PRETEND HATERS 59
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Nakapahalumbaba ako sa ngayon. At ngingiti-ngiti akong tiningnan ni Ethan na gusto ko tumingin kahit saan maliban sa kaniya. Hindi sa conscious ako pero talagang ang awkward nito na kakaayos lang namin bilang magkabigan ay nandito siya sa harap ko dahil gusto na naman ng magulang ko na magka-ibigan kami. Na malay ko ba na ang ex ko anb pasimpleng gusto ng magulang ko sa akin. Ang gulo nila. Kaya nga di na ako nagtataka na pasulyap-sulyap ang kapatid ko na parang kapag hinawakan lang ako ni Ethan ng konti ay papuputukin niya na na parang lobo ang labi ni Ethan. Sobrang nagalit kasi ito sa ginawa niya. Sabi ko nga move on din. Nakakahinayang kasi kahit paano may pinagsamahan ang dalawa. "So alam mo na ba na ako ang kikitain mo?" Di ko maipigilang maitanong.
Pero kasi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Zion na hindi dahil wala na sina Ethan at Janelle ay wala na ang pagkakataon na baka mahulog si Ethan sa akin ulit. Like first love never dies. Even I never thought it was love when my heart broke at that time. Siguro nahanap ko lang yung kahulugan ng pagibig kay Zion. Ahh.. sasabihin niyong ang corny pero yun yung nararamdaman ng isang taong totoong nagmamahal.
"Di mo man lang ba ako kakamustahin muna o babatiin?" Pilyo niyang tanong.
"Bakit? Hindi ka naman mukhang nasagasaan ng tatlong truck o kaya nabulunan nang dahil sa kendi. Mukhang ayos ka naman. Alam mo bang tensyonado ako ngayon?" Niyugyog ko pa ang kamay ko sa harap niya.
Tumawa siya dahil nakita niya ang mga kamay ko na tila inaatake ng epilepsy. "Shai, relax. Ako lang ito. Bakit ba? Wala naman dito yung 'boyfriend' mo dito ha." Nanlaki ang mata ko at agad akong lumapit para takpan ang bibig niya. Kung T.V. lang si Ethan, nakamute na ito.
"Pwede bang itikom mo yang bibig mo kapag masyadong pribado ang sasabihin mo? Baka may makarinig pa sa iyo niyan." Saway ko sa kaniya pero nagkibit-balikat lang ito.
"Okay. Pero bilang kaibigan, sinasabi ko sa iyo na masasaktan ka lang." Para silang sirang plaka at replay button ng youtube at yan na lang palagi ang mga sinasabi. Aba! Kamag-anak ata nila ang ampalaya at bitter sila.
Humugot tuloy ako. "Yan naman ng sinasabi ng lahat. Pero ang totoo kapag nawala siya sa akin, mas masasaktan ako. Mas nasasaktan yung puso ko. Pero Ethan sa kabila ng lahat ng mga payo niyo, masaya ako dahil kasama ko siya kahit ang hirap."
Hinawakan niya yung kamay ko pero agad ko itong binawi. Parang sinaksak siya ng pako sa dibdib. Parang nasaktan talaga siya sa ginawa ko. Parang. Kaya lang mali na maramdaman niya yun dahil may mahal na akong iba at dahil siya na ang nakaraan na hindi na binabalikan. Totoo pala ang sinasabi ng iba. Kahit nakaraan na ang mga bagay-bagay, may History na subject pa din sa kasalukuyan. Talagang wala na makapipigil sa pagsisisngit ng nakaraan sa kasalukuyang panahon. Parang mga Pabebe Girls. Wala na talagang makakapigil. "Shaira?"
"Hmm?"
"Huli na ba ang lahat? Kahit na sobrang masaktan ka pa nang dahil sa kaniya. Na kahit alam mong kahit kailan hindi kayo pwede. Na kapag pinilit mo lalong lalalim ang sugat at lalong babaon hanggang sa di mo na kaya."
"Ano ba ang ibig mong sabihin?"
"Shaira, pwedeng ako na lang? Pwedeng ako na lang ulit?"
And I felt my lungs suddenly being claustrophobic inside my body and that my chest is rapidly going up and down. It's hard to breathe.
Oh my. Si Ethan mahal pa ako. Zion is right all the time.
Oh no. And it looks like I need to take the bull by the horns.
"Can you give us a minute please?" Tanong ni mommy kay Ethan. "Alam kong nagulat ka Shaira. Maganda na makipagayos ka kay Ethan, di ba?"
"Ma, okay na po kami ni Ethan. We're in good terms now."
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...