Pretend Haters 28- Strong Predator Always Catch a Feeble Prey

1.5K 33 0
                                    


PRETEND HATERS 28

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Ilang linggo yung nakalipas matapos yung party ni Rhian. I can't remember some part of what happened. Grabe. Ang lakas ng tama ko talaga doon. Di na nga ako masyado iinom. Ayoko kayang maospital at magkasakit. Kawawa ang liver ko. I am a liver lover girl! In love ako sa liver ko at magpapakasal na ako sa kanya. Hayy! One-sided love.

May event yung school kaya nandito ko sa auditorium. Bukas na kasi ang foundation ng academy. Pero nagsisisi akong nagpahuli ako ulit. Sabi na nga ba at masama ang magpahuli dahil kapag late ka napupunta ka rin sa masasamang tao. Kaya nga ngayon ang init init ng ulo ko dahil napunta ako sa upuan kung saan sa gilid may mga Mean Girl Member na si Jessica at fans nito. Buti at tulog yung katabi ko sa kanan kundi may mabubuntunan ako ng init ng ulo. Ice! Kailangan ko ng ice!

"Ang ganda mo talaga Ate Jessica. Ang cute. Magkamukha tayo." Puri ng fan girl niya. Nakakain ba ito? Sobrang payat. Yung tipong parang buto na lang ang makita mo. Malnourish much.

"Excuse me, thank you but you don't look like me. Don't dream nga. You are a fan lang naman. As in pamaypay! Now paypayan mo nga ako. Ang init init kasi dito kasi masyado akong hot." Sabi ni Jessica sa kanya.

"Kamukha mo ang unicorn. So cute." Puri ulit ng isang fan girl kay Jessica. She looked at me proudly. Yung cute? Pantuta lang kaya yun. Basta ako maganda. Si Jessica anak lang ng aso.

At paulit-ulit na positibong komento pa ang naririnig ko at sobrang nakakarindi na kaya di ko napagilan ang sarili ko at sumingit sa usapan nila. "Oo. Cute ka nga na parang unicorn." Ngumiti si Jessica sa narinig niya mula sa akin. "Cute pero may sungay." Pahabol ko na ikinainis niya,

"What's your problem?" Tanong niya.

"Pasalamat ka nga isang sungay lang ang sinabi ko at may cute pa at hindi demonyo na dalawa. Pwede bang magpasalamat ka na nga lang kaysa magreklamo?"

"You--" Dinuro-duro ako ng fan girl niyang bully na si Alexia. Kaya pala ang lakas ng loob. And it is time to teach her a lesson.

"Me? What about me?"

"Inggit ka lang! Palibhasa mukha kang kabayo. At mas maganda sayo si Jessica!"

"Mas tanggap ko pa nga yung kabayo. Hindi imaginary at walang sungay! Yee-haw! Tigidig! Tigidig! Tigidig! Pimples mo tumitigidig! Che! At excuse me! Sa sobrang payat mo, bagay sayo ang pangalan mong Alexia dahil mukha kang may Anorexia!" I crossed my arms and rolled my eyes. Tamang-tama naman siya. Tagos to the bones! "Dahil mabait ako, reregaluhan kita ng putik nang mapahid mo sa mukha mong magaspang!" Inikot ko yung katawan ko pakanan para di sila makita.

Nagulat ako bahagya dahil gising na ang katabi ko at nakatingin sa akin na parang mukha lang akong ewan. "Meron ka?" Tanong niya. Kanina tulog ito tapos magtatanong ng ganiyan. Aba! Pero ano ba yung sinasabi niyang meron ako?

"Anong meron?"

"Merong ano-- ah--red tide? The girls thing." Namula ako at di sumagot. Aba! Bastos pa. At take note na lalaki pa siya! Pero teka! Tumingin ako sa mukha niya. Ang pamilyar ng mukha niya. Pero di ko naman siya kilala. Siguro may kakilala lang akong kamukha niya. Di talaga ako palatandain. Pinapapak ko na nga ang malunggay. Bakit ganun? Wala naman akong Alzheimer's ha.

Hala! Baka mamaya may atraso ito sa akin tapos di ko man lang maalala. Ilang milyong tao na ang nakita ko kaya paano ko naman matatandaan? Hindi naman kami close. "You know what? You are like a strong predator that catches a feeble prey. Pero ikaw mismo minsan nagpapanggap lang na malakas kahit ang totoo ikaw naman yung talagang mahina." Ang hilig niyang magbitaw ng mga linyang napakamisteryoso.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon