PRETEND HATERS 39
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
May lumapit sa aking batang pulubi. "Ate, pahingi naman po ng pera. May sakit po yung kapatid ko tapos nagugutom pa po kami. Sige na. Kahit konti lang po. Malaking tulong na po yun sa amin."
Lumuhod ako kapantay ng bata. "Nasaan na ba ang mga magulang niyo?"
"Patay na po yung nanay ko. Tapos yung tatay ko nandoon sa bahay. Walang trabaho at sugal po ng sugal. Lumayas na po kami doon. Sawa na po kami na yung pera namin sa kalakal kinukuha niya po sa amin." Tumango at inilabas ang wallet ko. Binigyan ko siya ng isang libo.
"Salamat po. Napakalaki naman po nito." Naglabas din si Zion at binigyan sila ng limangdaan at maraming coupons para libre sa kahit ano sa iba't-ibang sponsored store.
Tapos tumayo na ako at tiningnan ang bata na tuwang-tuwang lumapit sa iba pang bata na siguro ay mga kapatid niya. Nakangiti siyang tumingin sa akin. "Matutulungin ka pala. Akala ko spoiled ka na nandidiri ka sa mga ganiyan. But I'm wrong."
"Siguro noong bitter pa ako. But I have a heart for them. Turo yun ng isang kaibigan sa kabataan ko. Ang sabi niya dapat kung nakakaangat sa buhay, marunong kang magbigay sa mga wala. Kasi daw napakaswerte daw naming dalawa na may pera yung pamilya namin." Paliwanag ko habang sinusunod yung bawat yapak niya sa paglalakad.
"Ako din. I build up a charity for that passion. Shaira, siguro wala pa akong masyadong alam sayo. I want to know a lot about you. And I know a perfect place for us to talk."
Pumunta kami sa isang ice cream shop. Tapos nagorder kami ng isang baso na punong-puno ng ice cream with sprinkles, nips and chocolates. "So spoiled ka?"
I laugh at him. "Kahit mahabang istorya. Sige. Ikekwento ko. Sobrang nakakatawa. Ang sarcastic ng buhay ko. Noong bata pa ako, laging sinasabi ng mga magulang ko na hindi daw ako pwedeng lumaki sa luho para daw hindi ako lumaking swapang o gahaman. Kaya naman, puro aral langan g ginawa ko. Ang boring kasi dahil maraming bawal sa akin. Tapos kinausap ko na lang ang mga yaya ko. Tapos pinakwento ko ang madadrama nilang buhay. Noong bata sila, nagdalaga hanggang paano ba sila nakuha ng mga magulang ko magtrabaho sa mansiyon. Until get bored. May isa akong kababatang lalaki. Pero nagkahiwalay rin kami. Then I had a tragic incident. My parents release ultimate strictness." Hala! Kailangan kong i-omit si kuya. "Hindi nila ako pinapalabas. Nakulong ako sa bahay at pakiramdam ko nasasakal na ako. Para akong preso na walang kalayaan. Binigyan nila ako ng luho. Computer, iPad, Laptop, T.V. and Cellphone. Lahat yun ibinigay nila. Pero nagsawa ako sa lahat ng mga yun."
"So doon ka naging spoiled? Ang sarcastic nga na dati dapat di ka daw dapat spoiled." Tumango ako sa tanong ni Zion.
"And this is the crazy part. Napapansin nilang parang nababaliw na ako dahil nga kinasawaan ko yung mga gadgets, nakatulala lang ako. Siguro may kinakausap daw ako na mga imaginary friends. Umalis yung daddy ko papuntang Amerika. Kailangan niya yun kundi tuluyan na magiging bankrupt ang kompanya. He would always send me imported dolls. A barbie one. Yun lang ang lagi kong hawak. Then I hated barbie. I torture them. Sabi ko kasi sa sarili ko, hindi naman sila nagsasalita. Dapat ko daw silang alagaan eh hindi naman sila tao at lalong hindi ko anak ang manikang yun."
"You really torture a doll? Doon ba nagsimula ang panonood mo ng violent movies? Nakwento ito ni Mrs. Lim. Woah! It seems different for a girl."
"Tama ka. Doon nga nagsimula yun. Nagtatantrum ako na para bang hindi ako dalaga para lang bilhan nila ako ng mga violent movies. Yung tipong sobra. Yung para sa iba, mapapatakip na sila ng mata pero ako tuwang-tuwa. Siguro yun ang epekto ng trauma. Gusto ko labanan lahat ng mga masasama sa paraan na mga ginagawa ng mga gumagawa ng karahasan. I want that revenge badly."
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...