Soulless Chapter 74: Desires and Blood

163 4 0
                                    

Soulless Chapter 74:
Desires and Blood
~♛♛♛~

I felt suffocated. I felt like my insanity is slowly drifting away from me and the more I stayed inside the castle, the more I lose myself.

And so I did, what I had to do. I run back to the manor, I run back to where my father is but it's much heartbreaking to see how he cried beside Alicia. Hawak niya ang kamay ng kapatid ko at kitang kita ko ang pag-aalala niya para rito.

I silently step back, and hold my place outside Alicia's room. Wala akong magawa kung hindi pakinggan lamang ang aking ama na kausapin ang kapatid ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo lamang sa lugar na iyon, at isang pamilyar na boses lamang ang tumawag sa akin upang pabalikin ako sa reyalidad.

"Eloisa." I turn only to see Athalia, again. "Bakit narito ka? Hindi ba't bumalik ka na sa palasyo?"

I stared at her and tried not to run. I want to hug her and tell her the things that running inside my head, ngunit tila nawalan lamang ako ng boses sa tanong niyang iyon. Na para bang sinasabi rin niya na wala akong lugar rito, na para lamang kay Alicia ang lahat.

Ayokong kaawaan ang sarili ko, ngunit sa mga oras na iyon ay mas ramdam ko ang pag-iisa.

"Nasaan si Dylan?" Bulong lamang iyon, bulong para sa sarili ko.

Tiyak na hindi sasabihin sa akin ni Dylan ang mga salitang iyon. Tiyak na maiintindihan niya ako, ngunit mas hindi ko inaasahan ang sagot na ibinigay niya sa akin.

"Umalis siya para balikan ang grupo nila. Ginigipit ng konseho ang kaniyang ama at hindi rin magandang balita na naririto ka. Tiyak na magagalit na naman sila kapag nalamang nawawala ka sa palasyo." Athalia's words tasted nothing but a bitter sweet true. A torture to my already shattered soul.

Ramdam ko ang galit sa boses niya, ngunit anong magagawa ko upang mawala iyon? Wala pa ako sa posisyon, at wala pa akong maitutulong kay Dylan. May kung ano sa dibdib ko ang tila kumikirot sa isiping nahihirapan din ang si Dylan sa mga oras na ito. Nahihirapan din siyang tulad ko dahil sa mga konseho, ngunit wala akong magawa. Ni hindi ko kayang ibalik ang pag-aalaga at pag-intindi na ibinigay niya sa akin noon. Sa halip ay mukhang isang panibagong problema lamang ang bitbit ko dahil lamang sa natakot akong malunod sa sarili kong mga problema. 

Umalis ako sa palasyo ng hindi nag-iisip, at hindi ganito ang Eloisa na kilala ng lahat. Hindi ako nagkakamali, hindi dapat ako magkamali.

Wala sa sariling napatitig na lamang ako sa pader bago siya muling sagutin. "Ah, ganon ba." Walang buhay ang boses ko at para bang namanhid ako pansamantala.

Nasa ganoon akong ayos ng tuluyang bumukas ang pinto sa silid ni Alicia. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng aking ama, ngunit hindi iyon napalitan ng saya, sa halip ay sumeryoso lamang siya.

Sinubukan kong ibukas ang mga labi ko upang magpaliwanag ngunit agad ko rin iyong itinikom ng bigla siyang magsalita.

"Sumunod ka sa akin, Eloisa." Agad siyang naglakad sa direksyon ng silid-aklatan. At wala akong magawa kung hindi titigan lamang ang likod niya.

Ang paraan ng pagkausap niya sa akin ay ibang iba kay Alicia. Hindi anak ang tingin niya sa akin, sa halip ay isang ranggo. Tauhan na susunod sa kaniya bilang hari.

At tulad ng isang mabuting ranggo, sumunod ako. Sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa paborito niyang upuan.

Tahimik ang buong paligid, at alam kong sa mga oras na ito ay galit ang nararamdaman niya para sa akin. Ang katahimikan ng hari ay nanganghulugan na may mabigat kang kasalanang nagawa at sa mga oras na ito ay sinisentensyahan na niya ako.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon