PRETEND HATERS 5
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Girl! Girl! Girl! Girl!" Sigaw ni Rhian habang tumatakbo palapit sa akin. Aba! Ang lokarit parang mukhang najejebs na ewan pari na rin pala itong si Chloe. Ano ba ang problema nila? Parang kinakabahan sila na natataranta. Basta. Mixed emotions.
"Problema niyo?" Tanong ko nung makatapat ko na silang dalawa. Hiningingal pa nga ang dalawa dahil nakahawak ito sa kanilang tuhod at exaggerated na huminga para magkaroon ng oxygen. Mukha tuloy silang nanganganak habang nakayuko at nakatayo.
"Alam mo ba na sa Engineering, classmate ko ang girlfriend ng ex mo?" Saad ni Chloe na halatang naiinis dahil sa malanding babaeng yun. Tinutukoy niya si Janelle ang babaeng pinagpalit sa akin ng ex kong si Ethan.
"At eto pa sa Accountancy, classmate ko lang naman si Ethan. Ex mong walang kwenta na ang sarap ibaon sa lupa. Akala niya nga dapat close kami pero mukha niya isubsob niya. Sinaktan ka niya kaya hate na rin namin siya."
So alam niyo na kung bakit galit na galit ako sa mga mahahangin na halos isumpa ko na LAHAT ng lalaki sa mundo maliban sa mga kaibigan o pamilya ko? Is it possibe to hate and love a person at the same time?
"Tinusok niyo na ba ng ballpen sa mata?" Sabay naman silang nag-react ng 'EWWW!"Mga maaarte talaga forever. "Ano naman kung mamaga at matanggal sa bungo nila ang mga mata nila? At least nakabawi ako sa pagsakit ng mata ko sa pagiyak." Sabi ko naman sa kanila.
"Pero Shai, may gusto ka pa ba kay Ethan?" Usisa ni Chloe na labis na nagiwan ng matagal na katahimikan sa amin.
Gusto ko pa nga ba siya? Na kahit sinusumpa at Hate No.1 ko siya eh mahal ko pa siya dahil siya lang naman ang unang taong nagpatibok ng puso ko at nagparamdam sa akin ng labis na saya noon?
Na dahil sobrang dami kong flaws noon ay iniwan niya ako at ipinagpalit sa isang taong kagalit ko rin?
Oo. Si Janelle Jasmine Montenegro ay miyembro ng Mean Girls. At sila ang naging bully ko ever since. Sila yung dahilan kung bakit bumaba ang self-esteem ko at naging tanga ako sa lahat ng bagay. Sila yung nagparamdam sa akin na wala akong kwenta. Yung dapat sila lang yung mataas palagi.
Paano ko naman hindi makikita yung ayaw niya kung buong buhay ko ang ginawa ko lang ay mahalin at sundin siya sa lahat ng gusto niya? Ni hindi ko nga iniintindi kung nasasaktan na ba yung puso ko.
Yung sobrang sakit pa doon.....siya pa talaga ang may ganang saktan ako sa kabila ng mga ginawa ko. Sa kabila ng sakripisyo ko.
"Malay ko. Malay niya. Malay mo. Malay nating lahat!" Sabi ko na lang sa kanila tapos eto namang si Chloe eh tiningan ako ng matiim marahil siguro ay hinahanap niya ang sagot sa mga mata ko dahil alam niya kung gaano ako nabaliw sa walang kwentang lalaking yun NOON. Di ko na alam ngayon.
"Sigurado ka ba diyan?" Paninigurado ni Rhian at tumingin rin sa akin ng parang katulad kay Chloe. "Hindi mo alam o hindi mo maamin sa sarili mo na kahit tarantado ang ex mo eh mahal mo pa rin siya. Tama ba ako?"
"Niloko niya ako. Wala na kami. That's it! We are totally over." Sabi ko at naglakad, sumunod naman yung dalawa sa likod ko.
"Bakit ba kasi ang hilig mangagaw nung Janelle na yan? Alam mo bang usap-usapan na may inagawan rin yung girl na yun dati pa? Hindi mga lang namin alam ni Rhian kung sino."
"Girl, kung malandi siya talong-talo ka. Maldita ka lang eh. Di mo pa nga nasasampolan. But I heard a while ago, may boyfriend ka na daw. Uyy! Anong tinatago mo sa amin? Sino yang boylet mo?" Wala talagang balita na makakalampas sa tenga nila noh kapag ako ang pinaguusapan.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...