Pretend Haters 24- Ghost Hunt: A Right Path Displacer

1.5K 43 0
                                    

PRETEND HATERS 24

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"Excuse me." Wika ko, bago pumunta sa tent ko at kumuha ng bago kong biniling mineral water. Talaga bang sasama ako? Nagising sa mahabang panahon ang inner friend ko sa loob. She is frowning at me, shakes her head telling me I'm stupid.

Facing Ghost? Sana si Casper The Ghost na lang ang makita ko. Mas cute yun. Gusto ko pa nga maging Ghost Buster. Ang cool.

Kinakabahan ako na tipo ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. I have decided and I cannot take that back again. Kaya ko 'to! What's worst to come? Sabi nga nila mas dapat na matakot ka sa tao kaysa multo. They can't harm me, can they? And as if I have third eye. I don't have so I reminded myself to calm down.

I sighed. Lumabas ako. Tumayo ako at tiningnan ang nagbabagang apoy sa di kalayuan. Masaya sila. Sana makangiti rin ako katulad nila. Di ko alam kung totoo ba yung multo. If they exist or not, I don't really care. It just scares my whole freaking soul and body. I just prayed at the side. I want some space. Di muna ako lumapit sa kanila. Minasahe ko ang sintido ko.

Napagdesisyunan ko na wag na bumalik at matulog na lang. Niyakap ko ang sarili ko. Pakiramdam ko bida ako ng isang horror film. Buti sana kung artista ako kaso mukha lang.

Habang nakapikit ang mata, maraming pumapasok sa utak ko. Parang biogesic ba ang gagawin namin na ang sarap tanungin ng... 'Safe ba yan?' I need to trust myself. Wala akong makikita at aatras rin sila sa gagawin nila. Trust.

Siguro, iisipin ko na lang ito bilang Cinema. Libreng tiket. Hindi lang siya 3D, 4D, 5D kahit ano mang number na may D. Eto ang pinakalatest na tinatawag kong 'Realistic Dimension'. I feel it, I see it and I hear it for real. Di man ako nakaupo sa isang malambot na upuan habang kumakain, at least dito may experience.

Kung aatakihin ko ang multo, hindi ko sila mapapatay dahil literal na patay na sila. At paano naman ako papatayin ng patay na? Weird. I might like to watch horror films, but it's not my dream to have a meet-and-greet with them. Ano 'to? Mall show? Kailangan ba magpa-fan sign ako? Tumataas yung balahibo ko.

Bakit ba sila masayang makakita nun?

To feel brave? Ridiculous.

Niyugyog ko palabas ang kaisipang gano'n. I need to sleep. Overthinking na naman.

And so I sleep.

*

May humihila sa paa ko. Oh my! "Aaaahhhhhh! Multo!!" May nagtakip ng bibig ko. Kanina multo bakit biglang naging kidnapper? Di ko makita yung mukha dahil maliban sa nahaharangan ng tent, madilim na rin.

"Shh! Bakit ka ba sumisigaw? Baka magising yung mga tao. At mukha ba akong multo?" Tanong niya.

"Bakit ba kailangang hilahin yung paa ko?" Di ako nagkape pero parang ninenerbiyos ako sa kanya.

"Kanina pa kasi kita ginising. Ang hirap mong gisingin. Tulog mantika ka pala."

"Ah ganun ba? Sorry naman." Naupo ako at hinintay siyang magsalita.

"Sige na. Pack your things. Para mamaya walang magtaka. Ayusin mo na ang tent at ilagay mo na lang yung mga gamit mo sa likod ng kotse ko. Lahat ng gamit namin nasa likod na. Ako lang naman mag-isang aalis dahil nga may bus naman kayo." Sabi ni Cheska. Ginawa ko naman lahat ng sinabi niya. Punong-puno nga ng gamit yung likod ng kotse niya at dinagdag ko pa yung akin. May konting space pa naman.

Siyempre kinuha ko muna yung flashlight ko at ang aking favorite Chanel Shoulder Bag. Kumuha ulit ako ng juice. Buti na lang malamig pa ito. Kung may comfort food, ako may comfort drink. Kapag umiinom ako, I feel refreshed. Lumapit si Rhian sa akin. "Wag tayo maingay. Baka mahuli ako. I like adventure. Pero kinakabahan ako girl." Mas lalo naman ako. Ang jelly na ng tuhod ko.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon