Soulless Chapter 29: Sun And Moon

329 15 1
                                    

Soulless Chapter 29:
Sun And Moon
~♛♚♛~

'A lady in a white dress, the tower of the safris and the familiar face of Auntie mella'

Napapangiti ako sa tuwing naiisip ko ang mga detalyeng nakita ko sa panaginip ko kagabi habang binabagtas ang daan patungo sa opisina ni Tiya Mella.

Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito upang makausap si tiya, gusto ko kasing humingi ng tawad sa mga masasamang asal na pinakita ko sa kaniya.

Sa tatlong buwang lumipas ay pinag-isipan kong mabuti ang mga bagay na nagawa ko at isa iyon sa alam kong mga mali ngunit dahil nakasayan ko na ay itinuloy ko nalang, na hindi dapat.

Kaya't naisip kong kausapin si Tiya ngunit wala naman akong lakas ng loob.

Nahihiya ako, sa mga pinakita ko sa kaniya, sa mga ginawa ko at sa hindi pagtatanggol sa kaniya sa harapan ng Reyna.

"Lady Athalia, magandang umaga." Ngumiti ako kay ginoong Sebastian na sinuklian rin niya ng matipid na ngiti. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo kamahalan?"

"Sebastian, gusto ko sanang makausap si Tiya. Nasa loob ba siya? May mahalaga akong sasabihin sa kaniya." Kinakabahan ako ngunit mas nananaig ang pagkasabik ko, isa pa ay gusto kong maagang matapos ang pag-uusap namin dahil naghihintay si Dylan sa silid ko.

"Nasa loob siya kamahalan at tulad mo ay gusto ka rin niyang makausap." Napaisip ako kung ano ang bagay na iyon ngunit posibleng gusto lamang niya ng oras na makausap rin ako gaya ng hinihiling niya noon, kaya't walang paalam na lamang akong pumasok sa opisina niya.

Ang magandang ngiti kaagad ni Tiya ang sumalubong sa akin pagbukas ko pa lamang ng pintuan niya.

"Kanina pa kita hinihintay mahal ko, may gusto kong sabihin sa iyo. Halika't maupo tayo."

Iginiya niya ako sa sofa at hinawakan ang kamay ko.

Kitang kita ko ang galak sa mga mata ni Tiya at tiyak na mas lalawak iyan kapag sinabi ko sa kaniya ang pangitain ko sa kaniyang hinaharap.

"Ako rin po tiya at siguradong matutuwa ka sa sasabihin ko sayo."

"Gusto ko iyang marinig ngunit hayaan mo muna akong mauna. Pasensiya na kung masiyado akong masaya, hindi ko lang talaga mapigilan. Nasabi ko na ito kay kuya at maging siya ay natuwa rito at sigurado akong ikaw rin Elise."

Marahil ay nakatagpo na nito ang lalaking nakatakda para sa kaniya at siguro ay tungkol rito ang sasabihin niya. Posibleng kasal ang ibabalita niya. Biglaan ngunit kung kaligayahan niya iyon ay magiging masaya rin ako para sa kaniya.

"Tiya sabihin mo na, tungkol po saan? Masiyado niyo akong pinasasabik" Pinisil ko ang kamay niya at hinintay ang magandang bagay na sasabihin niya ngunit nabura ang mga ngiti ko sa isinagot niya sa akin.

"Si Alicia, ang kapatid mo Elise. Uuwi na siya rito sa Harilia. Makakasama na ulit natin siya."

Nawalang parang bula ang mga masasayang bagay na nasa isip ko at parang gusto kong alisin ang ngiti sa labi ni Tiya Mella ng mga sandaling iyon.

♕....

"Kanina pa kita hinihintay kamahalan, kumusta ang pagdalaw mo sa opisina ni binibining Mella. Masaya ba siya sa balita mo?"

Tinitigan ko si Dylan na nasa harap ko. Ang ganda ng ngiti niya ngunit naglaho iyon ng umiling ako.

Pumatak ang isang butil ng luha sa pisngi ko na matagal kong pinigilan.

"Why? May problema ba prinsesa?" Pinahid niya ang luha ko at bakas sa gwapo niyang mukha ang pag-aalala. Isang bagay na ayaw kong nakikita sa kaniya.

"Wala, hindi ko pa kasi siya nakakausap." Nagsinungaling ako para lang itago ang sakit.

"Pero bakit ka umiiyak? Hindi ka dapat lumuluha, you are more beautiful when you smile but nonetheless maganda ka parin naman kahit nakasimangot ka." Ngumiti siya sabay hawak sa magkabila kong pisngi. "Ngiti na prinsesa ko, sigurado naman akong makakahanap ka rin ng tiyempo para makausap siya."

Pinilit ko ang mga labi kong ngumiti para sa kaniya kahit na sumisikip ang dibdib ko.

Ano naman nga ba kung bumalik si Alicia? Tiyak naman na sa Manor lamang siya ni papa makukulong dahil bawal ang gaya niya sa bayang ito at isa pa ay wala namang magbabago kung bumalik siya. Pwede na niyang makuha ang atensyon ni papa dahil hindi ko naman iyon nakuha kahit minsan. Si mama, ang reyna, mayayamot lang siya ngunit hindi naman na niya ako mapipilit na makipag palisahan pa kay Alicia. Si Ren, tiyak na mauulol na naman ang gagong iyon kakahabol sa kaniya at matutuwa pa ako kung mawawala nalang siya sa paningin ko.

Si Athalia, pinsan ko parin naman siya kahit anong mangyari at dito sa paaralan siya mananatili kaya wala ring mapapala ang babaeng iyon.

Nakakulong parin naman siya pag-uwi niya. Walang magbabago sa akin.

Walang mawawala sa akin dahil nasa akin si Dylan.

Tipid akong ngumiti ay iginiya paupo sa sofa.

Tama, hindi ko na dapat iniisip ang balitang iyon. Nabastos ko pa si Tiya at pinasisikip ko lamang ang dibdib ko.

Si Dylan, ang lalaking nasa harapan ko. Siya lang naman ang kailangan ko.

"Magpahinga ka na muna, tiyak na napagod ka sa pagpunta mo roon. Mamaya, ipapasyal ulit kita sa gubat. Pagmasdan mo ulit ang mga bituin sa langit. Pakiramdam ko kasi ay kumakalma ka kapag dinadala kita roon." Hinalikan niya ang gilid ng noo bago niya ako maingat na isinandal sa balikat niya.

Hindi naman ang mga bituin ang gumagawa noon kundi ikaw. Gusto ko sanang sabihin ngunit hindi ko na lamang tinuloy. Naniniwala akong may mga bagay na kahit hindi ko sabihin ay malalaman rin niya.

May koneksyon kaming dalawa na tanging kami lamang ang makakaintindi, kaya alam kong sa sarili ko na para sa akin lamang siya.

Nakatakda na kami sa mata ni Luna.

"Nga pala prinsesa, naalala mo ba yung kababatang ikinikwento ko sa iyo palagi?"

Hindi ko matandaan kung sino iyon ngunit madalas nga ay may ikinikwento siya. Yung babaeng nakasama niya simula pagkabata niya na sa tingin ko ay tinuturing niyang kapatid.

Tumango ako dahil hindi ko matandaan ang pangalan ng babaeng iyon.

" kapag dumating na siya rito sa Harilia, ipapakila kita sa kaniya. Mabait iyon, siguradong magkakasundo kayo."

"Talaga? Sige gusto ko rin siyang makilala Dylan."

"Gusto ko talaga sa tuwing binabanggit mo ang pangala ko." Muli niyang hinalikan ang ulo na siyang nakapag pangiti sa akin. "Siguradong magiging masaya iyon kapag nakilala mo na si Alice."

I froze hearing it but relax again nang mapagtanto ko na posibleng magkatunog lamang ang pangalan nila ni Alicia at isa pa ay malabong makilala iyon ni Dylan.

Lumaki siya sa pamayanan nang mga lobo at hind papayag si ama kung nasa malapit lamang ang anak niya sa labas ngunit hindi niya mahanap.

Malabo iyon. Sumpa si Alicia at hind siya kailanman magiging malapit kay Dylan.

He is the sun and i intend to be his moon. Just his moon.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon