PRETEND HATERS 55Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Sa lahat ng araw, ang pinakagusto ko ay yung Weekend. Nandito ako sa kotse ni Zion. Ang paalam ko kay kuya ay makikitulog ako kay Portia. Bakit kay Portia? Hindi naman sa super close namin sadyang siya lang ang ginamit kong pangalan dahil sa bukod na hindi yun kilala ni kuya, hindi rin niya alam ang bahay nun. Mamaya kasi puntahan niya yung bahay ng kapitbahay kong mga kaibigan at mabuko pa ako. And it will be the big drama of my life and the end of us.
I smiled when he bought that excuse. But of course, a little guilty because I love my brother. Just little white lies won't hurt him, right? Kinuha ko yung bag ko. I am not eloping (God knows I won't!). This is just a trip. A trip where it is just the two of us. "Ready?" Tanong niya pagkasakay ko sa kotse niya.
"Always." I replied, smiling widely at him.
"Good." He started it. The speed is so fast when we hit the familiar road. Sa lugar na malaya kami at malayo sa pagpapanggap. The cool air is hitting my face. Binuksan ko kasi ang bintana. It's like we're flying together.
The feeling of being free.
*
I was playing detective on my own these past few days. But now, I feel I am playing hide-n-seek, while I am currently with my boyfriend and I am looking at the back like a freak because I mind if there is someone following us. Di ko alam kung isip bata ba yung mga masasama na yun at may pasunod-sunod pang alam. Di ko alam kung masyado lang silang maingat para di mahuli o pinaglalaruan talaga nila kami nang sobra.
Nagtaka ako dahil biglang lumampas ang kotse sa lugar na akala ko dapat naming pupuntahan. "Saan tayo pupunta?"
"Hindi ko pa pala nasasabi. Gusto ko sana tayong dalawa lang pero kasi gusto kong samahan mo ako sa foundation ko. Puro mga bata yung mga nandoon kaya sigurado akong matutuwa ka."
"Still the same childhood friend I know. You have a very big heart."
*
Isang charitable institution ang pinuntahan namin at dito ang mga nagaalaga ay mga madre. Pagkapasok ko, sinalubong ako ng mga yakap ng mga batang maliliit na nasa mga edad lima hanggang sampu. Sabi ni Zion, mga bata daw sila na iniwan ng kanilang mga magulang dahil sa iba't-ibang rason. Nakakaawa naman sila kaya siguro swerte pa rin ako na may magulang ako.
"Hi." Patuloy na kumakaway kasi sa akin ang bata.
"Ako si Renz." Pakilala ng cute na batang lalaki.
Lumuhod ako sa harap niya para pantayan siya tapos bigla na lang ako nito niyakap. "Yang mga batang yan, walang mga magulang kaya naghahanap ng mga yakap. Kulang sila sa mga yun." Paliwanag ni Zion habang inilapag sa malaking pahabang lamesa ang mga pinamili naming pagkain para sa kanila.
Pagkatapos namin makipaglaro sa kanila, tinawag na namin sila para kumain. "Mga bata, magdasal muna tayo ha." Yaya ko saka ipinikit ang mata ko at sumunod naman sila. Pagkatapos naming magpasalamat, kumain na sila. Pero dahil kanina pa kami kumain ni Zion, sinubuan ko na lang si Renz dahil kalat-kalat itong kumain. Tumabi sa akin si Zion at sinubuan ang batang babae sa tabi ni Renz. "Being a parent is so hard, right?" Tanong niya.
"Sinabi mo pa. Super hard. Pero pagdating sa mga magulang ko, bakit iniisip kong kulang? Maling maramdaman ko yun pero yun talaga ang nasa puso ko. Nasa akin na yung lahat pero hindi naman yun yung kailangan ko kun'di sila. Mas may malasakit pa ata ang nakakatanda kong kapatid kaysa sa kanila. Kapag kakamustahin ako, idadaan nila kay kuya. Kapag may problema ako, hindi nila ako tatangkaing kausapin. It's not about the money or the things you can able to get in the world. Just love. Tapos nandito pa ako sa sitwasyon na kailangan pa nating magtago."
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...