Soulless Chapter 67: Lake of Blood

265 4 3
                                    

Soulless Chapter 67:
Lake of Blood
~♛♛♛~

Eyes keep on staring at me. Glancing every move I make as I walked inside the manor. Holding things around, arranging weapons and doing what a servants should do.

But it wasn't just a glance.

Bawat galaw ko ay binabantayan nilang lahat. Bawat lakad at bawat bagay na hawakan ko. Lahat ng iyon ay pinagdududahan nila.

Pero wala naman akong magagawa. Wala na akong lugar na pwedeng puntahan sa bahay na ito. Bumalik na ang may ari ng hardin at ang kwartong tinutulugan ko nalang ang natitirang parte ng manor na ito ang tahimik para sa akin ngunit kahit ang silid na iyon ay may tatak parin ni Alicia. At ayoko sa bagay na iyon. Ayokong tumagal sa lugar na magpapaalala lamang sa akin ng galit ko kay Alicia, sa mga magulang ko at sa pangalang meron ako.

Ayokong maalala ang dahilan kung bakit narito ako sa bahay na ito.Ngunit kahit sa bagay na iyon, ay wala rin akong magawa.

Mahaba pa ang araw ng paghahanda para sa kanila, ngunit para sa akin ay paikli lamang iyon ng paikli. Sobrang ikli, lalo na sa mga araw na wala akong ginagawa.

Mas nararamdam ko ang pagod sa bawat araw na dumaraan, hindi ko malaman kung dahil lamang ba ito sa tensyon ng papalapit na digmaan o dahil narin sa kawalan ko ng pagkain. Ang huling araw na maayos ako ay ang araw na kasama ko si dylan at mundo ng mga mortal. At gaya noon wala na naman akong ganang tumikim ng dugo at pagkain sa bahay na ito.

Inilipag ko ng maayos ang mga gamot na maaring gamiting gamot ng mga kapwa ko bampira sa maliit na estante. Alam kong wala itong silbi dahil kaya parin naman naming maghilom sa sarili naming paraan, ngunit mahigpit ang bilin ni ama na ihanda ang mga ito na siyang ginagawa ko.

Wala sa sarili akong napapikit dahil sa amoy ni Dylan na dala ng hangin. Nasa manor muli siya, ngunit gaya ng mga araw na dumaan ay hindi na naman siya nagpapakita sa akin. Kasama siya nila Athalia, sa bawat pagpaplanong nagaganap sa loob ng aklatan, kaya't alam kong alam niyang naririto ako.

Ngunit mukhang nakalimot na ang lobong iyon sa pangakong binitawan niya. Possibleng dahil nasa paligid na naman niya si Alicia, kaya't nakalimutan na naman niya ako. O baka dahil nagsumbong na sila sa ginawa ko sa kawawa nilang prinsesa.

Alinman sa dalawa ang dahilan niya, ay wala na sa akin. Hindi mahalaga ang mga iyon lalo't maraming bagay ang pwedeng maganap sa digmaang ito.

"Eloisa" kilalang kilala ko ang boses na iyon kahit hindi ako lumingon at sa totoo lang kahit siya ay ayokong makita muna kahit ang makausap "Tulungan na kita?"

Napahinto ako sa tanong na iyon at wala sa sariling nilingon siya. Nakangiti na naman siya gaya ng mga ngiti niya ng nagdaang araw , ngiti na para bang normal lang para sa kaniyang gawin iyon ng hindi ako ginugulo.

Hindi niya hinintay ang sagot ko at agad na dumampot ng mga gamot sa lamesa, ngunit tinabig ko kaagad ang kamay niya dahilan para malaglag at mabasag ang bote.

"Athalia, pwede bang iwanan mo muna ko?" Nice and kind wasn't on our middle name, but this past few days Athalia's playing that role. And it's the sickest thing.

Ayokong bumait siya, ayoko ng inaasal niya ngayon at ayokong gayahin niya si Alicia. Mahina.

"Sayang na naman ang gamot na ito." Dinampot niya ang basag na bote at nilapag sa lamesa.

Walang kumibo sa amin sa mga nagdaang segundo at nagpapasalamat ako na walang iba sa silid na ito maliban sa amin, dahil tiyak na aabot na naman sa hari at ako na naman ang masama sa kwentong iyon.

"Masaya akong narito ka Eloisa, kahit galit ka sa lahat. Okay na sakin na ganiyan ang ugali mo dahil alam kong ligtas ka sa bahay na to"

Wala sa sarili akong natawa sa sinabi niya. Ligtas, napakabigat at napakaimposibleng bagay ngayon ang salitang iyon para sa akin.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon