Soulless Chapter 77: Her Final Scar

215 3 1
                                    

Soulless Chapter 77:
Her Final Scar
~♛♛♛~

"Tama ka, tingin ko nga iyon ang pinaka magandang plano." I break into that hug and silently wish that I can push and claw my nails on her face. But instead I just look at her face that does not look happy at the moment.

"Oh talaga ba?" Tumaas ang kilay niya, ngunit muling bumalik ang ngiti.

Alam kong naiinis ko na siya at sinusubukan niya lamang na baliktarin muli ang sitwasyon. Ngunit hindi ko siya papayagan.

"Oo naman, naiintindihan ko si Vincent. Masiyadong matrabaho ang koronasyon ko at alam niyang mahalaga iyon sa akin kaya't hindi na rin masama kung siya naman ang aasikaso sa mahalagang okasyon na iyon."  Lies, lies and lies, but I couldn't say the truth because what she's playing is the game I already mastered. "Siguradong surpresa iyon dapat sa akin, pero dahil madaldal ka kaya't walang sikreto na maitatago sa iyo. Maghanda ka nalang ng magandang paliwanag sa susunod na hari ng Harilia kung sakaling hindi siya masiyahan sa reaksyon ko sa araw na iyon."

I smile before I turn my feet and walk away from her. This is my castle, my territory and she's just Mira.

Nabura lamanh ang ngiti ko ng makalayo ng husto sa kaniya habang tinatahak ang daan pabalik ng silid ko. Some servants greet me, and I return those with a nod. Maraming tumatakbo sa isip ko, ngunit ginawa ko ang lahat upang manatiling kalmado. Hindi ko tiyak kung sasabihin ni Mira sa reyna ang mga sinabi niya sa akin, ngunit alam kong kailangan kong gamitin ang mga impormasyong iyon. Pero kasabay rin noon ang pagdadalawang isip ko, may parte sa akin ang nagdududa sa mga binigay niyang impormasyon, sa tradisyon at sa kasal.

Gusto kong isipin na nagbibiro lang si Mira at naglalaro lang upang malibang, pero lahat ng iyon ay mabilis na nawala sa isip ko ng makita ang paghahanda nila Violetta sa silid ko.

"Lady Elise, we're very sorry for this but the Queen ordered to clean this room and filled with the stuff that you might need." The smile on her face showed the truth and all I could do is to nod at her.

Might need, and that needs is for a whole month. Ikinuyom ko ang aking mga kamao upang pigilan ang sariling ibato ang mga gamit sa paligid ko ngunit kusang humaba ang mga kuko ko sa sobrang pagpipigil at ramdam ko ang malapot na bagay na siyang nasa mga palad ko na ngayon.

"I see, thank you for doing this Violetta. Pero mukhang hindi pa kayo tapos kaya't sa library nalang muna ako para basahin ang mga batas sa pyramid. Huwag niyo nalang akong istorbohin." I didn't wait any further and take my heels to the right direction, pero imbes na sa library ay mabilis akong lumihis patungo ko sa sikretong daanan palabas ng palasyo.

Tila nakita ko ang mukha ng pinsan ko ng makatapak ako sa kagubatan, ngunit alam kong isa lamang iyon sa mga imahe na dala ng gubat. Mga parte ng ala-alang meron ako sa tuwing naririto ako. Ngunit agad kong iwinaglit iyon at tinahak ang daang pamilyar sa akin, ang daan patungo sa manor ng aking ama.

Ni hindi ko na pinansin ang dugo na siyang nasa palad ko parin sa kasalukuyan, maging ang sugat nito. Wala akong panahon para sa sakit na ito.

I didn't wait any single seconds and run but I abruptly stop upon seeing the rank outside the castle.

Nakakalat sila, hindi lamang sa loob ng palasyo kung hindi maging sa labas. Normal na iyon magmula ng dumating ako, ngunit para bang dumoble ang bilang nila ngayon. At tila mas sumasama ang pakiramdam ko sa nangyayari.

Wala pa sa ibang ulo ang mga korona, ngunit tila ba inaangkin na nila ito ng buong-buo.

Maingat ang ginawa kong paggalaw sa gubat, makalayo lamang sa palasyo, ngunit ng makarating sa bayan ay muli akong napahinto. Sa pagkakataon na ito ay hindi lamang basta nakakalat ang mga ranggo, bagkus ay mismong binabantayan na nila ang labasan patungo sa bayan ng Somnium at bawat mukha ay tinitingnan nila ng mabuti.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon