Soulless Chapter 69: Scarlets Offering

246 4 1
                                    

Soulless Chapter 69
Scarlets Offering
~♛♛♛~

She's alive.

It was the only word in my mind when I saw her helpless body, lying on a bed.

Augustus stared at allissa's body and a cringed smile is plastered on his face. It was creepy and I want to wipe it against his lip but I can't and I wouldn't.

Mas mahalagang mailabas ko si Allissa rito ng hindi ginagawang kaaway ang lalaking ito.

"Pwede mo na akong iwan dito." lumingon siya sa akin, at kitang kita sa mukha niya ang pagtutol. "Huwag kang mag-aalala, hindi ko siya papatayin kung yun ang inaalala mo."

"Talaga ba kamahalan? Hindi ko iniisip ang bagay na iyan pero hindi rin malabong gawin mo iyan sa oras na lumabas ako." His face shows mockery.

Lumapit ako sa kaniya, at sa unang hakbang pa lamang ay nakita ko na ang pagkaalarma ng katawan niya. I let out a soft laugh and stop in front of him. Inangat ko ang kamay ko at dahan-dahang idinampi sa pisngi niya.

"Relax Augustus, wala naman akong gagawin sayong masama." I carefully touch his cheek and let my hand slide to his neck. I look at it intently, then showed him my fangs. I smile when I saw his reactions, it was spectacular. If i would live on another life, I would be glad to be a monster who eat emotions- fear to be precise. I tried to touch his neck, a quick and fleeting touch but he immediately slap my hand and step away from me.

"Siguraduhin mo lang na hindi masasaktan ang babaeng ito, babalik ako kaagad kamahalan." matapos sabihin iyon ay mabilis siyang lumabas ng silid. Naiwan akong nakatayo lamang habang nakatulala sa kawalan.

It was just a minute of silence bago lumitaw si Athalia. She was all smile despite her awful state.  Hirap man sa paglalakad, ngunit nagawa niyang makarating sa aking kinatatayuan.

"Ang gandang palabas noon, kuhang kuha mo ang iyon Ina." Lumingon ako sa kaniya at imbes na mawala ang nakakaasar niyang ngiti ay mas lalo pa iyong lumawak.

Agad na pumasok sa isip ko si Dylan ng maalala ang paghawak ko sa mukha ni Augustus. At tila isang kasalanan ang ginawa ko at nangangailangan ng maayos na paliwanag upang hindi ako pag-isipan ng masama ng babaeng ito.

"Kinailangan ko lang gawin ang bagay na iyon para mapaalis ang lalaking iyon. Ayokong daanin sa dahas ang pagsagip sa babaeng ito." lumingon kay Allissa na payapa paring natutulog.

"Magandang plano nga iyan, Pero kailan ka pa natutong magpaliwanag ng mga kilos mo? Parang hindi ikaw iyan kamahalan." Napahinto ako sa akmang paglalakad palapit sa ina ni Alicia ng sabihin iyon ni Athalia, hindi ko nga ginagawa ang bagay na iyon, ngunit ng sandaling iyon iba ang nasa isip ko at para bang kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko sa kaniya. Sinubukan kong ibukas ang aking labi, ngunit wala akong mahanap na salita.

Nakatulala lamang ako sa likod ni Athalia ng mga sandaling iyon habang nag-iisip ng panibagong paliwanag.  Ngunit agad ko ding iwinaglit ang bagay na iyon ng makita kong iangat na niya ang katawan ni Allissa gamit ang kaniyang mahika.

"Tayo na, bago pa bumalik ang lalaking iyon." inilahad ni Athalia ang kamay niya para sa akin at handa na akong tanggapin iyon ng maalala ang mga binitawan kong pangako kay Augustus. Wala sa sariling pumaling ang mga mata ko sa madilim na parte ng silid at isang pigura ang nakita ko.

Mula sa madilim na parteng iyon ay isang pares ng walang buhay na mga mata ang nakatitig sa amin. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit agad akong pinigilan ni Athalia. "Huwag, tauhan din siya ng baliw na doctor na iyon. Sigurado akong ramdam mo na may kakaiba sa babaeng iyon."

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon