PRETEND HATERS 65
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Tinraidor tayo ng isang member ng board. Nakurakot yung sampung milyon at kailangan pang operahan si dad. Malulugi na tayo. Di ko na alam yung gagawin ko." Sabi ni kuya habang patuloy na pinapadaan ang dalawang palad sa mukha niya, Tiningnan ko ang mga pasa ni kuya sa pisngi. Pinabugbog siya ng di naman alam pa rin kung sino. "Kailangan gamitin ko na ang mga koneksiyon ko at wag ka na rin mamroblema. Ako na ang bahala sa lahat. Just enjoy your day." Sarkastiko ba siya? Pinulot niya ang kinalat niyang folders sa sahig kanina pagkatapos napatingin sa akin dahil sa pagtatakang bakas sa mukha ko. Paano ako mageenjoy sa lagay na ito? Halos ubusin ko na lang panahon ko sa pagbabasa ng bible at mga sagot sa mga katanungan ko. Punong-puno na ako.
"Bakit kuya?" Tiningnan ko ang tinitingnan niya. Ang mean jar na napuno na naming dalawa. Matagal na noong huli ko yang nakitang puno. Noong magkagalit si Zion at Kuya Shawn. Laking gulat ko dahil ni pangalan ni Zion di niya binaggit bilang problema kahit na alam niya yung ginawa sa aking panloloko.
"Shaira, alam kong mahal mo pa siya. Naglagay ka ba sa mean jar dahil masama pa rin ang loob mo? Malalampasan rin natin ito." He smiled a little that I doubt it's genuine. "Gagawa ako ng paraan. We'll invest. Pupunta ako sa kompanya." Nakatulala lang ako hanggang mawala na si kuya sa mga paningin ko.
Tumunog ang phone ko at pinutol ako sa pagtutulala sa hangin at nakitang si Rhian ang tumatawag. Si Rhian na hindi ko binanggit na isa sa mga hinala ko. Di ko maiwasang matakot at may maramdamang may mali.
Parang unti-unti akong napupunit. Nanginginig kong inilagay ang phone sa tenga ko. "Rhian, bakit ka napatawag?" Tanong ko.
"Oh, wag ka malungkot. May surpresa ako." Sagot niya habang naririnig ko ang pagpipigil niya ng tawa. Halos lumabas yung puso ko sa dibdib ko. "Labas ka dali." Pumikit ako sandali at huminga nang malalim. Pinatay niya na ang phone.
Sinubukan kong tawagan si Cindy o si Chloe pero busy. Ano bang kailangan ni Rhian? Masaya na siya. Ano pa bang gusto niya? Bakit ba sobra ang galit niya? Paano kung patayin niya rin ako kagaya-- kagaya ni Cheska?
Cheska.
Naaalala ko na naman siya. Hanggang ngayon, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ako naging makasarili, hindi na siya nadamay at dapat— ako yung nawala. Di ko rin maisip na kung si Rhian nga, may puso pa ba siya? Walang konsensiya ang gumawa nito. Kasi di yun ang pagkakakilala ko sa kaniya. Mabuti siyang tao at anak. O mabuti nga siyang anak sa punto na ipaghihiganti niya ang ama niya?
At kung siya man, kailangan ko siyang harapin. Ngayon na kung kailangan para matapos na ito.
Pagkalabas ko ay laking gulat ko na may mga babaeng humbalot sa akin at piniringan ako ng mata. Kinaladkad nila ako habang nagtatawanan saka ipinasok sa kotse. "Anong gagawin niyo sa akin?" Tanong ko. Isinara at nilock nila ang pintuan ng kotse. Di na ako makalabas at nawala na rin ang dalawang babae.
I got startled by a familiar voice. "Oh, sorry about that. It's harsh. Wag mong tanggalin yung piring mo ha. Isa pa, wala na kasi kami ibang maisip." Kami? Madami sila? Sa sobrang takot ko di na ako nakagalaw at hinayaan ang mga piring sa mata ko. Rhian. Totoo nga yung mga hinala ko. Oh, Rhian! Bakit? Bakit ikaw pa?
"Saan mo ako dadalhin? Rhian, saan mo ako dadalhin?" Tanong ko ulit. "Sagutin mo ang tanong ko."
"Secret Shaira. Calm down! Peace tayo." Hinayaan ko siyang magmaneho habang pinipigilan ko ang sarili kong magalit. Yung mga kamao ko na sobra sa higpit na halos mabali na ang mga buto ko sa daliri. Ayoko siyang isumbong o labanan. Di ko kaya. "Shaira, nandito na tayo." Naramdaman ko ang pagtigil ng kotse at di ko na talaga kinaya. Tinanggal ko ang piring ko sa mata at buti na lang wala itong hawak na masamang bagay.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...