Soulless Chapter 24: Queen's Lies

442 16 2
                                    

Soulless Chapter 24:
Queen's Lies
~♛♚♛~

"Kamusta ang pakiramdam mo prinsesa? pasensiya na kung napatagal ang pagtulog ko, hindi ko sinasadya."

I cleared my throat as i gathered myself to answer his question.

"Mabuti na ang pakiramdam ko at ayos lang, kasalanan ko naman kung bakit napatagal ang tulog mo."

Umiwas ako ng tingin ng iangat niya ang ulo niya. Kamuntikan na niya akong mahuling nakatitig sa kaniya kanina, mabuti na lamang at hindi ko hinawakan ang mukha niya kahit gaano ko pa gustong gawin niyo.

Kung nagkataon na hindi ko napigilan ang sarili ko, siguradong wala na sa akin ang dignidad na iniingatan ko.

I should never stare at his sleeping face.

"Sigurado ka ba prinsesa? nagkukulay rosas ang mga pisngi mo."

I flinched when he touch my face. Nang tingnan ko siya, ay gaya ko lamang na mukhang nagulat rin sa ginawa niya.

"Maayos naman na siguro ang pakiramdam mo, pwede ka nang umalis nang tahimik. Huwag na huwag kang magpapahuli kahit kanino lobo." Tinaliman ko ang mga titig dahil hindi lumalabas sa tinig ko ang autoridad na kailangan ko.

Alam kong may itatanong pa siya pero dahil sa utos ko ay mabilis din siyang umalis. Dumaan siya sa bintana kung saan hindi siya makikita ng kahit na sinong estudyante ng imperial.

Naupo ako sa kama ko at wala sa sariling hinawakan ang unang ginamit niya kanina. Naroon parin ang init mula sa katawan niya at maging ang amoy niya ay kalat sa loob ng aking silid ngunit imbes na mangamba ay napangiti na lamang at nahiga sa kabilang bahagi ng kama na hindi niya inokupa.

Tumagilid ako ng higa at inisip ang ayos niya.

May ngiti sa mga labi ko hanggang sa makatulog ako sa parehong ayos.

Gabi na nang magising ako at mukha kaagad ni kara ang una kong nakita.

Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko bago muling tumingin sa kaniya.

"Pinasusundo ka ng reyna sa tahanan ng mga Vaste's."

Napangisi ako ng marinig kung paano siya sa tuwing kaming dalawa nalang. Walang pag-galang, walang kahit ano, katulad lang ng amo niya sa tuwing walang ibang nakaharap.

"Lumabas ka, ayokong nandito ka sa kwarto ko. Antayin mong matapos akong mag-ayos at wag na wag kang aalis sa gilid ng pinto. At huwag na huwag ka na muling papasok sa kwarto ko, maliwanag ba?"

Umangat ang gilid ng labi niya. At alam kong anuman ang lalabas na salita sa bibig niya ay puro pang-iinis lamang.

"Ang tapang ng amoy, siguradong hindi magugustuhan ng iyong ina ang tungkol dito. Madagdagan pa ang init ng ulo niya kung paghihintayin mo siya, lalo na sa-"

Tumingin ako ng diretso at inangat ang isang kilay ko. I am a Crossiford and no one is allowed to threatened me, not inside my own room. "Go ahead kara, mag report ka sa reyna at makakarating rin sa aking ama ang kawalang galang na ipinapakita mo sa akin. Pumasok ka pa sa kwarto ko ng walang paalam. Mapapahiya ang amo mo kapag sinabi ko yun sa harap ng pamilya Vaste's." Nilingon ko siya at ang una kong napansin ay ang nakakuyom niyang kamao, napangisi ako at tinitigan siya ng mariin sa mga mata. "Gumawa ka ng bagay ng ikaiinis ko kara at ang reyna mo ang sasalo ng kahihiyan. Magagalit lamang siya sa akin, sasampalin ako pero ikaw? Siguradong matinding parusa ang aabutin mo mula sa kaniya."

