PRETEND HATERS 37
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Nasugod mo ba kahapon si Zion?" Tanong nila sa akin.
"Hindi nga eh. Naduwag ako."
"Dapat pala sinamahan ka na naming apat. Para naman magkaroon ng Girl power! Pero okay ka na ba talaga Shai? Baka masyado kang nasaktan."
"Hindi. Hindi ako nasaktan." Sagot ko ulit.
"Sigurado ka?" Pagtatanong ulit ni Chloe.
"Oo. Okay lang talaga ako." Nakangiti pa nga ako habang sinasabi yun. Siyempre kumalat ang nagtatakang mga kaibigan ko.
"May kalamansi? Suka? Bakit parang nagmumukhasim ka?" Tanong ni Cindy. "Aba! Parang masaya ata si Shaira at hindi malungkot. Kulang na nga lang umabot yang ngiti niya sa tenga. Mapupunit na mukha sa kangingiti."
"Ha? Paanong masaya siya?" Pagtataka ni Cheska.
"Baka maganda lang gising." Opinyon naman ni Rhian na sinangayunan ko. "Tingnan niyo. Sabi sa inyo, maganda lang talaga ang gising niyan. Sabihin mo siya Shaira. Napaniginipan mo ba ang ibang version ng pagluhod ni Zion? Yung hindi paasa?"
"Hindi. Hindi ako nanaginip."
Di ko sinabi sa mga kaibigan at pinsan ko ang totoong narinig ko. Sa akin na muna yun at ngayon basta masaya lang ako. Sobrang masaya ako.
"Blooming si ate. Nilaklak mo yung Myra-E sa bahay niyo noh? Pati siguro lalagyan ininom ni Shaira." Komento ni Cindy. "Kataka-taka talaga. Kung ngumiti, daig pa ang clown. Ano ba talaga?"
"Wala masaya lang ako. Masama? Parang good mood. Okay lang ako. Seryoso guys. Kung makapagtaka kayo parang pinaglihi ako sa sad face noon."
"Oh! Bakit hindi ba? Totoo naman ha." Hirit ni Chloe. "Ang sungit sungit mo kaya Shai at super arte. Pinaglihi ka talaga sa sad face. Tapos ngayon? Wow. Kung si Sarah, may version 2.0, ikaw? Hindi ko na alam kung anong version ka. Daig mo pa ang 2.0. Idol mo ba si Jollibee? Lakas mo maka-jolly eh. Pero okay lang yan. Kung sino mang sumapi sa friend naming si Shaira, diyan ka lang."
May naglapag ng mga trays sa gilid namin. Ang mga boys. "Shaira, yung ice cream ko bayaran mo. Mahal din kaya yun." Reklamo ni Tristan. Tapos inilahad ni Tristan yung mga kamay niya.
"Ayoko nga." Sabi ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Sinabi ko na nga kung nasaan si Zion, di ba?" Napansin kong napatingin sa akin ang lahat pati si Zion. Oh no! Baka isipin nila ako yung tumakbo.
"Hindi ko siya pinuntahan. Sarap ng ice cream mo kaya okay na. Umuwi na lang ako."
"Ahh! Ano ba yan? Zion naman kasi." Paninisi sa pinsan niya habang sinuntok ito sa braso.
"Teka nga! Ano bang kasalanan ko?"
"Paasa ka daw." Sagot ni Tristan. Ah! Ginagantihan niya ako. Loko! Nagkatitigan kami ni Tristan at mukhang babawiin niya ang sinabi niya kung ibibigay ko sa kanya ang bayad.
"Ha?"
"Wala." Singit ko. Kinuha ko lang ang P100 ko sa wallet. "Oh Tristan. May sobra pa yan para kung sakaling magutom ka, may extra ka pa." Naglabas pa ako ng P50. "Ito. For the toppings and additional scoop. Enjoy!" Tapos inabot ko sa kanya.
"Ayooss! The best ka talaga Shaira." Tuwang-tuwang sabi ni Tristan at saka siya nanahimik. "At dahil diyan, safe ka." Talagang dapat safe ako sa sikreto na yun.
"Safe? Bakit mapapahamak siya? May nagaganap ba rito na di namin alam?" Naguguluhang tanong ni Zion.
"Hindi Pare. Ang ibig kong sabihin, dahil nilibre ako ni Shaira, ililigtas ko siya kapag nangailangan siya. Para safe siya. Di ba?" Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...