Soulless Chapter 68: Dark Forest

264 7 1
                                    

Soulless Chapter 68:
Dark Forest
~♛♛♛~

Kapwa kami bumagsak sa damuhan matapos gamitin ni Athalia ang kakayahan niya. It was amazing how she can travel within that short span, but also dangerous.

Dangerous if the higher council found out.

Ipinikit ko ang mga mata ko matapos maramdaman na tila umiikot ang paligid ko. Ilang minuto matapos noon ay bumalik na sa tama ang pakiramdam ko at doon ko lamang napansin ang kakaiba sa gubat na siyang binagsakan namin. Maliwanag pa ang paligid sa labas, ngunit sa loob ng gubat kung nasaan kami ay tila balot na balot ng kadiliman. Tila walang buhay ang mga puno sa paligid namin kahit masagana naman ang mga dahon nito.

At may kakaiba sa simoy ng hangin.

"Athalia" nilingon ko ang pinsan ko upang ipaalam ang masamang kutob ko sa gubat na ito. Ngunit isang nakapikit na Athalia lamang ang bumungad sa akin.

Agad akong lumapit sa kaniya kahit maging ako ay hinang hina sa nangyari kanina. Wala parin akong sagot na nakukuha kung papaano at ano ang mga bagay na nakita ko, ngunit malinaw na may malaking kapahamakang mangyayari kung wala akong gagawin. Kahit hindi ako sigurado kung hinaharap nga ba iyon ni Alicia at kung siya nga ba talaga ang babaeng iyon.

Hinawakan ko ang pisngi ng pinsan ko at kakaibang saya ang naramdaman ko ng idilat niya ang mga mata niya. Kitang kita sa mga mata niya ang panghihina, ngunit wala kaming oras na dapat sayangin.

Isinandal ko ang katawan niya sa isang puno.

"Kailangan nating magmadali Athalia, sabihin mo sa akin kung nasaan ang babaeng iyon, ako na ang bahalang kumuha sa kaniya." Hinawakan ni Athalia ang braso ko na siyang nakapagpatigil sa akin sa akmang pagtayo.

"Hayaan mo muna akong makapagpahinga ng ilang minuto lang Eloisa. Sasamahan kita upang iligtas si tiya Alissa, hindi kita hahayaang sumugod sa lugar na iyon ng mag-isa." Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at tuluyang tumayo upang silipin ang paligid. Tama, iyon ang pangalan ng babaeng gusto kong iligtas. ang babaeng kinamumuhian ng aking ina.

Inalis ko ang paksa na iyon sa isipan ko at itinuon sa siyang tunay na dahilan kung bakit kami narito. Kung para kanino nga ba ang ginagawa ko ngayon. Nilibot ko ng isa pang beses ang paligid namin kasabay ng pagtalas ng aking pandinig. Walang buhay ang gubat, walang huni o ingay, ngunit may mga matang nakatingin sa amin.

"Hahanap tayo ng ibang lugar kung saan ka magpapahinga habang ginagawa ko ang ipinunta natin dito. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa gubat na ito pero hindi rin natin pwedeng sayangin ang bawat segundo. Kukunin ko ang babaeng iyon at aalis tayo sa lugar na ito gamit ang kakayahan mo. Iyon ang plano Athalia, at iyon lang ang planong tatanggapin mo." Muli akong lumingon sa kaniya at imbes na maayos na pagpayag ay isang maliit na tawa lamang ang isinagot niya sa akin habang unti-unting tumatayo.

"At alam mong hindi kita susundin. Bigyan mo lang ako ng limang minuto, babalik rin sa dati ang lakas ko. Masiyadong malayo ang lugar na ito sa Harilia kaya't marami raming lakas at konsentrasyon ang ginagamit ko para lamang makarating dito. Limang minuto lang-"

Ngunit mukhang kahit ang tadhana ay hindi payag sa limang minuto na hinihingi ni Athalia.

Isang maliit na kaluskos sa labas ng gubat ang narinig namin, bagay na siyang nakapagpahinto sa amin ni Athalia.

"I can smell something sweet inside the forest. Looks like we have another guest." Tiyak akong malayo sa amin ang nilalang na iyon, ngunit hindi malabong mahuli niya kami. Lalo't pamilyar na pamilyar sa akin ang tinig na iyon.

Si Augusto.

Hinawakan ni Athalia ang braso ko at base sa nababasa kong kilos niya ay gusto niyang tumakas kami papasok sa pinaka loob ng gubat. Sa loob kung saan mas ramdam ko ang masamang enerhiya.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon