PRETEND HATERS 51
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Let the game begin. Itinapat ko ang hintuturo ko sa ilong ko para patahimikin ang mga kaibigan ko. Ang dami nilang satsat na mas lalong nagpapakaba sa dibdib ko. Nagsisimula na ang kabaliwan na agreement na ito. Ang sabi kasi ni Kuya Shawn, parating na daw siya kasama ang isang surpresa. At wala rito si Zion kaya malamang siya na ang ipakikilala sa akin. "Kayo ha, itikom niyo yung bibig niyo bago pa tayo madulas. Aba! Hindi floorwax itong buhay ko para magdulasan tayo, gawin naman nating makintab." Tumango-tango sila. Ako naman ay huminga nang malalim. Chanting the words 'I don't know him'.
"Shai, mukha kang daga sa bahay nila Cindy na kakapalo lang at parang agaw buhay." Komento ni Rhian.
"Totoo naman. How can I? Parating na si kuya." Sabi ko. Inayos ko yung pula kong short na may manggas na lace at itim kong palda. Inayos ko rin yung buhok ko na kanina ko pa ginugulo dahil sa sobrang kaba. Ayan na! Ilang minuto na lang.
Bumukas ang pinto ng cafeteria kaya lahat ng mga estudyante napalingon sa direksyon ni kuya. Malamang nagulat sila sa pagbabalik niya at dahil ngayon lang siya muli pumunta rito at tapos na siya sa course niya. Idagdag niyo pa na may kasama siyang mga gwapong nilalang kasama na ang boyfriend kong alam kong hindi mapakali sa loob-looban niya. Pero ang galing niyang umarte ha. Infairness! Kapani-paniwala naman na parang hindi niya ako kilala kasi patingin-tingin siya sa buong paligid saka niya kinausap si kuya.
This is what I called a Real Life Acting!
Naglakad sila sa isang upuan na inuupuan na ng mga babae. Bigla naman itong umalis at lumipat sa kabilang upuan na katabi nila. May konting mga pagitan pagkatapos ng dalawang table na magkadikit. Parang oil spill kung kumalat ang bulungan sa malaking lugar na ito. "Doon ka sa tabi ng kapatid ko. Siya ang nawawalang si Aira. Siya ang hinahanap mo." Wika niya kay Zion. Napatingin siya sa gawi ko kaya ako naman nagpanggap na gulat na gulat. "Surprise sis! Ito si Kidlat. Mas kilala siyang Zion dito. Kaya masanay ka na yun ang tawag sa kaniya." Umupo si Zion sa tabi ko. Siya yung pinakadulo kasi lahat ng mga kaibigan ko ay nasa tabi ko samantalang yung harap naman ay ilang mga kaibigan ni kuya at yung mga katropa niya talaga.
Napailing ako. "At bakit mo siya pinapatabi sa akin? Ayokong makita yung pagmumukha niya at wala nga akong paki kung nagkita kami ulit. Siya yung dahilan kung bakit napahamak ako."
"Shaira naman. Wag ka na makulit. May usapan kami at ginagawa ko lang ito para sa iyo. Gusto ka niyang makausap kaya kahit ayaw mo diyan siya hanggang kumalma ka." Paliwanag naman ni kuya. Naramdaman ko bigla ang kamay niya na humawak sa kamay ko sa ilalim ng mesa habang nasa tapat lang namin ang kuya ko. Binunggo ko ang paa niya gamit ang paa ko para magsalita naman siya.
"Shaira, pagbigyan mo na ako. Gusto ko bumawi sa'yo. May usapan lang kami kaya sinusulit ko ito." Binagsak ko padabog ang plato kaya lahat ay nagulat at napapatingin sa direksiyon namin. Alam ko yung iba iniisip na break na kami ni Zion o kaya nagkaroon kami ng matinding pagaaway. Pero ang karamihan naman walang pakialam kasi hindi masyado tinotolerate ang pagtsismis sa ibang tao lalo na kapag maraming tao ang nakikinig. Kaya nga ang mga kaibigan ko palihim kung magkwento.
Grabe. Pwede na akong bigyan ng best actress award sa ginagawa ko. Gusto kong sapukin ang ulo ko. Pagdabog talaga ng plato ang naisip ko? Childish.
"Wala akong ganang kumain! At ikaw! Ayoko nga makita yung pagmumuka mo di ba? Bingi ka ba?" Sigaw ko kay Zion tapos yumuko naman siya at nakikita ko na natatawa siya pero pinigilan niya yun. Buti hindi siya nahuli ni kuya kung hindi magtataka yun at mabubuko kami. Kainis ito g lalaking ito! Galit na nga ako tapos tingin niya pa sa akin nagpapatawa. Sa pagdabog ko ng plato, tanong lang, mukha ba akong nagjojoke?
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...