Soulless Chapter 26: Velvet's Curse

353 16 0
                                    

Soulless Chapter 26:
Velvet's Curse
~♛♚♛~

"Ipinaalam mo ba kay Ren ang tungkol sa kasunduan natin?" Bungad na tanong ko sa kaniya matapos niyang magbihis.

Nakikita ko sa mukha niya ang sagot ngunit gusto ko paring marinig sa mismong bibig niya.

Madilim ang kalangitan at tanging liwanag lamang ng buwan ang gabay namin sa gitna ng kagubatan.

Sumama ako sa kaniya upang komprontahin siya sa bagay na ito.

Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ako ang nagsabi sa kaniya?" Nanatili akong tahimik at nakatitig lamang sa kaniya.

His question is something that needed to give answer, behind it was the word trust and will show itself once i gave in.

But i remain quiet and let the breeze of cold air brush on our skin.

He let out a sigh and explain himself.

"Hindi ako ang nagsabi sa kaniya, kinompronta niya ako at wala sa akin ang kakayahang magsinungaling. Isa pa ay si Ren iyon." Ngumiti siya ng tipid at hindi na itinuloy anuman ang dapat niyang sasabihin.

Sa isip ko nadugtungan ko na ang mga pangungusap, si Ren iyon ang mapapangasawa ko, and by that i can taste the bitterness.

"Right, it is Ren." I spill but the truth is, that man is the least i would trust in this land.

Hindi man halata sa aking mukha ngunit ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso, hindi para kay dylan, sa mga mata niya o sa lapit niya sa akin, kung hindi dahil sa katotohanang may iba nang nakakaalam ng sikreto ko.

Paano ako kapag ipinaalam ni Ren sa lahat ang tungkol doon? It was my biggest question and feared, ngunit ang lalaking kaharap ko ay tila walang pakialam tungkol doon.

"Siya nga pala, si Ren ang nagsabi sa akin na dapat ay sa ganitong paraan ko nalang ibigay sayo ang inumin mo." Inilabas niya ang dalawang bag ng dugo mula sa bag na bitbit niya kanina pa. Habang tinititigan ko iyon ay nakakaramdam ako ng kakaibang inis.

Dugo niya iyon, dapat ay nasasabik ako ngunit pakiramdam ko ay may iba na namang ginawa ang buwisit na Ren na iyon.

"Bakit kailangang nasa blood bag?" Hindi ko mapigilang itanong habang tutok parin ang mga mata sa hawak niya.

Mahina siyang tumawa bago hinawakan ang kamay ko para igiya ako sa mga batong nakausli.

"Nababasa ko sa mga mata mo prinsesa na hindi ka sang-ayon kay Ren, ngunit mas mainam ito upang hindi mo na saktan ang sarili mo sa tuwing kailangan mong uminom" may banayad na ngiti sa labi niya na dahilan para mawala ang mga iniisip ko.

Iniabot niya sa akin iyon, ngunit hindi ako kumilos kaya siya narin ang nagbukas at naglapit sa labi ko.

Walang pagtutol na hinigop ko ang laman niyon habang hawak niya at pakiramdam ko ay napakaganda ng gabi. Tanging ako, ang buwan at siya lamang, sapat para pagaanin ang napakabigat na nangyari sa maghapon ko.

Naisip ko nang pagbantaan ang buhay ni Ren sa oras na makasalubong ko siya bukas. Siguro para kay Dylan ay kaibigan ang lalaking iyon, ngunit sa mundo namin ay iba at hindi iyon maiintindihan ng gaya niyang may mabuting puso.

Nang matapos kong maubos iyon ay tinabihan niya ako, nag-usap kami ng hindi siya sinisigawan o pinagbabantaan ang buhay niya. Tila normal lamang ang lahat at habang tinititigan ko ang makislap niyang mga mata habang nag-k'kwento ng mga nakakatuwang nangyari sa kaniya ay naisip kong ayos lang kung wala sa akin ang atensyon ng kahit sino dahil sa tingin ko, sapat nang siya lamang ang nakakakita sa akin.

---

The moon crowned the sky and the darkness envelope the whole forest, it was serene until a scream of horror filled my ear. I run until i saw a pool of blood, bodies piled on the center of it then a fire light up the whole woods.

I gasped the air when i open my eyes. Nararamdaman ko pa ang init at takot , dahil sa panaginip na iyon.

Sinilip ko ang langit sa bintana ko at ganoon nalang ang pag rehistro nang takot sa akin nang makita ang parehong hugis at ayos nang buwan, tulad nang nasa panaginip ko.

I got on my feet and run to the place where helping me wouldn't gonna be a big question.

May palagay ako na hindi iyon panaginip kaya kahit alam kong mahimbing ang tulog ni tiyo Valdemor ay pinuntahan ko siya, pinaliwanag ko ang lahat nang nakita ko at wala akong iniwang detalye.

He stared at me and i watched as he tried to digest all of the information i give.

"Nakatitiyak ka bang ngayon iyon Elise, maaring iba ang interpretasyon mo sa-" napahinto siya at nakita ko kung paano tumingkad ang kulay ng mga mata ni tiyo, nakatitig sya sa mukha ko ngunit alam kong iba ang nakikita niya.

"Magmadali ka elise! Masusunog ang gubat sa likod ng imperial!"

Nagmadali syang lumabas at gamit ang isip ay tinawag niya ang mga rank.

Alam kong hindi dapat ako sumunod ngunit hindi ako mapakali. Gusto kong makita kung iisa lang ba ang pangitaing nakita namin ni tiyo, kaya't nagmadali ako sa kuwadra ng mga kabayo. Mga rank lamang ang pwedeng gumamit nito ngunit kailangan kong sumunod sa kanila.

Papasok na sila sa gubat ng mga sandaling maabutan ko sila. Tahimik ang buong paligid at tiyak na walang balak na gisingin ni tiyo ang buong imperial, tiyak na matatapos niya ito ngayon gabi, ngunit kailangan ko ring makasiguro.

Nasa kalagitnaan na marahil kami ng may pulang liwanag ang nagsisimulang tumingkad sa paningin namin. Pamilyar sa akin ang kulay noon, tulad lamang nang nasa panaginip ko.

Huminto ako sa tabi ni tiyo na siyang nagbibigay ng utos sa mga rank upang patigilin ang apoy. Palagay ko nga ay pinagalitan pa niya ako ngunit ang mga mata ko ay nililibot ang buong lugar, hinahanap ang ibang detalye sa panaginip ko.

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang makita ang mga katawang nasa gilid, magkakapatong iyon at punong puno ng dugo ang gawing iyon, sinipat ko ang lupa. Ang apoy na malayo sa mga katawan ay unti-unting gumagapang patungo sa mga bangkay.

Nahindik ako ng luminaw ang mga imahe. Walang saplot ang mga katawan nila at lahat ng ulo nila ay nakatingin sa direksyon namin at dilat ang mga mata.

Pinuno ng takot ang dibdib ko at tanging pagsigaw ko ang siyang pumuno sa katahimikan ng gabi.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon