PRETEND HATERS 22
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Guys, Attention!!!" Itinigil namin ang pagdadaldalan nang makita ang professor sa pintuan at papasok. "May aanunsiyo ako. Ah, sa magaganap na lakad natin, required tayong magdala ng tent. The school have a surprise for you. So again, it's required. We cannot tell yet what will happen but surely you'll be all surprise."
Kinalabit ko si Cheska. Nakapagtataka naman. "Sabi ni Chloe, Five Star Hotel daw ang tutuluyan natin. Alam mo ba kung bakit may tent? Weird naman. Bakit may surprise pa?"
"Baka naman, we gonna have a camping and they would keep it a secret. Cool. Ang cool talaga. Magdadala nga ako ng marshmallows and stuffs. At hindi na ako sasabay sa service. I'll bring my own car. Maybe it's like boy scouts and girl scouts thingy."
"Ah, ganun? Trip lang nilang magtent tayo. Ang lamok lamok pa naman sa labas. Paano kung makagat ako ng mga lamok? Tapos magkadengue at mamatay? Tapos paano na ang career ko, pagaaral, love life at makinis na balat?"
"O.A. naman Shaira. Duh! May zipper naman yung tent. Hindi ka pa lalagyan ng bulak sa ilong. Relax. Darating din tayo diyan." Sabi naman niya.
"Eh di ko pa naman nararanasan matulog doon."
"Saan? Sa kabaong o sa loob ng tent?" Baliw talaga! Eh kung siya kaya ang ilagay ko sa kabaong at patulugin?
"Malamang sa may tent. Tanong lang, may aircon ba sa tent?" Pagkatanong ko, tumawa lang siya. "Anong nakakatawa?" Seryoso naman ako. Nagbibiro ba ako?
"Wala. Manahimik ka na lang. Baka tuluyang mabaliw ako sa mga sasabihin mo pa. Palibhasa Rich Kid. Ni lamok di talaga pinapadapo sayo noh? Naranasan mo na bang makagat ng mga ganun? Pati ba naman tent nilagyan mo ng aircon. Sosyal!"
"Laking aircon kaya ako. Siguro 24-hours yun nakasindi kung hindi brownout. Rich Kid ka rin naman ha."
"Palibhasa ang protective ng parents mo na ayaw ka nilang makitang madapa o masugatan. Isang prinsesang nakatira sa kulungang palasyo. Sino kaya ang prinsipeng maglalabas sayo sa palasyong yun?"
"Ako." Napatingin kami kay Zion. Chismoso na nga, nakikisawsaw pa sa usapan.
"Nangaasar ka o sadyang epal ka lang?" Tanong ko.
"Parehas." Asar!
"Ang lakas mong sumagot ha. Feeler mo ha. Excuse me, you're not a prince, you are a frog." Sabi ko na may pagdiin sa salitang palaka. Kahit sa loob-looban ko gusto ko siya maging prinsipe. But I should fight for this stupid infatuation.
"Ah.... Palaka na lang pala para may kiss pa sa una bago maging prinsipe. Smart." Tumango-tango pa ito. Namula ako pero pinalitan ko agad yun ng galit na mukha. Naramdaman ko namang tumatawa si Cheska sa gilid kaya siniko ko ito sa tadyang.
"Aray! Yung ribs ko." Reklamo niya. "'Pag na-crack yung tadyang ko at naging spare ribs ako, gagawin kitang nilagang manok." Inirapan ko lang ito. Tumingin ako kay Zion. Sarap ihagis sa labas.
"Nakakainis ka talaga noh. Yabang! Oo na. Hindi ka na palaka. Leon ka!" Pagiiba ko.
"Lion. Hmm..So nalalakasan ka sa akin? Dahil ba sa biceps at triceps ko?" Kung normal na babae lang ako na may crush sa isang lalaki, siguro nahimatay na ako. Pakitaan mo ba naman ako ng ngiti ni Zion. Pero siyempre bilang mataray ang imahe ko ngayon, laitan kami ngayon.
"Wala akong pakialam sa maliit mong muscle. Shut up! Payatot!" Lumingon yung professor kaya bigla akong nanahimik.
*
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...