi sinisigawan sinuman sa mga guro ko, wala rin akong estudyante ninais na parusahan at nagawa ko pang hanapin si Mira sa buong paaralan ng hindi nakakaramdam ng kahit anong inis.

Ang maghapon ko ay dumaan lamang at nang sumapit ang hapunan ay nagpasya akong sumabay sa lahat upang kumain. Ang lahat nang nasa cafeteria ay umiilag sa daraanan ko ngunit alam kong namamangha rin sila sa kung gaano ako katahimik ngayong araw at higit silang nagulat ng mapangiti ako nang makita sila Dylan, Ren at Athalia sa gitnang mesa.

It was like a dream.

And i wish that it wouldn't end.

"Nakakatakot talaga kapag ganiyan ang itsura mo Eloisa." Tumabi ako kay Athalia na busangot ang mukha habang pinaglalaruan ang pagkain niya.

"Lady Athalia, sa tingin ko ay mas gumanda pa ang prinsesa dahil sa ngiti niya."

Pigil ko ang pag ngiti ng mas malapad dahil sa sinabi ni Dylan. Pakiramdam ko rin ay nag-init ang magkabilang pisngi ko sa simpleng papuri niya.

"Manahimik ka lobo, wala kang alam sa maganda at hindi. Nakakatakot ang mukha ng pinsan ko kapag nakangiti, hindi ba kuya Ren?"

Tinapakan ko ang paa ni Athalia sa ilalim ng mesa dahilan para samaan niya ako ng tingin, ngunit hindi naalis ang ngiti ko.

"Don't play with your food Athalia, eat it properly." Marahil ay naramdaman ni Ren ang titig sa kaniya ng lahat kung kaya't napilitan siyang sagutin ang tanong ni Athalia. "Ayos lang naman basta't huwag lamang ilalabas ng prinsesa niyo ang sungay niya, tiyak na magiging payapa ang Harilia."

Napalabi ako at pinigilan ang kahit anong komento sa sinabi ni Ren. Hindi ko sisirain ang araw na ito dahil lang sa gagong bampirang ito.

Matapos ang hapunang iyon ay parang naging routine ko na ang sumabay sa kanilang kumain magmula sa agahan hanggang sa hapunan at ang kakaiba doon ay parang natural lamang ang lahat. Kasabay ko palagi sa hapag si Dylan at si Ren minsan kapag wala si Athalia ay si Mira ang nasa tabi ko.

Ang reyna ay kontra sa mga ginagawa ko ngunit wala namang pinagkaiba iyon sa ibang araw at panahon sa nakaraan. Matagal na siyang ganoon na nakalimutan ko nang isipin na dahil lamang sa pag-aalala kaya niya iyon nagagawa. Mahal niya ako at si Dylan ang nagpakita sa akin ng bagay na iyon.

Sa bawat umagang gigising ako naiisip ko palagi na pwede akong maging ako sa buong maghapong iyon. Pwede akong magalit, malungkot, umiyak, mainis at tumawa ng walang iniisip na kahit ano.

Maybe it is too early to understand how love can change everything. Na kahit ang mga nakasanayan ko nang pananaw ay nabago noon.

Athalia and Dylan, help me through it. Pwede akong talikuran ng lahat maliban sa dalawang ito.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon