PRETEND HATERS 6
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Tinulungan nila akong bumaba. And I feel so awkward kaya iniyuko ko na lang ang ulo ko. My gulay! This is so embarrassing. I need to think for a valid excuse. Ano naman 'yon?
Ang tagal ko na ring nakaganun pero walang nagsasalita. *Ahem*. Naiangat ko tuloy ang ulo ko at tiningnan ang gumawa nun. "May ubo ka? Gusto mo lagundi?" Alok ko sa umubong Zion na sa di malamang na dahilan ay inhampas ang palad niya sa kanyang noo.
Tapos nanatili lang nakatingin ang dalawa sa akin. "What?" Tanong ko. Siguro eto na yung parte na dapat ako kabahan. Anong palusot.com.ph kaya ang kaya kong ibigay?
"Are you stalking me?" Tanong ni Zion pero di ko siya pinansin. Tiningnan ko lang si Oliver sabay sabi ng "Hi."
Tumingin naman si Zion sa kaibigan niya habang nakakunot ang noo. "Dude, you know this girl?" Turo niya sa akin. "This speaker-like voice girl?" Tatadyan ko na ang isang 'to? Kung makalait unlimited. Buti sana kung chaka ako pero hindi eh kasi diyosa na ako ng daigdig.
"Ah, y-yeah." Ang cute ni Oliver kung bakit pa kasi kasama niya ang LEON na yun. Argh! Panira much.
"Edi anong ginagawa mo? Are you eavesdropping on us? Or maybe you are just denying that you are stalking because you are head over heels on me??" Ulo sa itaas ng heels? Huh? Paano yun? Nabatukan ko tuloy ang sarili kung nung mapagtanto ko na in love pa lang ang meaning nun.
So nga-nga lang ako. "What now?" Tanong niya pa ulit. His voice, demanding. Emegahd! Parang biglang tumigil yung pagtibok ng puso ko. Hala! Think Shaira. Think! "H-hindi ah. Idol ko lang talaga si Tarzan kaya umakyat ako sa puno at nagsimulang matulog tapos di ko namalayan muntik na akong mahulog kaya ang ending eto ako ngayon."
"Natulog ka sa puno? Really?" Kapani-paniwala naman yun di ba?
"Oo. Paki mo ba? I'm not a book with cover so don't judge me. Okay?" Mataray na sagot ko dito.
"Aist! Whatever your reasons are. Kung narinig mo man yun, edi mabuti nang alam mo." Tapos umalis na siya sa paningin ko. Bakit ba siya nagagalit? Guilty sa sinabi niya o galit dahil nalaman ko ang sikreto niya? Guilty as charge yung peg nun ah.
"Problema ng kaibigan mo? Laging tinotopak. Bakit di niyo pa kasi ipamental? Lalala yan." Tapos may pumasok sa isip ko. Hihi! "Ah Oliver..."
"Hmm?"
"Is he transexual? Amazing! Magkano pagawa?"
Nagulat si Oliver. "What the?!" And then he burst out laughing. "Now I know why." Huh? He patted my head saka rin siya umalis.
"So, that Zion is really gay or maybe transexual? Oh!" Yikes! Napaisip ako. Sa ganung kagwapong nilalang pala nakakalinlang. Sinasabi na nga ba eh. Kaya pala siya may PMS kasi pusong mamon. Oh-my-gee!
*
Pagkadating ko sa mansiyon namin napakatahimik na para bang may prayer meeting sa loob kaya dahil doon sobrang naninibago ako. Minsan pangarap ko din na sana sa Zombie World na lang ako titira. Yung tipong libre kang kumuha ng kahit anong gusto mo sa mall at wala kang ibang gagawin kundi magpakasaya at pumatay lang ng zombie para mabuhay.
Lumibot pa ako sa ibang lugar sa mansiyon pero wala akong nakitang kauri ko. Walang tao rito maliban sa natutulog na guard sa labas. Pahinga much yun ha pero sabagay naka-lock naman yung gate at isa pa mataas ang bakod dito. Pero bakit sa loob ang tahimik talaga at walang tao. Hala! Baka sinapian na silang lahat. Nakakatakot ha! Anong prank ito?
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...