PRETEND HATERS 31
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Maingay. Maraming tao. Sobrang ingay.
Hinila ko ang braso ng dalawa kong kaibigan at pinasunod ang dalawa kong pinsan. I hate noises. Kaya pala madalas gusto ko sa tahimik. "Guys, how about I treat you some cotton candies? Please just walk. Sasabog na ang eardrum ko sa sobrang ingay."
"Sasabog? O.A. mo ha. Pero sige Shai, trip ko yang libre mo." Pahayag ni Cheska na ngumiti ng todo at tumakbo na para kunin ang cotton candy niya. Boyish, but still a girl. Yun kasi ang parating tinitinda rito tuwing foundation. Childish, but yes, it is still here. Naghintay kami room at kinuha ang mga parte saka ko binayaran si ate na nagbebenta.
"Ang sarap. Natutunaw sa bibig ko. Yung tunay kayang cotton, natutunaw sa bibig natin?" Naglakad na kami at hinayaan ang paa namin na maglakbay sa kung saan.
"Cindy, subukan mo kaya. Yuck. I mean, pinampapahid ko lang yun sa mukha ko tapos ikaw gusto mong kainin." Wika ni Chloe.
"Di ah. Iniisip ko lang kung anong lasa." Depensa ni Cindy. "Oo nga pala pinsan. Nakausap mo na ba ang kapatid mo tungkol kay tito?"
"Oo. Nakausap ko na nga si Kuya Shawn. Kinamusta niya ako tapos sinabi niya na rin yung balita na okay na si dad. Mabuti naman." Sagot ko.
"Shaira, hindi ka ba susunod sa Amerika?" Tanong ni Cheska. Napatingin ako sa kanya at napailing.
"Why would I follow them? Masaya naman ako rito ha. Kasama kayo."
"I know. But they are trying to make me convince you. It will be like a reunion. Complete family." Dagdag niya pa.
"A complete attendance doesn't mean anything. You know how they treat me. Si kuya lang lagi ang sumasalo sa akin. Kung hirap si kuya, ayoko maging katulad niya. Ano pa bang gusto nila? Sumunod ako sa gusto nila. Taking course related to their business. Pero alam nating lahat na hindi trabaho ang dahilan kung bakit iba ang trato nila sa akin." Naguguluhan si Cindy. Hindi niya pa pala alam ang nangyari sa nakaraan. A tragic past I don't wanna bring up. Fresh memories of how my horrible life started. "Kahit si kuya nagagawa nilang manipulahin na kontrolin ako. Kaya itong nangyayari sa akin ngayon, sinusulit ko. I'm their daughter not their robot. I have life. No battery to make me work and no people to control. I can decide on my own." Naisara ko ang mga kamao ko nang mahigpit.
Hinawakan ni Rhian ang kamay ko. "I know you can't move on." Pumikit ako. Masakit pa rin.
"Sorry Shaira." Paghihingi ng tawad ni Cheska. Tumango na lang ako. "Matagal na yun kaya akala ko--"
"Stop. Ayokong pagusapan iyon." Pagdidiin ko.
"Hindi ba ito na yung tamang panahon para malaman mo yung totoo naming saloobin? Di lang namin nasabi sa iyo dahil ayaw ka naming masaktan."
"Isang nakaraan na lang iyon."
"Pero di biro ang nangyari sa iyo. You've been kidnapped. They used you. Alam kong di yun madaling burahin sa utak mo. Masama sila. Lahat." Sabi ni Chloe. Gah! Shut up!
"Sa tingin mo ba ginamit ka lang niya para sundin ang magulang niya?" Bumilis yung tibok ko. I am raging. Di ko na kaya. I can't control myself. Hanggang inulit pa ni Rhian ang bagay na pinakaayokong marinig. "Ginamit ka lang niya. Di mo siya kaibigan. Traidor siya, Shaira. Masama."
"I said shut up! Wala kayong alam. Kaya wala kayong karapatan na banggitin ang mga yan sa harap ko! Get me?! Wala!" Tumakbo ako hanggang sa mabitawan ko ang hawak ko. Sobrang labo na ng paningin ko. Pero di ako tumigil kahit nararamdaman ko na yung pagod. Tumulo ang mga luha na kanina pa naipon. Maybe because of hatred, sadness, guilt or even confusion. I don't know. It's mixing that it becomes too painful to handle. The inflicting pain I can't bear.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...