PRETEND HATERS 56
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Kinuha ko yung susi mula sa ignition at inilagay iyon sa pantalon ko. That guy! Nawala sa isip ko na mayaman siya o kaya kahit lugi na ang kompanya niya, may mga kakampi pa rin siya. Gutom na ako. Pero mamaya na muna yung mga nagrereklamong laman-loob, kailangan ko munang kausapin ang mga pulis na may hawak ng kaso.
Pagkasara ko ng pinto, may humawak sa mga balikat ko. May nakasunod sa akin? Hala! Paano kung si Bruno ito at may dalang ice pick o kaya ang mga kasama niyang may baril at papatukin yung ulo ko na parang pakwan? Sa sandaling yun inisip ko na sana alien na mabait at gwapo na lang ito dahil mas masaya pa yun kaysa sa mapunta ako sa kanila. Mas masaya pang tumira sa Mercury. Ay hindi sunog na pala ako doon! Pero basta kahit saang planeta man yan, okay lang.
Pero bago niya ako mahuli, may naisip akong isang defensive technique. Inihanda ko yung siko ko at malakas na itinama yun sa tiyan ng kung sino man yun at narinig ko ang daing niya. Sa harap ng police station niya pa talaga yun ginawa. Humarap ako sa kaniya at laking gulat ko dahil kilala ko ang humawak sa balikat ko. "Ahh! Shaira, anong problema?"
"Zion naman. Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Di ko makapaniwalang tanong. "Stalker ka talaga." Tumingin pa ako sa paligid. Baka di lang si Zion ang nakasunod sa akin pero wala namang tao sa paligid. Sa tingin ko sa Addison Academy sila nakabantay.
"Sabi mo kasi importante kaya nagalala ako. Nandoon ako nakapark malapit sa bahay niyo tapos di mo man lang ako pinansin dahil sa sobrang pagmamadali mo kaya naisipan kong sundan ka. Paano na lang kung mapahamak ka? Nagtaka lang ako kung bakit dito ang punta mo. Kriminal ka ba?"
"Ano? Mukha ba akong gagawa ng masama? Masyado akong maganda. Mukha na nga akong anghel tapos sasabihin mo kriminal ako." Sabi ko sa kaniya.
"Nagtatanong lang. Bakit ka ba kasi nandito?"
Bakit ba kasi ako sinundan ni Zion? Ayan! Magsisinungaling ba ako o sasabihin ko na ang totoo? Napakagat ako ng labi. Ito na siguro ang tamang panahon. "Wag kang magagalit ha. Tinago ko lang naman ito kasi ayaw kitang malagay sa sitwasyon ko."
"Anong sitwasyon? Shaira, anong meron?"
"Kasi Zion, nakatakas si Bruno. Siya yung isa sa mga lalaking kumidnap sa akin at siya yung kasabwat ni Tito Harry, yung papa mo. Pero alam ko namang wala na ang mga Montreal dito kaya uulitin ko na wag mong sisihin ang sarili mo. Noon naman kasi kahit hindi mo iyon ginawa, may paraan pa rin para mahuli nila ako. Wala kang kasalanan at wag kang gagawa ng kahit na ano."
"Pero Shaira di na tama ito. Hindi ko kayang hintayin kang mapahamak. Di ba nangako ako sa iyo na poprotektahan kita? Kung ako noon ang dahilan kung bakit ka napahamak, gusto ko ako naman ngayon ang dahilan kung bakit ka ligtas. Hindi ko kayang manood na lang at magpanggap na walang alam habang ikaw, natatakot dahil sa mga banta nila."
Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya. "Zion, nagpapanggap din tayong walang koneksiyon kasi iisipin nila na wala kang halaga sa akin. Pero kapag nalaman nilang boyfriend kita, kahit may koneksiyon pa sila sa kompanya niyo, idadamay ka pa rin nila. Baka gawin ka nilang bitag. At ayoko mangyari yun. Yun ang mga dahilan ko kung bakit ko itinago sa iyon ito kasi alam ko na may gagawin ka para sa akin. Alam kong gusto mo akong protektahan pero yun din ang gusto kong gawin sa iyo. Ilang beses mo na ako tinulungan at bawing-bawi ka na sa lahat. Hayaan mo naman ako na gumawa ng desisyon para sa sarili ko at para na rin sa atin."
"Sige Shaira pero hindi ko maipapangako." Huminga ako nang malalim. Ang tigas talaga ng ulo niya. "Kapag may nakita akong nakasunod sa'yo, di ako magdadalawang isip na lumapit doon at sapakin yun."
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...