Soulless Chapter 45: The Broken Half

382 15 1
                                    

Soulless Chapter 45:
The Broken Half
~♛♚♛~

'To live is to die'

Matagal ko nang alam na iyon ang batas ng mga nabubuhay.

Malaki man o maliit, may kaya o wala, nasa itaas man ng pyramid o nasa pinaka ibaba, lahat ay iisa lamang ang katapusan- ang kamatayan.

But if you are on my situation, ano nga ba ang dapat gawin? Nakikita ko ang hinaharap, ngunit hindi ko maaaring baguhin. Para na ring sinabi sa akin nang tadhana, na malapit na sa balat ko ang pangil ng leon ngunit hindi ako maaaring kumilos dahil iyon ang dapat na maganap.

Na hindi ko matatanggap kailanman, alam kong may paraan at alam kong ang dukesa nang safria ang may hawak noon.

Kaya kahit sa kalagitnaan ng gabi ay umalis ako ng Harilia. Maraming humarang sa daraanan ko at sinasabing delikado ang gagawin ko.

Ngunit nakakalimutan marahil nila na ako si Eloisa, at kahit kailan ay hindi ako mahaharangan at mapipigil nang kahit na sino. Sapat na ang sandaling kahinaan, dahil mas kailangan kong kumilos.

I know there is a bigger reason why i can see the future. Why our family can hold the vision of tomorrow. And why i have this ability.

Nang makarating ng safria ay tila alam na nila ang pagdating ko, nakahanda ang lahat at sinalubong ako gaya nang huling beses na tumapak ako sa lugar na ito. Namamangha ako na kahit sa gitna ng gabi ay narito silang lahat.

Nang makababa ng sasakyan ay yumukod silang lahat. There is this warm that i can feel through my bone, ngunit wala akong oras na ikumpara pa iyon sa kahit na ano.

Hinarap ko ang mga nilalang na nasa aking harapan at tila nawala ang mga nasa paligid dahil sa dalawang nilalang na namumukod tangi sa lahat, ang dukesa at si lukas.

Kapwa sila nakatingin sa akin, at natitiyak kong alam nila ang pakay ko. Kaya't nang magsimulang maglakad ang dukesa ay sumunod ako, tumahimik ang paligid hanggang sa makapasok ako sa kwarto kung saan kami huling nag-usap.

Tanging kami lamang muling dalawa, but this time we talk with out feet standing on ground. Pantay na ang aming kinatatayuan ngunit pakiramdam ko parin ay mas nakakataas siya kumpara sa akin.

A fact that even myself couldn't state the reason.

Nang sumara ang pinto ay bumalot ang panibagong katahimikan.

I stared at her orbs, and i couldn't see the sense of living within.

"Natitiyak kong kilala mo na kung sino ang magsasakripisyo sa mga desisyong ginawa mo."

Bigla kong naalala ang ngiti ni athalia dahil sa sinabi niya.

"Alam ko ang mali ko, at kahit hindi pa nagaganap ay pinagsisihan ko na iyon. Kaya ako nandito ay upang malaman kung papaano ko siya maililigtas."

"Gagawin mo ba ang lahat kung mayroong paraan Eloisa? Papaano kung wala?"

I got confused by what she said.

Hindi ko inisip ang unang tanong, ngunit ang ikalawa ay isang malaking pagsubok kung mangyayari.

Pero isa lang ang sigurado ko sa mga sandaling ito. "Kung para sa pinsan ko, gagawin ko ang lahat. Kahit sabihin mo pang wala ng paraan, hahanap ako para lang sa kaligtasan niya."

"Para lang sa kaniya? Mali kamahalan, dahil kung ililigtas mo ang isa, maililigtas mo rin ang lahat, at kabilang na roon si Alicia."

Natahimik ako sa sinabi niya, dahil alam kong totoo iyon.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon