Soulless Chapter 70: Thornless Cage

216 4 0
                                    

Soulless Chapter 70
Thornless Cage
~♛♛♛~

I bid my goodbye to Augustus, and he looked so excited when I exited that room.  He even made sure that I would really leave the premises and escorted me personally.

"Huwag ka na sanang babalik rito kamahalan."  I wanted to scratch his face when he bid those words to me. 

Walang bahid ng respeto ang tinig niya at kitang kita sa mukha niya ang galit sa akin. Ngunit sa huli ay pinalampas ko na lamang iyon. Itinatak ko na lamang sa isip ko na sumusunod lamang siya sa utos ng mga nasa itaas.

Sa utos ng pamilya ko.

Wala akong sinayang na pagkakataon at agad na lumayo sa lugar na iyon. May tiwala ako sa mahika ni Athalia, kaya't siguradong hindi malalaman ni Augustus ang ginawa namin. Sa pagtakbo ay nahagip ng mga mata ko ang gubat at alam kong may mga matang nakamatiyag sa akin. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tumakbo ng mabilis.

I sprinted as fast as I could, eventually coming to a halt in front of the manor. I stood there quietly, gazing at the walls. From the outside, it appeared abandoned, but there was an eerie sensation that will told you otherwise.

'Because this is Alicia's home.' A voice echoed in my head, correcting my inner thoughts.

I sat down on the ground, paying no attention to the dirt that stained my silk dress. I raised my hand and fixated my gaze on the bottle I held so dear, then shifted my attention to the bite mark on my wrist left by that woman.

Bakit ko ba ito ginagawa?

I questioned myself as the realization finally struck me. Kaaway ng aking ina ang babaeng iyon, kahati sa atensyon ng hari ngunit bakit ko ba ito kailangang gawin? Bakit ako?

Nakita ko lang naman ang posibleng mangyayari at alam kong hindi ko dapat iyon baguhin, ngunit ginagawa ko parin. Para saan ba ang lahat ng ito? Para ba sa papuri ng aking ama?

Alam kong oras na pumasok ako sa manor, malalaman niya ang ginawa ko sa babaeng pinakamamahal niya. Tiyak na matutuwa siya sa akin, ngunit pagkatapos noon ano na ang mangyayari?

Pansamantala lamang ang kasiyahan niya dahil ang pagwasak parin sa bayan ang pakay niya, ang pakay nila. Magiging buo marahil ang pamilya ni Alicia, habang ang sa akin ay tuluyang mawawasak.

Isang patak ng luha ang bumagsak sa mata ko habang iniisip ang mukha ng aking ina, ang mukha ni ama at ang masayang ang bagong pamilyang bubuuhin niya.

It felt like a squeezing pain in my chest, as if I were being crushed, and I knew I couldn't bear this agony.

Para saan pa ba kung makukuha ko ang atensyon niya? Tiyak naman akong pupurihin lamang niya ako bilang hari ngunit hindi bilang ang aking ama.

Nasa ganoon akong estado ng maramdaman ko ang pamilyar na prisensiya ni Athalia. Agad kong pinahid ang mga luha ko at tumayo. Marahas ko siyang nilingon para lamang makita ang nakakaawa niyang kalagayan.

Nakaluhod siya sa maputik na lupa habang ang isang kamay niya ay pilit na sinusuportahan ang sarili upang hindi siya tuluyang bumagsak.

"Ano ba ang ginagawa mo!?" Malakas na sigaw ko habang pinipigilan ang sariling lumapit sa kaniya.

Ayoko siyang hawakan, dahil ayokong mas maramdaman kung gaano siya kahina.

"Hindi ka ba magpapasalamat muna na binalikan kita?" Bahagya siyang tumawa ngunit agad ding napatigil sa pag-ubo niya. Napansin ko ang bahid ng dugo sa mga palad niya at alam kong sobra sobra na ang pag gamit niya sa katawan niya upang makabalik lamang rito.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon