Soulless Chapter 47: The Queen's Battleground

374 13 1
                                    

Soulless Chapter 47:
The Queen's Battleground
~♛♚♛~

I stormed out of my room when i woke up with a sweat of bullets on my head. Ramdam ko ang gaspang ng kalsadang tinatakbuhan ko at ang hangin na tumatagos sa manipis na pantulog, but it didn't stop me as i run through the councils building.

Nang makarating sa destinasyong silid ay walang pagdadalawang isip kong itinulak ang pinto.

Isang buntong hininga mula kay tiyo Valdemor ang bumungad sa akin at maging gaya ko ay nabulahaw rin siya ng senaryong nakita niya, na siguradong ang pagmamadali kong makarating sa opisina niya.

"This is what i hate upon being a clairvoyant." Inabutan niya ako ng itim na robang may marka ng konseho matapos sabihin iyon at iginiya patungo sa mesa kung saan nakahanda ang dalawang tasa ng tsaa.

I exhaled deeply to calm my nerves. Nang makaupo ay humigop kaagad ako ng tsaa, to ease my fear upon seeing another vision.

"Tell me what you see this time Elise."

Ibinaba ko ang tasa nang mapansin ang panginginig ng mga kamay ko bago humarap kay tiyo. "Isang pagkakamali, bilog at asul na apoy, kadiliman sa gitna ng kawalan at mga buhay na alay para sa huwad na kalayaan."

Binigkas ko ang bawat senaryo na nakita ko at kasabay noon ay ang mga salitang sinabi ng dukesa ng safria. 'kung ililigtas mo ang isa, maililigtas mo rin ang lahat, at kabilang na roon si Alicia' nakuyom ko ang mga kamao kong nasa mga binti nang maisip ang salot kong kapatid ngunit sa kabila noon ay mas naninimbang ang kaligtasan ni Athalia.

"Mukhang natututo ka na pamangkin ko, at ngayon ay mukhang magiging palaisipan sa akin ang mga salitang binigkas mo o maaari ring hindi."

Lumuwag ang pagkuyom ko sa aking kamao sa huling sinabi ni tiyo.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Muli siyang bumuntong hininga at umayos ng upo. "Ayaw itong ipaalam sa'yo ng mga magulang mo, ngunit sa tingin ko ay mas dapat na alam mo ang mga nagaganap dahil sa kakayahan mo elise. May dumating na ulat sa konseho na may mga nagbabalak kumalaban sa Harilia, gusto nilang kumawala sa pamumuno ng inyong pamilya. Ang ikinababahala pa namin ay ang ulat na may mga estudyanteng kasali sa pagtiwalag na ito."

Natulala ako sa sinabi ni tiyo at unti-unting umusbong ang galit sa dibdib. Kulang man ang impormasyon ngunit natitiyak kong magkakaugnay ang mga ulat at ang mga vision na nakita ko.

"Mga walang utang na loob. Isinugal nang aming pamilya ang kaligtasan at kalayaan nila sa higher council pero heto pa ang igaganti nila!"

"Kumalma ka elise, maraming posibleng dahilan kung bakit nila iyon nagagawa at hindi galit ang maaari nating gamitin upang mapanatili ang kaayusan sa buong bayan, lalo pa at mainit ang mata ng higher council sa yo."

Napahinto ako sa sinabi ni tiyo kasabay noon ang kaba ng marinig ang pangalan nang siyang may hawak sa lahat ng batas.

"Bakit ako tiyo?"

Hinawakan ni tiyo ang tasa nang kaniyang tsaa ngunit hindi magawang inumin, sa halip ay nakatitig lamang siya sa likidong nasa loob noon.

"Elise, nakita ko kung ano ang ginawa mo at sa totoo lang ay naguguluhan ako kung bakit nagawa mo ang bagay na iyon. Dalawang senaryo ang nakita kong gagawin mo at hindi ko akalain na ang ikalawa ang pipiliin mo."

Napasandal ako sa aking kinauupuan at nag-iisip ng palusot o maaaring maging ibang dahilan ngunit tanging ang pag-amin na lang ang nakikita kong solusyon ng mga oras na iyon.

"Para sa isang bampirang malapit sa akin tiyo, gusto kong iligtas ang nilalang na iyon."

Alam kong dapat kong sabihin ang tungkol kay athalia ngunit naalala ko lang ang reaksyon ni tiya mella ng sabihin ko ang tungkol sa maaaring gawin ni alicia. At naduduwag akong malaman na ganoon rin ang posibleng maging tingin niya sa akin, idagdag pa na ayokong maramdaman niya ang takot na nararamdaman ko sa bawat segundong dumadaan.

Habang nakatitig ako sa mukha ni tiyo, naiisip ko ang mga senaryong posibleng maganap sa hinaharap at alam kong galit at pagkamuhi ang makukuha ko kung hindi ko mababago ang kay athalia, kaya dapat na magawa ko ito ng tama.

"Elise, instrumento lamang tayo para sa mas mapayapang pamumuhay nang nakararami ngunit nang ibigay sa atin ang kakayahan na ito sumumpa rin tayong igagalang ang kalayaan ng kapalarang paganahin ng tama ang oras nang bawat nilalang. Hindi mo pwedeng baguhin kung ano ang nakatakda dahil iyon ang batas ng kalikasan."

Napayuko ako sa pangangaral niya ngunit hindi ko maaaring tanggapin nalang ang batas na iyon nang ganun kadali.

Nasimulan ko na ito, tatapusin ko na hanggang sa maibigay ko ang lahat ng kaya ko.

Hanggang sa maging ligtas si Athalia nang walang inaalala si tiyo.

"Dahil sa ginawa mo ay pinutol na nang safria ang ugnayan nila sa ating bayan at hindi maganda ang kahulugan noon elise. At siguradong isa sa mga araw na ito, ikaw ang hihilingin nilang kapalit para sa buhay na nawala sa kanila"

Tumango ako kay tiyo at umuukit na sa isip ko ang galit na mukha ng mga taga-safria. Magiging malaking gulo ito pag nagkataon at iyon ang iniiwasan ng harilia.

Ngunit sa isang digmaan hindi maaaring mabuhay ang mahihina and lukas is one of those weak.

The safria made him weak.

"If asking my life as a price for what i have done is enough to pay them, then be it tiyo but rest assured that i won't let them kill me without a fight. Hindi lang ako prinsesa ng Harilia, pinalaki niyo rin po akong mandirigma and just like in battle we can't call it a war not until we walk on the blood of our enemies."

Bakas sa mukha ni tiyo ang pagtutol sa sinabi ko ngunit alam ko rin na nakikita niya sa mukha ko ang determinasyon.

I just wave my flag against my fate and the moment i let lukas died in misery i knew i am creating a battle against it.

And i will forever have a debt to pay on my mate.

Isang utang na alam kong habambuhay ang kabayaran.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon