Pretend Haters 58- The Past or The Present

942 20 0
                                    

PRETEND HATERS 58

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"Ano ulit kamo ang sinabi mo? Ulitin mo nga." She pursed her lips. Hinintay niyang ulitin ko ang sinabi ko sa kaniyang pabor at nakatingin ako sa kaniya na may tingin na nagmamakaawa. Desperado na talaga ako.

"Cheska ang sabi ko kung pwede mo bang ipalit yung phone mo at ang phone ko. Naalala mo noong nagkamali akong makuha ang phone mo dahil parehas tayo tapos nagkamali akong napapunta kay Zion? Yun ang naisip ko kaya naman ito ang hinihiling ko sa'yo. Dad never lets me use my iPhone kaya phone talaga ang itatrack niya. Please naman. Alam mo naman siguro kung anong nasasakripisyo ng isang taong nagmamahal. At wala namang nakakaalam."

"Paano kapag nalaman nila? Baka magalit sa akin ang mga magulang mo."

"Then I cover you up. Sasabahin ko na aksidente lang tayong nagkapalit at dahil dala-dala ko lang ang phone mo, hindi ko nakita kung sa iyo ba ito o sa akin. Kailangan ko rin kasing puntahan si Zion. Ilang araw na kaming di nagkikita nang magbreak. Pero salamat Cheska kung papayag ka. I owe you."

"Fine. Lahat naman gagawin ko para sa'yo. Basta wala ako rito ha. Ikaw lahat ito ha. Ayoko lang magalit at masira ang tiwala ng mga magulang mo sa akin lalo na at mabait sa akin ang mga ito. Basta Shai kapag may problema, nandito lang ako lagi. Pero bago mo kunin, pahiram naman ng laptop mo. Maglalaro lang ako ng GTA." Iniikot ko ang mata ko at tumango. Tapos kinuha ko ang phone niya at bumaba.

Nakaupo si dad at nagta-type sa laptop niya. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya. "Here's my phone." Binigay ko ang kay Cheska. "Kapag po ba naayos niyo na ang setup ng tracker, pwede na po ba akong lumabas?"

"Sige anak. Basta lagi mo dapat dala ang phone na yan ha. Mahirap na at marami ang mga banta sa atin. Alam ko kasi na ayaw mo na rin ng mga bodyguards dahil pakiramdam mo may hindi ka magawa dahil nandiyan sila nakabantay. Naiintindihan mo ba kung bakit kailangan?"

Kung pagkain lang ang kasinungalingan, puputok na ang tiyan ko ngayon. "Oo naman po. Salamat dad."

Bumalik ako sa kwarto namin ni Cheska. "So ano nangyari?" Napabalikwas siya at tumingin sa akin.

"May access na ang tracker doon sa phone mo. Ngayon kailangan ko iaccess ang tracker sa laptop ko yung phone ko. Please Cheska. Kapag hindi pa ako nakabalik, sabihin mo na lang kay dad ang totoo. O kung gusto mo sabihin mo ako ang nagpalit sa mga phone natin at wala kang alam. Alam kong delikado ako sa labas kaya kung saka-sakali, sa laptop may nakakaalam kung nasaan ako. Salamat talaga. Sobra. Natatakot rin kasi ako na baka sa hindi pagsali ng mga Montreal, madamay na din si Zion."

"Naiintindihan kita. Pero mamaya pwedeng sabihin mo magmall tayo. Kasi mamaya, nandoon ang mga magulang ko at manonood kami ng sine kaya sakto na pwede kang umalis."

"Salamat ulit. Kaya mahal na mahal kita."

"Uulitin ko ha. Wag mo na akong gawing pangatlong gulong sa pagmamahalan niyo ng boyfriend mo. Oh sige na, maglalaro pa ako. Kung gusto mo matulog ka ulit."

"Ayoko na. Sobrang gising na ako at hindi rin ako makakatulog sa kakaisip sa kaligtasan ni Zion. Ni hindi kasi siya tumatawag o kaya nagtetext. Hindi rin niya sinasagot kapag ako ang tumatawag. Kailangan ko siyang puntahan sa kanila." Inagaw ko ang laptop mula kay Cheska kaya siya nagwala. "Saglit. Ilalagay ko lang number ko sa tracker app na ito. Bukas naman ang Wi-Fi rito palagi." Pagkatapos ko, binigay ko na sa kaniya at naglaro ulit siya.

Sana naman makita ko siya.

*

"Ma, aalis na po kami ni Cheska. Pupunta po kami sa mall." Tumango si mommy at ibinigay ang phone ni Cheska sa akin.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon