Soulless Chapter 78: Blinds and Leash

157 3 0
                                    

Soulless Chapter 78:
Blinds and Leash
~♛♛♛~

Stepping back into the palace, I sensed that things wouldn't be easy from now on.

"Sorry, Elise, but I know you won't obey the orders given to you, so I had to inform the queen of what you're planning. This is for your own good, my dear princess," Mira says, smiling broadly from behind my mother.

Kung magagawa ko lamang na tawirin ang pagitan namin ay ginawa ko na, para lamang maipalam ng mga kuko ko sa kaniya kung saan lamang siya nararapat, ngunit nakatayo sa harapan namin ang reyna. At ang mga mata niya ay matalim na nakatingin sa akin.

A subtle vibration beneath my feet caught my attention, and I recognized it emanating from the forest- the concealed passage, our secret route shared by Athalia and me.

I was about to run towards the exit to stop whatever the ranks were doing when the queen shouted, and it was the first time she yelled at me in front of everyone.

"Huwag mong susubukang umalis sa kinatatayuan mo ngayon Selestina! at ako mismo ang magpapatapon sa iyo sa kulungan! Wala kang karapatang suwayin ang utos ko! Hindi mo babastusin ang pangalan ko sa buong Harilia!" I never expect her to be kind and sweet, but I never also dream of this. She standing before everyone while showing that I am nothing but a mere blood for her, just a puppet with an invisible string.

I gaze up at her, attempting to take in her surroundings. I strive to recognize the resentment in my mother's eyes, the scornful expression on Mira's face, Kara's mischievous grin, and the varied looks in the eyes of the ranks.

This is the true essence of Harilia, and being humiliated feels different. It's like my status has plummeted in the eyes of everyone around.

Then, out of nowhere, I whisper the words she'd never want to hear. "Pero hindi ko gustong ikasal sa lalaking iyon."

Napansin ko ang pagkuyom ng kamay niya sa sinabi ko at alam kong dinagdagan ko lang ang galit niya sa mga oras na iyon. "Wala kang karapatang pumili sa kung sino ang gusto mo! Ang Harilia ang pipili noon para sayo at si Vincent ang lalaking iyon."

"Pero hindi isang Vaste's si Vincent! Hindi siya karapat dapat na maging pinuno ng bayan! Wala siyang alam-"

"Isa siya sa mga anino ng mga Vaste's, kaya't ng hindi mo nakuha si Ren ay nasa mga kamay na ni Vincent ang kapalaran mo! Pinatunayan niya lang na mas karapat dapat siya kaysa sa lalaking iyon!"

Wala sa sariling nagyuko ako ng tingin ng mapagtantong walang kapupuntahan ang pagpipilit ko. Kasabay rin noon ang pilit kong pagpipigil ang paglabas ng mapupula kong mga mata, maging ang paghaba ng mga kuko ko upang hindi siya magalit ng husto.

"Dalhin niyo na siya silid niya, at wala! Ni isa! Ang magbubukas ng pinto o bintana niya bago ang araw ng kaniyang kasal! Hindi ako pwedeng mapahiya sa konseho maging kay Vincent! Ang pangako ay pangako Selestina! At hindi ako papayag na ikaw ang sumira noon! Wala kang sisirain dahil anak lang kita!"

And that's the biggest blow I could ever received from her.

'wala kang sisirain dahil anak lang kita.'  I never did betray her, never put her to shame and always follow her lead just to please her, just to be with her.

But this story is not a fairytale and I always learned that reality in the hardest ways. The hardest and the cruel.

May dalawang ranggo na tumayo sa magkabilang gilid ko, ang akala ko ay hahawakan lamang nila ang magkabilang braso ko, ngunit isang posas ang inilabas ng isa sa kanila at agad na inilagay ang dalawang kamay ko sa likuran. Ramdam na ramdam ko ang malamig na metal sa balat ko.

"Ano to!?" Walang isinagot ang aking ina, sa halip ay nagpatianod lamang siya kay Kara ng hinawakan nito ang mga kamay niyang nakakuyom. Bumukas ang mga labi ni Kara at tila pinapakalma siya, kasabay noon ay ang pagtalikod niya sa akin. "Kamahalan!?"

"Pasensiya na lady Elise pero utos ito ng iyong ina." Ayokong magalit sa kahit sinong ranggo dahil alam kong wala silang magagawa kung hindi sumunod sa utos ng mas nakakataas sa kanila sa pyramid, ngunit hindi ko kayang pigilan ang damdamin ko.

"For safety lang naman Elise, mahirap na at baka masaktan mo sila. Hindi ba?"

"Ikaw!" Mira stand before me, hindi ko na napansin ang paglapit niya sa akin kung kaya't halos dambain ko siya kung hindi lamang sa mga rank na nasa magkabilang gilid ko.

"Dalhin niyo na siya sa silid niya, huwag niyo ring kakalimutan ang utos ni Lady Cornelia. Bawal. Siyang. Makalabas." Ikinumpas niya pa ang kanang kamay niya sa harapan ko habang sinasabi ng mabagal ang huling mga salita.

Sinubukan kong pumalag kasabay ng pagtawag ko sa pangalan ng aking ina, ngunit tila wala siyang naririnig habang naglalakad kasabay ni Kara. Habang si Mira naman ay sumunod sa kanila.

Wala akong nagawa ng dalhin ako ng mga rank sa aking silid maging ng tanggalin ang posas sa mga kamay ko na siyang sumabay sa pagsara rin ng malaking pintuan sa likod ko. Binalot ako ng matinding kadiliman at katahimikan, ngunit kasabay rin noon ang paghinga ko ng malalim upang alisin ang matinding galit sa dibdib ko.

Walang magagawa ang galit ko sa mga sandaling ito at ang tanging meron lamang ako ay ang maghintay na matapos ang isang buwan.

I did what I had to do and said earlier just to confirm if Mira knew about my actions, but it seems she only reported me leaving the palace to the queen. And that's the best news for me because it indicates that my plan will succeed once they follow my orders. I have great confidence in that plan.

I breath deeply and take my step on my dark room.

The darkness didn't paralyze me; instead, it enveloped my entire being, offering solace for the impending war, my own ceremony. I found a seat nearby, closed my eyes, and suddenly, an image flashed in my mind-my room in Harilia Vaste's. The grand bed, the portrait, and the wide-open window on the right.

Then, out of nowhere, a man leaped through the window, wearing the most irritating yet comforting smile that could ease any pain in my chest. It's the smile I longed to witness before everything unfolded before my eyes.

And I'd give anything to see him smile at me again, just to see Dylan once more.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon