Soulless Chapter 36: Torn For The Throne

368 17 0
                                    

Soulless Chapter 36:
Torn For The Throne
~♛♚♛~

Gusto kong isipin na nabibigla lamang siya sa mga pangyayari, gusto kong isipin na pareho kami ng nararamdaman para sa isa't-isa ngunit alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko sa bagay na iyon.

Para akong tinakasan ng lakas ng unti-unti siyang umiling at tumalikod sa akin. Nararamdaman ko na naman ang nakakainis na sakit sa dibdib ko habang pinapanood siyang lumabas sa bintana.

Malinaw ko namang sinabi na hindi ko na siya kailangan pa, ngunit masakit paring isipin na madali lamang sa kaniyang iwanan ang isang gaya ko. Bukod doon ay sumasakit rin ang puso ko sa katotohanang mag-isa lamang ako sa relasyong akala ko ay mayroon sa pagitan namin.

I cried until i could no longer feel my surroundings. Bumagsak na naman ako sa sahig, isang bagay na hindi ko dapat nararanasan.

Tinanggap ko na sa sarili ko na ang emosyon ko para sa gaya niya ang papatay sa akin, pero nang maaninag ko ang isang nilalang na pumasok sa aking silid ay nasigurado ko nang kakailanganin ko pang harapin ang buhay na bangungot ko.

Pumikit ako at pinakiramdaman na lamang ang buong paligid hanggang sa tuluyan akong lamunin nang dilim at hiniling ko na sana hindi na ako makaalis pa mula roon.

-♕....

Lubos ang pagsisisi ko nang idilat ko ang mga mata ko.

Pamilyar ang kisame, ang kamang kinahihigaan ko maging ang taong nagbabantay sa akin.

"Lady Elise, oh my god! Your finally awake! Thank you, wait here i will call your parents. Okay"

Hindi ko na napigilan pa si Violetta ng lumabas siya ng kwarto ko.

Sinubukan kong maupo at para bang iyon na ang pinakamahirap na gawin sa mga sandaling iyon.

Ang buong katawan ko ay tila hindi para sa akin.

At habang nakatulala ay muling bumalik sa ala-ala ko ang nangyari.

Pumikit ako ng mariin upang kalmahin ang dibdib kong tila tinutusok na naman ng sandatang hindi ko mapangalanan.

Masakit, sobra at tila mas ibinabaon pa noon ang talim sa tuwing susubukin kong kumawala at kalimutan nalang ang lahat.

"Anong kahangalan na naman ba ang ginawa mo para umabot ka pa sa ganito?!" Pinuno ng boses ng reyna ang tahimik kong silid.

Ni hindi ko namalayan ang pagdating niya. Hinarap ko ang galit niyang mata, sa likod niya ay ang nakasarang pinto at tanging kami na lamang dalawa ang nasa silid.

Alam ko nang wala akong aasahan sa kaniya.

Hindi siya maririnig ng mga tauhan sa labas. Hindi nila malalaman kung ano ang kwento sa bawat nakasarang pinto.

Kasama ko nga siya ngunit ng mga oras na iyon, naramdaman ko at napatunayan kong mag-isa lamang ako.

"Wala na ba talaga akong aasahan mula sa iyo Selestina!? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo!? Umalis na naman ang ama mo at dahil sa sitwasyon mo kinailangan kong magpaiwan para lang makita nilang hindi kita pinababayaan! Nasa paligid lang ang anak niya sa labas at hindi malayong nasa tabi tabi lang din ang babaeng iyon! Kayo ano sa tingin mo ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito!?"

Nagyuko ako ng ulo at kahit alam kong ikagagalit niya ay hindi ko napigilang umiyak sa walang kwenta niyang dahilan.

Sila na naman ang inaalala niya.

"Bakit sila parin? Bakit kailangan niyong ipilit ang sarili niyo sa hari? Bakit kailangan niyo pang magpanggap para lang sa iba? Bakit hindi naman ako ang unahin niyo? Ma." Parang may bikig sa lalamunan ko ng tinawag ko siya.

Nag-angat ako ng tingin at isang galit na mga mata ang tangi kong nakikita.

Bawat hakbang niya palapit sa akin ay  sing bigat ng mga bato, may takot na nanuot sa sistema ko dahil alam ko nang parusa na naman ang matatanggap ko mula sa kaniya.

Hinawakan niya ang pisngi ko, at ang simpleng hawak ay unti-unting nauuwi sa isang masakit na bangungot.

"Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo, lahat ito ay para sa pagiging reyna mo. Tinuruan kitang maging matapang dahil iyon ang dapat na maging ikaw. Hindi ko kailangan ng anak na mahina. Kaya Selestina, iayos mo ang sarili mo. Ang trono ay dapat na sa iyo lang mapunta. Sa iyo lang. Naiintindihan mo ba?"

Sa unang pagkakataon, inayawan ko ang pagiging reyna. Inayawan ko ang pangalan ko, ang sitwasyon ko at ang pamilya ko.

Marahil ay nasa bingit ako ng kamatayan ng mga sandaling iyon dahil biglang nagbalik sa akin ang mga ala-ala sa nakaraan ko.

Hindi man marahil ang pisikal na katawan, ngunit may palagay ako na ang puso ko ang nakataya ng mga oras na iyon.

Habang nakatitig ako sa mukha ng aking ina ay tanging larawan lamang ng malungkot na kabataan ko ang aking nakikita.

I never felt insecure to anyone before, but right now. I feel so small, while thinking that never in my life she did love me without thinking about the throne.

Palaging ang trono ang mahalaga. Palaging may kompetisyon para sa pagiging Reyna.

"Ang gusto kong gawin mo ay bumalik sa paaralang iyon at pahirapan ang bastardang iyon. Hindi ka pwedeng maging mahina Selestina, lalo na sa sitwasyong ito." Nawala ang matindi niyang hawak at napalitan ng tatlong mahihinang tapik. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa iba. Sisiguraduhin kong mawawala sila sa landas ng hari. Sa landas ng iyong ama"

May takot ako sa aking ina ngunit habang nakatingin sa paalis niyang pigura na may kakaibang ngiti, ay mas nakaramdam ako ng matinding takot. Nakalabas na siya ngunit ang pakiramdam ko ay ganoon parin.

Hindi ko na siya kilala o marahil ay mula pa noon ay hindi ko na talaga siya kilala.

Para akong mababaliw, naghahalo ang sakit, pagkalito, takot at dismaya para sa sarili ko.

Nasalo ko ang sarili kong mukha, hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa mga emosyong iyon. Natawa ako  ng malakas para sa sarili ko at paunti-unti ang tawa ko ay naging hagulgol.

Paunti-unti nahuhulog ako sa mas madilim na parte ng buhay ko.

The Soulless Queen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon