PRETEND HATERS 32
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Nakangiti akong pumasok sa classroom. Sinurprise ako ng mga kaibigan ko. Kukunin ko lang sana ang ilang mga gamit na naiwan ako. Pero ginulat nila ako. "Sorry Shai. Nasaktan ka na naman namin." Niyakap nila ako isa-isa at kahit si Cindy na walang alam sa mga nangyayari, niyakap na rin ako.
"Magpakasal na tayo agad. Ayokong may tumutol pa sa pagmamahalan natin." Pagdadrama ni Chloe. Naalala ko tuloy yung Drama Club. Ang deal na napagkasunduan namin ni Zion. Hindi ko pa pala nasasabi.
"Tayo na lang." Si Rhian naman. Mga baliw talaga. "Ayoko na nga magdrama. Papangit kasi ako kapag umiyak pa ako."
Dahil naalala ko na, bumalik rin sa utak ko ang katotohanan na magkasama sila Zion at Janelle doon. Nagmember lang naman yung Janelle na yun para makita si Zion. Ouch. Pero di bale! Makakamove on rin ang mga yun.
"Oo nga pala. Chloe and Rhian, we're in! We are now an official members of the Drama Club." Sigaw ko at niyakap ako ng dalawa kong bestfriend. "Congrats to us!"
"Teka!" Bumitaw si Rhian at napahawak sa baywang niya. "May nagiba sa iyo. Bakit ang saya mo ata? At kanino ang bear na hawak mo?" Usisa niya.
"Ah ito? Kay Zander ito." Sagot ko. Saan na kaya ang lalaking yun? Sana magkita pa kami.
"Sinong Zander yan?" Nanlaki ang mata ni Chloe. "Oh no! Wag mong sabihin na ang dinadate kong basketball player ay yung Zander na nagbigay sa iyo ng bear?"
Napakamot ako sa ulo ko. "May kuto ka Shai?"
Napailing ako. "Wala. Ano kasi. K-kasi alam ko, basketball player din siya." Nakita ko siyang nakajersey at tinawag ng isang player kaya malamang isa nga siyang basketball player sa school.
"Oh my gosh! May Zion ka na girl." Wika ni Rhian dahil parang nabagsakan si Chloe ng milyong bato sa kasisimangot.
"Kailan mo lang ba dinate yun?"
"Ako ang kadate niya sa party ni Rhian. Ininvite ko siya. Ano ba? Lasing ka na kasi kaya hindi ko na napakilala nang maayos. Pero siya yun. Yung matangkad at gwapo. At siya ang may-ari ng school. Alam mo ba yun?"
"Oo. Nasabi nga niya." Sagot ko.
"Close na kayo? Agad-agad? Bakit kapag ako, di niya pinapansin? Sa party ni Rhian, nakikipagsayaw pa yun sa akin. Shaira, iba talaga ang kamandag mo. Scorpion ka ba dati o gagamba?"
"Wait. Nandoon ba talaga siya sa party ni Rhian? Di ko talaga napansin." Kaya ba niya ako kilala? Wala na talaga akong masyadong maalala. Aist! Never mind. "Hanggang friends lang kami. Wag ka magalala. But I'm telling you that he's a sweet guy."
"Good. And I know." Sabi ni Chloe. Relief flooding through her. Threat talaga ang tingin nila sa akin? Napailing na lang ako.
"Sige. Mauna na kami ni Cheska at baka mapagalitan pa kami." Nagpaalam ako ulit saka kami umuwi ng bahay ni Cheska.
*
Nilagay ko yung bear sa kama ko. Iba talaga ang lalaking yun. Naaalala ko tuloy si Zion. Di kami nagkita. Parang miss ko na siya agad. Nasaan na kaya ang lalaking yun? Tiningnan ko ang calendar na nakadikit sa pader. Oo nga pala. Bukas na ang meeting namin sa Drama Club. Magkikita ulit kami.
Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari kanina. Ang nakaraan? Kailangan ko na ba harapin yun?
Ngayon?
Kinuha ko ang box. Isang bulok na santan na pinagdikit-dikit, isang diary at ilan pang pambatang gamit. It is still fresh. A memory that I won't forget. A few years ago I met a boy that eventually became an important person in my life.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...