Pretend Haters 25- Strings of Destiny Attached to Two Lost Individuals

1.7K 39 0
                                    

PRETEND HATERS 25

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

I jolted awake then I squinted around. I'm in a bed. Paano yun nangyari? Para akong may hangover. Ang sakit na naman ng ulo ko at nanghihina ako. Si Zion ata ang naglagay sa akin dito. Tiningnan ko yung oras at napansin kong dalawang oras lang ako natulog. Aggh! Napaupo ako sa kama nang biglang bumukas ang pintuan.

"Hungry?" Leaning on the door with hands on his pocket is the ever calm Zion.

"Wala akong gana. I just want to rest or do something else."

"You should eat." He demanded.

"Ayoko nga! Ang kulit mo naman. Wala nga sabi akong gana."

"May sakit ka. It's not good for you. Paano ka gagaling kung tamad ka kumain?"

Stupid Arrogant Bossy Boy!

"Wala akong magawa. Mas gusto ko pa lumangoy. Hindi pa ako nakakalangoy sa dagat. Puro na lang swimming pool. Nakakasawa. Besides, I've lost my appetite."

Inikot niya yung mga mata niya sa akin. OMG! First time. Sinasabi na nga ba may history ito ng katarayan talaga na parang minenopause na. Humagikhik tuloy ako nang palihim. Paiba-iba ng mood. Minsan masungit, minsan mabait, minsan maalaga at minsan bossy. Ang weird. "Weirdo."

"Ano sabi mo, weirdo ako?" Tumango ako. And I did my infamous mischievous smile.

"What do you think?" I cocked my head at one side looking at him. Umiling ito at ngumiti. Lumuhod siya sa harap ko at bumulong.

"Minsan ang mga weirdo nababaliw. At kapag di ka tumayo diyan at kumain, baka ako ang mabaliw sa'yo. Gusto mo ba yun?" Lumaki yung mata ko. Bwisit! Pinaglalaruan niya yung pakiramdam ko. Mga lalaki talaga! "Crush mo naman ako di ba?" Namula kaunti ang mga pisngi ko sa sinabing yun. This freak is teasing me! Shems! What to do? I smirked.

Hinawakan ko yung kamay niya. He smiled. He's enjoying this game. Well, game on. Ako na si Shaira na diyosa ng mga magaganda ay magpapatalo? Mamatay muna ang kuko ko sa daliri bago mangyari yun. "I like you...." Sabi ko in a flirty tone at umiba na naman yung itsura ko at naging isa itong matagumpay na ngiti.

"AAHH!" Sigaw niya.

Inikot ko lang naman yung mga kamay niya nang sobra. "I like you....dead! Che! Manigas ka!" Tumakbo ako hanggang sa harap ng pinto. I did a Zion Style. Na hindi muna aalis at magbibigay pa ng 'last words.' "Oops! Sorry, not sorry." At ngumiti ako na abot hanggang tenga.

Naglakad-lakad ako sa paligid ng dalampasigan. Katulad ng dati, malamig pa rin ang simoy ng hangin at napakatahimik. Pakiramdam ko nga may sementeryo dito. Ang tahimik na ang maririnig mo lang ay ang paghampas ng alon sa lupa at---

"Hoy babae!"

At boses ni Zion? Tumalikod ako at nandoon siya sa malayo na parang torong susugod. Patay!

"Hoy ka din! May pangalan kaya ako! Lumayo-layo ka nga! Ayoko sa mga bossy na mukhang butanding!" Sigaw ko pero napalitan lang iyon ng ngiti.

"Crush mo naman!" Whhaaattt?

"Over my dead, sexy and gorgeous body!!!" Tumakbo siya palapit sa akin. "Ano ito romance movie? Ano next niyan? Hahabulin mo ako sa dagat tapos magkakatitigan tayo? Utot mo..Mabaho!" Bakit? Natutunan ko ito kay Cindy. The line.

Napailing siya. Hinila niya yung kamay ko at bigla niya akong binuhat. Yung mukha ko nakaharap sa likod niyang matigas. Nagwala ako. "Bitawan mo ako! Napapanood ko na rin ito. Ano next nito?"

"Ano nga ba?"

"Hindi ko alam. Ako ba yung direktor?"

"Shaira, tayo ang direktor ng mga buhay natin. Nakokontrol natin ang lahat. Kaya natin pagandahin. Lahat pwede." Nagdrama na naman ito. I rolled my eyes knowing that he doesn't see me. Bakit kasi biglang seryoso?

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon