Soulles Chapter 35: Love and Pain

381 19 1
                                    

Soulless Chapter 35:
Love and Pain
~♛♚♛~


I keep on seeing the same vision for Alicia, but i keep on resisting it to tell to tiyo Valdemor.

Sobrang sama ko marahil upang isipin na ito ang magiging matinding pagbagsak niya ngunit para sa akin ito ang isa sa mga bagay na siyang nararapat mangyari.

Namuhay rin ako ng normal, at patuloy paring iniinom ang lason na sinasabi ng pinsan ko. Nagdadala si Mira araw-araw, ngunit dahil kay Athalia, kinailangan ko syang balaan na bawasan iyon pansamantala.

Ginagawa ko rin ang lahat upang iwasan si Dylan sa kahit saang parte ng unibersidad, minsan ay nasa labas rin sya ng bintana ko ngunit hindi ko kailanman binuksan iyon ni hawiin ang kurtina ay hindi ko ginawa.

Kaya ko ito at alam kong kakayanin ko pa.

Isa akong maharlika, hindi dugo ng isang lobo ang syang magpapabagsak sa isang gaya ko, isa pa ay wala akong nakikitang masamang epekto ng dugo na dinadala ni Mira para sa akin.

Ngunit tila kakaiba ang araw na ito kumpara sa iba, dahil pagbukas ko pa lamang ng silid ko ay ang bukas kaagad na bintana ang bumungad sa akin. Malayang hinahangin ang kurtina na dapat ay nakatakip roon.

Napabuga ako ng hangin bago sinarang mabuti ang pintuan ko. Kahit hindi ako lumingon ay ramdam ko ang talim ng titig niya sa akin.

"Sino ang nagbukas ng bintana para sayo? Si Athalia ba?" Naupo ako sa aking sofa habang siya ay nasa kama ko. Humalukipkip ako at inabala ang sarili sa mga kuko ko.

Wala akong oras para sa kaniya at hindi ako maglalaan ng kahit isang segundo upang lingunin siya.

Iyon sana ang plano ko, kung hindi lamang siya lumapit sa kinauupuan ko at hilahin ang kamay na pinaglalaanan ko ng mga tingin ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo lobo!?" Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin at nakakaramdam ako ng kakaibang takot sa mga iyon, lalo pa at ito ang unang beses na makita ko ang mga iyon, ngunit tinatapatan ko lamang iyon at hindi ipinakita ang takot.

Wala siyang sinabi na kahit na ano, sa halip ay binitawan niya ang kamay ko at kumuha ng punyal sa kaniyang likuran.

Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng takot para sa kaniya ng sinugatan niya ang sariling mga braso bago iyon inilapit sa aking bibig.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Tinabig ko ang braso niya at sinubukang abutin ang panyo na nasa bulsa ko, ngunit muli lamang niya akong iniharap sa kaniya.

This time, i can see how his muscle tense at parang mas dumilim ang kulay ng mga mata niyang nakatitig sa akin.

"I give you enough time Eloisa Selestina, Sobra sobra pa nga siguro sa kaya ko para lang makita kang sinisira ang sarili mo. Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Alam mong makikinig ako hindi ba?" Ramdam kong nagpipigil lamang siyang sigawan ako at hindi ko makayanan ang bigat ng bawat salitang ibinibigay niya.

"I am perfectly fine dylan. Maayos ako kaya pwede ka nang mabuhay ng normal na hindi ako iniisip pa."

Nakita kong nag-igting ang panga niya ng marinig iyon sa akin, pero mas mainam na malaman niyang hindi niya na ako kailangang lapitan pa.

"Maayos? Habang iniinom ang mga dugong iyon na alam mong pwedeng sumira sa iyo? Sa tingin mo ba prinsesa magiging maayos ka sa ginagawa mo?" Muli niyang inilapit sa akin ang braso niyang may masaganang dugo, ngunit pinigilan ko ang mga mata kong tumingin doon at sa halip ay nilabanan ko rin ang talim ng mga mata niya. "Ako ang kailangan mo prinsesa hindi ang mga lasong iyon."

Muli kong tinabig ang braso niya ng marinig ang salitang lason kahit pa nanunuot na sa pang-amoy ko ang bango ng kaniyang dugo.

Hindi ko na kailangang itanong kung kanino niya nalaman dahil natitiyak kong si Athalia lamang ang gagawa noon.

"Maayos ako lobo kaya ang kasunduan natin ay tinatapos ko na."

Tila iyon ang umubos sa pasensiya niya ng bigla na lamang niyang suntukin ang mesang nasa harap namin. I flinched when he did that at nawala ang tapang ko ng mga sandaling iyon.

"Hindi prinsesa, pang habambuhay ang kontrata kaya wala kang kasunduan na tatapusin sa oras na ito."

Akala ko ay aalis na siya nang tumayo siya at lumayo sa akin, ngunit nilibot niya lamang ang silid ko at parang may bagay na hinahanap. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko at mas dumoble iyon ng makita ko kung ano ang hawak niya.

"No! Wag dylan!" Sinubukan kong takbuhin ang pagitan namin ngunit dahil sa kakaibang takot na ipinaramdam niya sa akin ay tila nanghina ang mga binti ko.

Bitbit ang dalawang bote ng blood wine ay nagtungo siya sa silid kung nasan ang bathroom ko. Para akong nanghina lalo ng makita ko kung paano niya itinapon ang mga laman noon sa lababo ko.

Sinubukan ko siyang pigilan ngunit wala rin akong nagawa. Gusto ko siyang gamitan ng kakayahan ko ngunit natatakot akong masaktan siya.

At ayoko ng ganito.

Natatakot ako para sa sarili ko.

"Wala nang magdadala pa sayo ng kahit na ano dahil babantayan kita prinsesa. You have my blood, sayo lahat kaya hindi ako papayag na sirain mo ang bagay na iniingatan ko."

Napailing ako at wala sariling sinampal siya dahilan para mawala ang galit na nakikita ko sa mga mata niya.

"Stop making promises that you'll going to break Dylan. I have enough, and i am too tired to bear another pain."

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa halo-halong emosyon na hindi ko mapangalanan.

I maybe the smart lady in this land but when it comes to this part, palagi akong bumabagsak.

"Prinsesa, hindi kita sasaktan at kahit kailan hindi kita sasaktan." Bumalik sa pagiging maamo ang boses niya na dahilan upang mas makaramdam ako ng inis.

"You don't have any idea Dylan." Napapailing ako habang naiisip ang masaklap na kalagayan ko. I am doomed, I'm fucked up at alam kong mag-isa kong pagsisihan ang araw na tinanggap ang bagay na hindi dapat. "Mahal kita Dylan, at wala kang ideya kung gaano kasakit ang makita kang pinapasaya at inaalagan ang babaeng iyon. Wala kang ideya kung gaano iyon kasakit. So please leave me, dahil kailangan kong maging maayos. Kailangan kong gawin iyon ng wala ka."

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon