Soulless Chapter 37:
The Shattered Soul
~♛♚♛~'Ang gusto kong gawin mo ay bumalik sa paaralang iyon at pahirapan ang bastardang iyon.'
Bumalik ako, gaya ng bilin niya. Sapilitang pinahatid sa madaling salita.
At habang nakatitig ako kay Alicia ay naalala ko na naman ang mga sinabi niya.
Pahirapan siya. Parang kay dali gawin ng bagay na iyon.
Mag-isa lang siya, ngunit maraming bantay na nakapaligid sa kaniya ng hindi niya alam and that the difference between the two of us.
Ako ang kinikilalang prinsesa ngunit siya naman ang iniingatan ng aming ama.
Nariyan si Ren, si Athalia, si tiya Mella at natitiyak kong pati si Dylan.
Nasa paligid lamang sila at binabantayan siya sa malayo. Nasa paligid niya ang mga mahahalaga para sa akin.
Kung tutuusin, ako dapat ang binabantayan nila dahil ako ang kinikilala ng lahat. Ako ang nasa peligro dahil ako ang magmamana ng trono, hindi si Alicia. Ako dapat ngunit marahil tama ang reyna, kung hindi pinagbabawal ang gaya niya tiyak na siya ang pipiliin ng lahat.
Pumikit ako ng mariin kasabay ng matinding galit at hinanakit para sa lahat. Nakakapagod umiyak, nakakapagod masaktan.
Nakakapagod ang lahat dahil kahit anong gawin ko mag-isa parin ako.
Hindi nila ako makikita, hindi nila ako aalalahanin dahil nariyan na naman ang babaeng iyan! Inaagaw muli sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko.
Hinanap ko ang sasakyan ko at minaniobra ito paalis sa Paaralang kinamumuhian ko. Kahit gaano kadilim ang kalsada ay tinahak ko ito, makarating lamang sa lugar kung saan alam kong pupwede akong, maging ako.
Nang makarating sa Lumeria, sa lugar kung saan walang makakarinig sa akin ay mabilis akong lumabas upang isigaw ang lahat ng bagay na nagpapasikip ng dibdib ko. Lahat ng hinanakit at lahat ng sakripisyo ko sa buhay na hindi ko naman pinangarap.
I shout everything as i promised to myself that i would be the Eloisa Selestina who will make them pay for there sins. Lahat sila magbabayad! Lahat sila mananagot!
I won't give my heart to anyone! I won't have my heart back because they just destroyed it! They destroy me!
Buong magdamag nanatili ako sa lugar na iyon. Tumigil ako sa pagsigaw at maging sa pag-iyak. Parang tumigil ang lahat at unti-unting napupuno ng masasamang bagay ang puso ko.
I can't even remember the feeling of being alive as i drove back to Harilia. Lahat ng mga rank na makakasalubong ko ay mabilis na yumuyuko upang batiin ako.
But i didn't budge. Nilalagpasan ko lamang silang lahat.
Dumiretso ako sa unang klase ko hanggang sa pinakahuli nang pinupuna ang lahat ng pagkakamali ng mga nasa paligid ko.
I order them to stay at where they are standing. Remind them who i am on this land and shout to there faces how fool they are to look back at me.
Bastos, masama ang ugali, demonyita at kung anu-ano pa ang pwede nilang itawag sa akin pero alinman doon ay tatapatan ko lamang ng katungkulan ko at muli na silang bababa sa pagiging taga-sunod ko.
"Keep repeating that book, ulitin mo iyang basahin hanggang sa ikasampung ulit! Hindi tayo aalis sa kwartong ito hangga't hindi ka natatapos!"
Lahat ng kasama ko sa klaseng iyon ay nagsisisi na marahil. Wala na ang guro namin, pinaalis ko at hindi na kailanman pababalikin. Pinagbasa ko ang isa sa mga bampirang tumabi sa kinauupuan ko. Hindi ako kuntento sa isang pahina at iniutos kong basahin ang isang libro ng sampung ulit para tumatak sa isipan nilang lahat ang leksyon namin.
Ayokong umalis, ayoko pang lumabas. Lumubog na nga marahil ang araw ngunit hindi parin ako pumapayag.
Ayoko sa lahat at sisiguruhin kong alam nila iyong lahat.
"Lady Elise, p-p-pwede po b-bang bukas naman?" Isa sa kanila ang naglakas loob. Nilingon ko ang babaeng iyon, nanginginig siya ngunit hindi sa takot kung hindi sa galit.
Ramdam ko ang emosyon, pamilyar sa akin kaya hind niya ako maloloko.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at sinagot ang tanong niya sa sarili kong paraan. "Gawin mo nang labing limang ulit, basahin mo nang labing limang ulit." Nakaharap ako sa babaeng pangahas habang inuutusan ang lalaking nagbabasa parin.
Napangiti ako ng makita ang pag protesta nila.
"Hindi na tama ito! Kahit ang konseho ay tiyak na parurusahan ka na sa ginagawa mong ito!"
"Sige, magsumbong kayo sa konseho at sisiguradahin kong mapapaalis ang pamilya ninyo sa bayang ito. Malinis ba ang pamilya ninyo? Ang pangalang dala ninyo? O marahil ay nasa inyo mismo ang mali. Sinuman sa inyo ang may tapang na magsumbong ay tumayo na. Hindi ko kailangan ang pamilya ko para gawin ang bagay na iyon, dahil ako mismo ay magagawa iyon..sa mabilisang paraan." Muli silang natahimik at alam kong naninibugho sila habang nakayuko.
Heto ang mga anak na sinasabi ng reyna na dapat kong gawing kaibigan ngunit kung tutuusin ay pagbagsak ko lamang ang hinahangad.
Minsan akong naging mabait sa kanila, ngunit gaya ng reyna ay madilim din ang hangarin sa akin ang mga nilalang na ito.
Pakikitaan ako ng nakakawang mukha ngunit sa loob nila ay isinusumpa na ako.
Mga mapagpanggap, ganid sa kapangyarihan.
Mas may halaga ang posisyon ko, at lahat sila ay iyon lamang ang pakay
BINABASA MO ANG
The Soulless Queen (COMPLETED)
VampireI am the fruits of the two pure flowers. Pag-iibigan na matagal ng itinakda. Legal Totoo At puro. My mother fell in love with my father. She fight but she never win his heart. She live in a castle but cage in her own nightmare. And i, as there he...