Soulless Chapter 81: The Queen's End

507 3 4
                                    

Soulless Chapter 81
The Queen's End
~♛♛♛~

It was the rainy night of june when I visit the Queen's chamber. The rain and the thunder create unpleasant feelings on my dreams.

I don't want to sleep alone, I want my mother to hug me the same way that she does when she whispers her hatred towards Alicia.

Alam kong mali, ngunit noon ko lang naman nararanasan ang maging anak niya sa tuwing nagagalit siya. And tonight I want to feel it, to take all those bad dreams away.

But I got stuck in front of her door. Hindi iyon sarado kung kaya't malaya kong nakikita ang aking ina. Nakaupo siya sa sahig, hawak ang korona na kailanman ay hindi niya hinuhubad.

I didn't knock nor made any noise as I watched her cry over that crown. The chaos of the storm is shielding her voice to be heard on the castle.

I forgot about the bad dreams, instead I loathe that crown for making my mother cry. And then that loathe turns into something. Naisip ko na kung ako ang magiging reyna, hindi na marahil iiyak ang aking ina. And right there and then, I wanted that crown to be mine so the Queen will never cry again.

It's a dark wish, but I also wish I am not a child during those time so I could have the vampire ability to hear why she cried that night. Siguro kung narinig ko iyon, nagbago sana ang pangarap ko.

At marahil kung nangyari iyon ay hindi ko sasabihin sa kaniya na pangarap kong maging reyna. Siguro hindi niya sasabihin sa akin ang pangarap niyang mundo na wala ang ibang dugo. Siguro hindi ko sasang-ayunan at papangarapin rin iyon katulad niya.

Maybe, just maybe things would be different.

Regrets washed over me, but I immediately disregard it as I look at the ranks and Elayni in front of me. Kneeling before me, thinking that I am the best choice that they have, pero ako nga ba talaga ang tamang nilalang na dapat sundin nila?

That question made me stop.

Ang plano ko ay ipain sila upang makalabas ako ng bayan, upang mapuntahan ko si ama sa Manor at baguhin ang plano. Gusto kong lusubin ang Harilia upang mahinto na ang aking ina at ang mga konseho sa walang kwenta nilang dahilan na gawing hari si Vincent. Ayokong ikasal sa lalaking iyon! Ayokong matali sa isang relasyon na kailanman ay hindi magtatagal, ngunit kaya ko nga bang ipahamak sila?

Sigurado na makakalabas ako sa tulong ng mga ranggo, ngunit sa oras na mahuli sila tiyak na kamatayan ang parusa sa kanila. At si Elayni? Si Elayni ang naiisip kong paraan upang maisagawa ang lahat ng iyon, maaari siyang makalabas at makapasok sa bayan, siyang ang magiging mata ko, ngunit magiging madali nga ba ang lahat? Sa lagay ng katawan niya, malabong hindi siya mapansin ng mga ranggo na hawak ni Vincent. Hindi siya makakalabas ng bayan, at posibleng iharap pa siya sa konseho.

Lilitisin siya, aalamin kung ano ang nangyari sa kaniya at kapag nalaman nilang siya lamang ang nakaligtas sa sunog na nangyari sa Erudite ay tiyak na kamatayan parin ang parusa niya.

Wala ni isa sa mga planong iyon ang sasang-ayunan ni ama, ni Alicia at maski ni Athalia.

Masiyadong mababaw at makasarili ang plano ko. Pagtatawanan lamang ako ng konseho maging ng aking mga magulang. Mababa ang tiyansa na may mabago ako, at tiyak na isusumpa lamang ako ng mga pamilya ng mga nilalang na ito. Mas patutunayan ko lang na hindi ako ang tamang babae na mamuno sa kanila, at kailangan ko parin ng hari na siyang aalalay sa akin.

Nakuyom ko ang kamao ko sa isiping iyon. Ayokong sayangin ang mga buhay nila, hindi ito ang paraan na gusto ko para lamang makuha ang korona. Siguradong pagtatawanan rin ako ni Athalia sakaling magkita kami sa kabilang buhay kung itutuloy ko ito.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon