Soulless Chapter 44: A Smile To Death

390 20 0
                                    

Soulless Chapter 44:
A Smile To Death
~♛♚♛~

Being a Crossiford doesn't have any perks at all.

Itinanim nila sa akin na dahil nasa itaas ako ng pyramid ay magagawa ko na ang lahat ng naisin ko.

Ngunit walang totoo sa lahat ng iyon.

Dahil sa maraming beses sa buhay ko walang nakinig sa akin.

I tried to tell tiya mella about my premonition ngunit hindi niya ako pinakinggan.

Ang tingin niya ay nadadala lamang ako sa sarili kong inggit at selos para kay alicia.

Sinubok ko ring kausapin si Tiyo Valdemor, ngunit maging siya ay walang oras para sa akin dahil kay Alicia.

It is Alicia again.

Natigil ang paglalakad ko ng mapait na naisip na marahil ay okupado rin ng babaeng iyon ang oras ni Dylan at Athalia.

Why?

Bakit parating siya nalang?

Nababaliw ako kaiisip sa kung papaano ililigtas si Athalia sa parating na bagyong dala ng babaeng iyon, ngunit lahat sila ay walang oras para sa akin.

I inhaled sharply before i tried to walk.

Ngunit sa pagkakataong ito wala akong nais puntahan.

Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko.

Masiyadong magulo ang isipan ko ngunit kahit sa ganitong sitwasyon ay tumatatak parin sa isip ko ang mga turo ng Reyna.

Isang butil ng luha ang bumagsak sa pisngi ko na mabilis ko ring inalis.

Bawal magkamali.

Bawal maging mahina.

Bawal ang kahit anong emosyon dahil walang makikinig sa isang gaya ko.

At umabot na marahil ako sa sukdulan ng kakayahan ko na magpanggap dahil sa pagbagsak ng ulan ay ang siyang pagbagsak rin nang mga luha ko.

Nagkakagulo ang lahat sa paligid ko, tumatakbo upang makasilong ngunit nanatili lamang ang mga paa ko sa eksaktong lugar kung saan natatanaw ko ang lahat.

Nagtataka marahil sila kung bakit ang prinsesa nila ay nasa gitna ng ulan ngunit sa mga mata ko hinuhusgahan na nila ako.

Pakiramdam ko ay alam nila ang sekreto ko, ang mga pagkakamali ko at ang kahinaan ko.

Para akong bumalik sa pagiging bata ng mabasa ang panghuhusga sa mata ni Kara. Kasama niya ang ibang estudyante at alam ko nang aabot ito sa reyna.

Ang reyna na siyang aking ina.

"Late ako pinsan, lika na." Isang akbay at tila natauhan ako.

Umuulan parin sa paligid ngunit dahil sa payong ni Athalia ay hindi ko na ito maramdaman.

Lumingon ako sa kaniya, at bumungad sa akin ang kaniyang mukha na may magandang ngiti.

Alam kong nakakatawa ang itsura ko sa paningin niya dahil sa mas lumawak ang ngiti niya ngunit wala akong pakialam.

Dahil habang nakatitig ako sa magandang niyang mukha ay bumabalik rin sa isip ko ang mga nakita ko.

Siya na nakangiti sa akin habang naliligo sa sarili niyang dugo.

"H-hindi."

Humigpit ang braso niya sa balikat ko at kinayag ako patungo sa domicile.

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay malapit nang maganap ang bagay na iyon.

"Alam kong may sayad ka eloisa, pero kung hindi mo iaayos ang sarili mo ay sigurado na naman ang pag-imbita sayo ng reyna upang pagalitan ka."

Tama siya, kaya sapilitan kong inayos ang sarili ko at ang emosyon ko.

Nagtataka ang marami sa mga mag-aaral ngunit sa tuwing mapapadaan kami sa harapan nila ay para silang mga alagang aso na kusang yumuyuko.

"Gusto mo bang pagbantaan ko ang buhay ni Kara upang hindi siya magsumbong kay tiya Cornelia o gusto mong ibenta ko nalang siya sa ibang lupain para mas maging payapa na ang buhay mo? Magsabi ka lang Eloisa, mabilis naman akong kausap."

Palapit na kami sa Imperial ng mga sandaling iyon ng sumagot ako.

"Gusto kong maglaho."

Mahina lamang iyon ngunit sapat upang mapatigil si Athalia sa paglalakad.

"Ano? Gusto mong maglaho si Kara? Teka, medyo mahirap yun."

Humarap ako sa kaniya at alam kong biro lamang ang ginagawa niyang pag-iisip, ngunit hindi para kay Kara ang sinabi ko.

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago nilinaw ang sagot ko.

"Gusto kong maglaho Athalia, gusto kong mawala."

Natigil ang ginagawa niya at tumitig sa akin na para bang isang biro ang sinabi ko.

"Hindi pala maganda ang epekto sayo ng ulan. Kaya siguro hindi pumapayag si Tiya Cornelia sa tuwing ipagpapaalam kita noon." Lumawak muli ang ngisi niya matapos noon sabay hawak sa kamay ko upang hilahin ako patungo sa loob ng domicile.

"Magpatuyo ka bago ka pa matuluyan, baka sakaling tumino na ang pag-iisip mo."

Nagpatangay lamang ako sa kaniya hanggang sa aking silid.

Mabilis siyang tumungo sa mga damit ko at tila isang ligaw na hayop na kinalaykay iyon.

Siguro sa ibang pagkakataon ay magagalit ako, ngunit sa mga sandaling ito ay wala akong lakas na kagalitan siya.

"Here, change to this comfy clothes baka sakaling maging maayos na ang pag-iisip mo" iniligay niya sa mga kamay ko ang makapal kong bestida na ginagamit lamang sa mga panahon ng taglamig. "May klase pa ako kay Calixa, kita nalang tayo ulit next time pinsan."

Tinapik niya ang balikat ko at nilagpasan na ako ngunit wala paring galaw ang mga kamay sa halip ay bibig ko ang gumana at binitawan ang mga katagang hindi ko gusto para sa kaniya.

"Athalia, you are going to die." Nanginig ang mga labi ko matapos sabihin iyon, alam kong mali ang sitwasyon at hindi dapat ganito ang paraan upang ipaalam sa kaniya ang mga bagay na nakita ko. Ngunit ramdam kong kulang na ako sa oras at ito ang isa sa mga paraang naisip ko upang mabago ang mga maaaring maganap.

Huminga ako ng malalim bago pumihit paharap sa kaniya at gaya ng inaasahan ko ay bakas ang gulat sa kaniyang mukha ngunit sandali lamang iyon dahil muli siyang gumuhit sa kaniyang labi ang ngiti.

Iyong ngiti na parang may gagawin na naman siyang kalokohan.

"Eloisa, everyone will die. Nabubuhay tayo para maranasang mamatay kaya kung anuman ang nakita mo, tiyak na iyon ang nakatakdang mangyari. If that's the reason why you are unusual today, then forget it."

And with that she leave.

Without knowing that it was because of me.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon