Soulless Chapter 75: The Maidens Downfall

182 4 0
                                    

Soulless Chapter 75:
The Maidens Downfall
~♛♛♛~

I am tired but then I can't sleep.

I sat quietly on my dark room, waiting for something I couldn't even name.

Simula ng makabalik ako sa palasyo ay nanatili na ako sa upuang ito, kaharap ang bintana. Kaharap ang napakaraming problema.

Pagod ang katawan ko, ngunit ang utak ko ay tila ganadong isipin ang lahat ng problema ko. Napakarami, at tila umiikot lamang silang lahat sa harapan ko. Tahimik ang silid ko, ngunit dahil sa dami ng iniisip ko, pakiramdam ko ay napaka ingay ng paligid.

At wala akong magawa kung hindi ang manatili sa gitna noon.

I breath deeply and just let my mind think of this chaos.

"I am no longer own my freedom." I chant and the image of Mira smiling at me flash on my head. Tama si Mira, utang ko ang lahat kay Vincent. Dahil kahit saang anggulo mo tingnan, walang dahilan upang hindi malaman ng higher Council ang gulo sa bayang ito.

And Vincent is a reckless bastard, kaya hindi imposible na magawa niya iyon. He can please everyone, and that's the main reason why I hate him. Ngunit ngayon ay kailangan kong kalimutan ang galit na iyon upang bayaran ang utang ko sa kaniya.

A bitter smile form on my delicate lips just by remembering that word. Utang na hindi hiningi ngunit kailangan kong bayaran.

I stared at my window frame, suddenly I felt like the urge to open it, felt like I needed the air to make me breath. And as I push it, the garden of my sister welcomed me. The precious treasure of my father. And I couldn't help but to remember again his words.

'Hindi mahalaga', I laugh at it, and I felt like my insanity is slowly slipping away from me. Then the laugh turn to something I don't want to. A sob, then a silent cry.

I didn't want to, but then my chest felt a little pinch that it starting to ache by that memory.

For a moment I let myself cry, I let myself be weak.

I wipe the tears after a minute and tried my best to sat again on my chair. I tried my best to stop my mind, I tried but I failed. My body felt numb, at pakiramdam ko ay nasa isip ko lang rin ang pagod na nararamdaman ko. Na maski iyon ay hindi rin totoo.

Wala sa sariling tinanaw ko ang buwan at pinagmasdan si luna. Vampires believe that praying on her will bring luck, ngunit ni minsan ay hindi ko iyon ginawa. Hindi ko sinamba ang diyos na hindi naman nagsasalita, hindi ko siya kinausap at mas lalong hindi ko siya pinaniwalaan, dahil buong buhay ko ay tila isang malaking parusa. Pero sa sandaling iyon wala sa sariling naipikit ko ang aking mga mata habang nakatingala sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano magdasal sa paraang alam ng lahat, ngunit alam ko kung paano makiusap.

Nakiusap ako kay luna na patigilin niya kahit pansamantala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko. Alam kong mababaw iyon, at malaking kaduwagan, ngunit sa sandaling iyon, ay iyon lang ang gusto ko. Iyon lang ang kailangan ko.

Ayokong isipin ang kasal, si Vincent, si Mira, ang aking ama, ang Harilia at ang mga problemang ito. Ngunit alam ko rin na kalokohan lamang ito, dahil sa oras na ikasal ako ay mas malaki pa ang problemang haharapin ko. At alam kong pagsisisihan ko ng malaki ang desisyong iyon. Gustuhin ko man ngunit kahit anong dahilan at pag-iisip ang gawin ko ay walang ibang paraan.

Ayokong malagay sa kahit na anong problema ang aking ina para lamang sa sarili kong kapakanan. Dahil kahit anong gawin ko, siya parin ang aking ina at walang kahit na anong makakabura noon.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon