Soulless Chapter 8: The Fangs of Storm

1K 54 1
                                    

Soulless Chapter 8:
The Fangs of Storm
~♛♛♛~

Athalia Valentin...

I can't help but to grimaced at the sight. At this corner I can see how she sip and dump all those blood packs.

Nakakasuka sa totoo lang! Ngunit dahil walang silbi si Violetta kaya kailangan kong magtiis. Ang tanda-tanda na nang mestizang hilaw na yun hindi parin kayang maghandle ng isang phase. Walang silbing mayordoma.

"I need more!!!!" Eloisa screamed again.

Ubos na naman nito ang ika-sampung lalagyan, pang limampu na ang naiinom niya pero mukhang wala parin itong balak tumigil.

Ito ang mahirap kapag walang nagbabalanse, wala ang kahit isa sa mga magulang niya kaya imbes na kumalma ay lalo itong magwawala.

I already pass this stage so I have some background on what it felt like, but unlike her- hindi ako kasing sugapa niya sa dugo. Naroon kasi ang aking ama kaya nabalanse iyon ng maayos, pero siya?

Wala. Walang kahit sino ang interesadong alamin o paghandaan ang bagay na ito.

They could have at least prepare their blood for her.

"Fucking rest Eloisa!"

Lumingon ito sa akin at kitang kita ko ang talim sa mga mata nito, ngunit maya-maya lang ay muli nanaman itong humihingi.

Sigurado ako na sobra nanaman ang sakit na nararamdaman niya at aaminin ko na nag-aalala na ako sa lagay niya, kung hindi magkakaroon ng dominant sa DNA at dugo niya ay maaari itong mabaliw. And right now, I can see the signs.

Purong dugo na ang iniinom niya ngunit kulang parin, bukod doon ay mukhang nakakalimutan na nang pinsan ko na isa siyang prinsesa. At bilang prinsesa, alam kong hindi niya gugustuhing makita ang ayos at asal niya sa mga oras na ito.

Elegante at mahinhin ang pinsan ko ngunit ang babaeng nasa harap ko ay malayong malayo sa tipikal niyang ayos. Tila isa na siyang halimaw na handang sakmalin ang kahit na sino.

At siguradong magiging isa siya, kung hindi matitigil ang ganito.

This is the baddest night! Sumasabay pa sa ikalawa niyang pagsilang ang paglabas ng bagyo. Bihira ito at ikalawa pa lamang ito ngayong taon.

"GIVE ME SOME BLOOD! I NEED BLOOD!...AAAAAH!!!!" I inhaled deeply and shut my eyes tightly by her scream.

If I could just give my blood to her, I would have done it within a second. But that could worsen the situation and Dad will kill me if he knew what I am doing at this hour.

I should leave before she lose her control and bite me, my blood is not safe for her. Ngunit sino ang magbabantay sa kaniya? Violetta is useless. Ang iba naman ay hindi rin gustong lumapit sa kaniya, sa takot masakmal ng prinsesa nila.

Fuck those high council! Kasalanan nila ito!

"ATHALIA! PLEASE!"

My face crumpled in annoyance at that. I heard the word please but it doesn't sound pleading to me, it still sound like her. The typical Eloisa I know. I don't know if it's good,  but the mere fact that she's still acting like a bitch is enough to calm me. At least for now.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon