PRETEND HATERS 18
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Nasa may garden kami ng school. Nakaupo kami at nagpapahinga sa isang bench kasama ang mga kaibigan ko at tropa ni Zion sa kabila. Ngunit di naman kami magkalapit. Gusto kong umiwas nang hindi nagpapahalata habang kaya ko pa. Nagsama kasi yung department namin at department nila para sa isang clean-up. "Hindi ba natin sila kakausapin? Ang boring kaya kasi kanina pa tayo nagpapahinga." Reklamo ni Chloe habang nagpapadyak ng paa. Malamang! Kanina ko pa kasi siyang binabantaan na wag lalapit sa tatlong lalaking yun.
"Pwede ba Chloe manahimik ka? Kasi kung hindi, ista-stapler ko yang bibig mo." Hinawakan niya tuloy yung labi niya.
"Shaira, bakit ba ayaw mo kaming ipakausap sa kanila?" Si Rhian naman ang nagreklamo.
"Para hindi mahalata!"
"Hindi mahalata? Na ano?"
"CHESKA!!"
"Ano? Amin na kasi." Maang-maangan pa ang bruhang ito. Alam ko namang may ibig siyang sabihin sa sinabi niyang 'Para hindi mahalata'. Alam kong magaling siya makahula ng isip ng tao.
"There's now way I would talk to them." pabulong na sabi ko sa kanya.
"Them o him?" Diniin niya pa talaga sa salitang 'him'.
"Anong him?"
"Si Zion." Okay. That's it!
I'm totally OUT of this!
Kahit walisin ko pa ang buong campus (Pati mukha ni Cheska), I don't care! "Bahala nga kayo diyan. Magwawalis na nga lang ako. Madami pa akong poproblemahin katulad ng pagkikita namin ni Ethan. So kung gusto niyong makipagusap, bahala kayo sa buhay niyo." Sabi ko sa kanilang lahat. At lumayo ako lalo na nang marinig kong magsalita si Cindy na kesyo meron daw akong 'Pahabol Days o Red Tide' kaya daw ako masungit. Mga baliw!
Sa ilang minutong pagwawalis, may biglang humablot ng walis ko. Akala ko si Zion pero hindi pala. "Hi." sabi ko rito.
"Shaira, miss me?" tanong niya.
"Yes." Sana ma-miss kita o hindi makita habang buhay. "Of course. Siyempre mamimiss ko ang kagwapuhan.." Ng kuko. "Mo..." Mahulog ka na nga. Bakit ba kasi ang tagal nitong utuin?
"You can't really move on, can you? Aw. A pretty girl like you is crazy for me. I'm flattered." Baka gusto mong i-flat ko rin yang mukha mo gamit ang plantsa para matawag kitang PRINITO? Bakit Prinito? Dahil may pagkachinito siya ito ang tanyag ko sa kanya. Sunog + Chinito= Prinito. Not funny. Whatever. Basta kumukulo na dugo ko ngayon.
"Yeah. I kept thinking about you everyday. I can't remove nga you in my mind." And this conyo style. Jessica much! GROSS! He pinched my cheek.
Lumapit ito sa akin at bumulong. "Sa gabi pwede maging tayo, game?...Joke." Lumayo siya at tumawa. Ganyan niya ba ako niloko noon? Wow. I'm impressed.
I fake a laugh. "Pwede....joke." Kinindatan ko siya. "So, kamusta ka na?"
"Eto gwapo pa rin. Kasama pa rin ang bratinella girlfriend ko. Wag ka maingay ha. Pero mahal ko pa rin yun."
"Sana ako na next time." At nagusap kami. Minsan bumabalik yung ugali niya sa mga panahong nagustuhan ko siya. Sana hindi na lang siya nagbago. "Sige Ethan. I gotta go. Naghihintay na sa akin yung mga kaibigan ko."
Tumango ito. "It's a nice talk by the way. Bye."
Pumunta ako sa kanila at nawala bigla ang ngiti ko nang makita ko si Zion na ang sama ng tingin sa akin. "I need to go guys." Biglang sabi ni Zion at umalis mula sa amin. Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...