Kitang kita sa mga mata niya ang galit ngunit hindi na siya nagsalita at lumabas nalang ng kwarto ko.

Hindi ako nagmadaling mag-ayos gaya ng gusto ni kara. I take my time for everything. Mula sa paliligo, pagpili ng damit at maging sa pag-aayos ng mukha. I take everything like no one will wait for me.

Nang lumabas ako ay isang ngisi ang binigay ko kay kara bago lumakad.

The ride to the Vaste's mansion is silent. Hindi nagsasalita si Kara na siyang nagmamaneho ngayon ng sasakyan.

Sigurado akong nag-aalala na siya sa parusang pwede niyang makuha mula sa reyna, na siyang dapat lang para sa isang gaya niya.

She maybe my mom's favorite pet but still a slave.

Nang huminto ang sasakyan ay pinagbuksan kaagad ako ng isa sa mga tauhan ng Vastes.

I walk on there elegant entrance with class and poise. Iginiya ako ng mga tauhan sa hardin kung nasaan ang aking mga magulang ko at maging ang pamilya Vaste.

Nasa magkabilang kabisera ang hari at ang ama ni Ren, magkatabi naman ang aming mga ina at sa kabila ay si Ren na walang pakialam at ni hindi man lang lumingon sa akin.

Sa tabi niya ang bakanteng upuan na nakalaan para sa akin.

Maliit lang ang mesa sa hardin, gaya ng gusto ng ginang ng mga Vaste's. Mas mainam raw iyon sa maayos at malinaw na pag-uusap.

Humalik ako sa pisngi ng reyna at sa Ina ni Ren bago ako maupo sa tabi nang walang hiyang lalaking ito.

Isang beses sa bawat buwan nangyayari ang maliit na salu-salong gaya nito para patatagin ang pagbubuklod nang dalawang pamilya na mangyayari sa hinaharap.

"Sorry po, kung ngayon lang ako nakarating-"

The lady of the Vaste's stop me from explaining myself dahil hindi ko raw kailangang gawin pa iyon lalo pa at naiintindihan niya ang sitwasyon ko, and she was smiling the whole time while talking to us. Napaka bait niya at mala-anghel ang mukha, kontra naman sa babaeng nasa tabi niya na bagama't nakangiti ay nakikita ko naman ang galit sa mga mata. I smile to the queen despite the stare that she's giving me.

The whole dinner bored me, like the usual. Walang ibang pinag-uusapan maliban sa walang kwentang pag-iisang dibdib namin ni Ren. At gaya ko ay ganoon rin ang lalaking katabi ko, we are just nodding and agreeing to what they are asking. Bahala silang magplano.

Nang matapos ay magalang kaming nagpaalam sa kanila. The king looks happy with how the dinner goes. Akala mo ay totoong gusto niya si Ren para sa akin habang ang reyna naman at tahimik lamang sa tabi ko.

Pagdating sa palasyo ay dinala kaagad ako ng reyna sa aking silid at isang malutong na sampal ang dumampi sa aking pisngi.

The feeling isn't new na pakiramdam ko ay sanay na ang pisngi ko sa pagsampal niya.

"You really want to shame me Selestina! Hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng kahihiyan!"

I look at her straight in the eye. "Why mother? Hindi ba silang pwedeng maghintay? I am the future Queen of this land at sa tingin ko dapat ngayon palang ay masanay na sila sa akin. Right? Iyon naman ang itinuro mo hindi ba?"

The Queen stare at me for awhile at ilang minuto lamang ay pumalakpak na siya na siyang nagpataas ng kilay ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko kung saan niya ako sinampal at sa unang beses ay narinig ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa kaniya.

"Finally, natuto ka narin sa mga aral na binibigay ko sa iyo. Good job anak, keep that and you will be the greatest Queen of this land, you just actually made this night a good one. Sleep now Eloisa, and tomorrow will eat breakfast together."

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon