Soulless Chapter 65: Cold Blood's Fear

237 4 1
                                    

Soulless Chapter 65:
Cold Blood's Fear
~♛♛♛~

I tried to stand firm as I saw it again.

Me bathing on the blood of my people.

I am staring right now on myself. I know that this is just a dream perhaps a nightmare. But i couldn't help but to cry as fear starting to crawl on my skin.

Pakiramdam ko ay nakahawak rin sa akin ang mahahaba niyang kuko na puno ng dugo. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid upang makita lamang ang lahat ng bangkay ng mga taga harilia, including those who I loved, those who I cherish and respect.

Para akong mababaliw habang nakikita ang hinaharap ko sa mismong harapan ko. Ang sarili ko, ang walang buhay niyang mga mata habang sa mga kuko niya tumutulo ang masaganang dugo.

Gaya sa ibang panaginip, nagsimula na naman siyang lumakad palapit sa akin at tulad rin ng madalas na nangyayari ay hindi ako makagalaw sa mismong kinatatayuan ko. Sinubukan kong tatagan ang sarili upang mawala ang takot, ngunit para akong pinapatay nito. Sa bawat hakbang niya mas nadaragdagan ang takot ko at ang tangi ko lamang nagagawa ay sumigaw, pumikit at sumigaw.

"Eloisa! Eloisa!" Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. May takot sa sarili na baka makita ko na naman ang imaheng iyon, ngunit ang nag-aalalang mukha ni Athalia ang una kong nakita.

Unti-unting nabawasan ang takot at pangamba ko at wala sa sariling niyakap siya ng mahigpit. Sobrang higpit na para bang magagawa niya akong maitago sa bangungot kong iyon.

Tiyak na may pagtataka sa kaniya ngunit imbes na magtanong ay hinaplos na lamang niya ang buhok ko habang bumubulong sa akin na panaginip lamang iyon.

"Wag mo kong iiwanan Athalia, natatakot ako" wala akong nagawa kung hindi ang mga salitang iyon. Natatakot ako sa ideyang lalabas siya ng silid at iiwanan akong mag-isa.

At sa pag-iisa, makikita ko na naman ang sariling naliligo sa mga dugong iyon.

"Panaginip lamang iyon, wag kang mag-alala babantayan kita."

Hangga't maaari ay ayoko nang muling pumikit, ngunit may kakaiba sa mga haplos ni Athalia na siyang nagpabalik sa akin sa pagpikit. Nakatulog ako sa ganoong ayos, ngunit sa pagkakataon na ito walang bangungot na dumalaw sa akin.

Nang muling magising ay mag-isa muli ako. Hindi na naman tumupad si Athalia sa kaniyang pangako. Ngunit ano nga bang aasahan ko?

Buo ang plano ng hari, at buo rin ang desisyon ni Athalia na samahan ang aking ama. Kung naiba marahil ang pagkakataon at walang nagbago sa akin, tiyak na sasang-ayon rin ako sa kanila. Tiyak na isa rin ako sa nagpaplano upang mapaalis ang mga hindi nararapat sa Harilia, ngunit iba na ang sitwasyon ngayon.

Iba na ako, ibang-iba.

Kumuyom ang kamao ko ng maalala ang bangungot. Alam kong magaganap iyon, sa ayaw at sa gusto ko magaganap ang bangungot na iyon.

Gusto kong sumigaw at ipaintindi sa aking ama ang kapalarang iyon, ngunit maniniwala ba siya? O kung maniwala man siya, may magbabago parin kaya?

Ang kapalaran ay kapalaran. At walang sinuman ang pwedeng bumago noon, kahit pa ako.

At natatakot ako.

Tinitigan ko ang larawan sa harapan ng aking higaan. Mga larawan iyon na pinta ng paboritong anak ng Hari. Mga masasayang imahe, naglalarawan kung gaano kaganda ang buhay niya. Para akong nalulunod habang nakatitig sa mga iyon, ayoko mang aminin ngunit kung pupwede akong makipag palit kay Alicia ng kapalaran ay gagawin ko.

Gusto ko ang buhay niya. Gusto ko ang magagandang ala-ala na meron siya. Mga ala-ala na wala ako.

Bumukas ang pinto ng silid ng hindi ko namamalayan.

"Eloisa?"

Lumingon ako sa bampirang iyon. Bakas sa mukha ni Athalia ang pag aalala ngunit hindi ko maramdaman ang bagay na iyon. Wala akong maramdaman lalo't alam ko na isinasakripisyo niya ang lahat ng meron siya para kay Alicia at para sa makita niya ang kaniyang ina

Hindi ko sila maintindihan, sila ni Alicia. Bakit kailangan pa nilang balikan ang mga bagay na pwedeng manakit sa kanila? Maayos ang buhay nila, puno ng kulay. Masaya, walang takot at pag-aalala. Hindi gaya ko na mula pagkabata ay kailangan ng patunayan sa lahat na ako ang karapat dapat.

"Nakakulong ba ako sa bahay na ito Athalia?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya at ibinalik ang tingin sa mga obra na likha ni Alicia

"Hindi, pinaalis ko na ang mga bantay mo kagabi pa. Alam kong hindi ka aalis, alam kong hindi mo kami iiwan." Walang buhay akong ngumiti sa sagot niya.

Iyon ang masakit na katotohanan. Alam na alam nilang kahit anong gawin nila mananatili ako. Alam nilang nasa mga palad nila ako. At alam nilang hindi ko sila kayang iwanan dahil pamilya ko sila.

"Eh ikaw, nakakulong ka ba sa bahay na ito?" Malamig na tanong ko. Tumahimik ang paligid.

At alam kong oo ang sagot sa tanong na iyon. Narito ang kaniyang ina, narito ang babaeng nang-iwan sa kaniya. At gaya ko hindi rin niya maiwan ang babaeng iyon dahil sa salitang pamilya.

"Sabihin mo sa aking ama, na kailangan ko siyang makausap. Kukumbisihin ko ulit siyang itigil ang kabaliwang ito."

"Eloisa, ako ang nakikiusap sayo. Hayaan mong gawin ng hari ang bagay na ito para sa Harilia."

"Kasinungalingan, alam nating ginagawa lamang iyon ng Hari para kay Alicia. Ibibigay niya sa kaniyang anak ang korona, kapalit ng buhay ng mga mamamayan ng bayan ko."

"Hindi, hindi mo naiintindihan. Gusto lamang ng Hari na ayusin ang bayan. Wala ng nagtitiwala sa kaniya at nakikita ng lahat na salot ang mga gaya ni Alicia, gaya ko."

"Iba ka sa kaniya Athalia, kinilala ka na ng bayan. Minahal ka ng Harilia, pero si Alicia, si Alicia..."

Hindi ko maituloy, dahil alam kong posibleng mahalin rin ng Harilia si Alicia. Kung ginawa rin ng pamilya namin ang proseso na ginawa kay Athalia. Tiyak na si Alicia ang magiging paborito ng lahat. Tiyak na siya ang pipiliin.

Maging ng aking ina, upang mahalin lamang siya ng Haria.

Alam ko ang bagay na iyon, alam ko ang katotohanan at alam kong mas mawawalan ako ng lugar sa Harilia.

Wala sa sariling napapikit ako, at sa pagpikit may bagong hinaharap akong nakita. Mga kapalaran na hindi para sa akin, makulay at masaya.

Mapait akong napangiti ng magmulat ng mata, bumungad sa akin ang hardin na pininta mismo ni Alicia sa araw ng aking kaarawan.

"Wala na talaga akong magagawa, ipaalam mo sa aking ama, na pumapayag na ako sa plano niya."

May ngiti sa mukha ni Athalia, at walang pagdadalawang isip siyang lumabas sa kwarto ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Ang kapalaran na nakita ko ay ang mga kapalarang kinatatakot ko. Mga kapalaran na para lamang kay Alicia. Kapalaran na magiging panibago niyang ala-ala.

Napahawak ako sa aking dibdib ng mas lumakas ang kabog noon. Mas lumakas ang takot.

Ngunit alam kong kailangan kong isantabi ang takot na ito upang gawin ang bagay na iyon. Hindi maaaring mamuno ang dalawang reyna sa isang bayan, dapat ay isa lang.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon