Soulless Chapter 16: Undesirable Crux

623 24 2
                                    

Soulless Chapter 16:
Undesirable Crux
~♛♛♛~

We keep on walking until we reached the Domicile land.

Ang tanging bagay na ikinatuwa ko sa kaniya ay ang pananatili niya sa likuran ko at ang paglalagay ng tamang distansya sa aming dalawa. Ngunit kahit ganoon ay hindi nabawasan ang kagustuhan kong tapusin ang buhay niya. He is a threat, a complication and I hate involving in any complications.

Nang makarating sa gitnang bahagi kung saan nagtatagpo ang tatlong bahay ay kusang huminto ang mga paa ko.

Saan ko nga ba dadalhin ang lalaking ito?

Hindi maaari sa Empire, dahil tiyak na may makakarinig sa amin, sa ibang domicile naman ay tiyak na pagtatakhan-

"Sumunod ka sa akin"

Bumulong siya sa gilid ng tenga ko dahilan para mapahinto ako, bago lumagpas patungo sa Pack house. Kumuyom ang kaliwang kamao ko. Hindi ko gusto ang kahit anong lakas ng loob na meron siya sa pag-uutos sa akin. Walang kahit sino ang binigyan ko ng karapatan para gawin iyon!

Malayo na ang agwat niya sa akin ng lumingon siya. Sa totoo lang ay wala na akong balak na sumunod pa sa kaniya. Bakit ko susundin ang isang gaya niya?

Walang dahilan, ngunit habang nakatitig ako sa seryoso niyang mga mata ay parang nakararamdam ako ng takot.

Takot na kahit kailan ay hindi ko dapat maramdaman.

At ang bagay na iyon ay isang malaking kalokohan, marahil ay hindi takot ang nararamdaman ko kundi pangamba na maaari niyang isiwalat ang sikreto ko sa lahat. Sikretong bawal at hindi dapat malaman ninuman.

Kaya kahit labag sa loob ko ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko sa direksyon niya. Bahala na kung anong iisipin ng mga matang nakabantay sa akin, madali na lamang iyong lusutan kumpara sa mga inpormasyon hindi dapat isiwalat ng lalaking ito. Mas madaling linisin ang kalat na iyon kumpara sa lalaking ito.

Umangat ang gilid ng labi niya sa mabilis na sandali. Alam kong pinagtatawanan niya ako, pero imbes na mainis ay pinalampas ko nalang ang bagay na iyon. Hindi niya dapat makitang apektado ako sa bawat galaw niya. At hinding hindi ko ipapakita sa kaniyang ang mga emosyong gusto niyang makita.

Pababayaan ko lang siya, sa ngayon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit sa pagkakataong ito siya na ang nasa unahan. Nginingitian siya ng lahat at binabati na parang mahalagang nilalang sa eskwelahang ito ngunit sa tuwing dadapo sa akin ang mga mata ng mga nilalang na iyon ay kusang yumuyuko ang mga ulo nila, umiiwas sa bawat titig ko.

Gusto ko ang bagay na iyon, pero tila sa sandaling ito may pagbabago nanaman. At ayoko ng pagbabago.

Nagpatuloy kami hanggang sa makahoy na bahagi ng domicile. Bihira ang mga estudyante sa bahaging ito ng paaralan, sapat at tamang lugar para sa krimeng nais kong gawin, ngunit hindi ako hangal para ituloy pa ang bagay na iyon.

Matalino ang lobong ito, tiyak na plinano niyang magpapansin kanina sa lahat upang kung sakaling may mangyari sa kaniyang masama ay ako kaagad ang ituturo ng mga nilalang na iyon.

Marami ang nagsasabi na walang tamang sukat ang paaralan, malawak raw ito at ang tanging hangganan na sinasabi nila ay ang bangin na naghahati sa gubat ng paaralan at sa gubat ng mga Victorian ngunit kahit may hangganan ay hindi parin tiyak ang sukat ng detalye. Walang nakakaalam maliban sa mga konseho.

Kung kaya't kung nais kong tapusin ang buhay niya sa lugar na ito ay ang konseho lamang din ang unang makakaalam, unang makakaamoy ng bakas ko.

Hindi, hindi dapat ako maging padalos dalos.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon