PRETEND HATERS 40
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Nakahilatay kaming pareho sa sahig tapos pumalakpak si Mrs. Chua. Tumayo ako. Aray! Baka parang may back ache ata itong likod ko. Shems! Para akong matanda. Ininom ko daw ang lason ng witch. Pero seryoso isa lang yung juice.
Ang masaklap talaga ay kung paano ko dudugain yung pagkabagsak ko. Parang minsan iniisip ko mababagok yung ulo ko. Kaya ginawa ko yun sa dahan-dahan pero kapani-paniwala naman. Alam niyo yung pakiramdam na sadya ang pagkahulog niyo? Parang nagsusuicide ka pero parang lang. Ang sakit! Tapos kailangan di ka pa gumalaw. Tumayo na ako at sabay kaming pumunta kay Mrs. Chua.
"Very good. Tapos na. We can just make little adjustments and polishing. Pero sa wakas tapos na ang buong scene. You memorize it all." Tuwang-tuwang pahayag ni Mrs. Chua. "But we should fix the emotions more. You know I am very proud now. Congratulations! We are now setting the schedule for the play. We have completed all the wardrobes where your costumes would be stored and the artists are now finishing the designs of the stage. You could be dismiss as earlier as before starting now and next week. Good job Shaira and Zion. Siguro next next week is the start of the play. I'm so excited about this."
"Maraming salamat po." Sabi naman ni Zion sa lead directress. Umalis na si Mrs. Chua at bigla kaming nagapir ni Zion.
"Sa wakas! Malapit na. Polishing then we're done." Sabi ko sa kaniya.
"I had so much fun working for you. Sana magkaroon ng isa pa."
"At sana maging matagumpay rin ito. Kinakabahan ako."
"Ikaw pa. Kaya mo yan. Kaya natin pala yan. Isa pa, ikaw yung inspirasyon ko. At mas kapani-paniwala kasi kung ano talagang nararamdaman ni Jake, yun talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Sana kung ano ang nararamdaman ni Sophia, yun din ang nararamdaman mo para sa akin."
Nginitian ko lang siya.
Do I really can tell him what I feel?
Could I really do it?
*
Makalipas ng ilang araw ng review, paggawa mg reports at iba pa. Masaya ako dahil sa bukas ay sabado na. Nasa labas kami ng mga kaibigan kong babae. Pagkatapos ng kalse, nanood kami sa sinehan. Sinama ko sila para manood ng isang violent movie pero sa kondisyong yun ililibre ko sila tapos manonood pa kami ng isang movie na romance naman. Tapos niyaya kami ni Cheska sa favorite dessert shop niya.
"Muntik na akong masuka kanina." Pahayag ni Rhian. "Tamang-tama lang ang sweet place na ito para sa atin. Shaira, don't ever let us do it again. Mas maganda yung napanood ko dati sa bahay mo. Yun na lang. Mas kaya ko pa yun. At nakakatakot yung mga suspense na yan. Parang tatalon na yung puso ko palabas."
"Yung lola naaalala niyo? Nailuwa yung pustiso. Napunta nga sa paa ko. Kadiri. Paano hindi niya maiwasang mapasigaw at mapanganga doon sa torture scene at sa pagtatraidor ng lalaki." Sabi naman ni Cindy. "Guys, aaminin ko, hindi ko talaga naibigay yung pustiso ni lola."
"Saan mo nilagay?" Tanong ko.
"Sa popcorn mo." Sagot niya.
Nagsitawanan sila. "Buti na lang pala di ko na kinain yun. Sumakit na kasi yung tiyan ko sa katatawa sa movie at sa inyo."
"Yun ba talaga? Baka naman naiisip mo si Zion kaya ka natatawa. Parang di mo nga naintindihan yung kwento dahil noong tinanong ka namin sa restaurant wala kamg masagot." Sabi naman ni Chloe.
"Anong balak mo pinsan?" Tanong ni Cheska. Lahat sila nakatingin sa akin na para bang kaabang-abang talaga ang magiging sagot ko.
"I'll follow my heart." I simply say. Nagsipalakpakan sila at nagtilian.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...