PRETEND HATERS 53
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Pagkatapos ng isang linggo hangga't bumalik ulit ako sa academy, may nagbago na naman katulad ng dati. Ipinalipat na ako ulit sa mansiyon. Sabi ni kuya pwede pa naman ako pumunta sa condo ko kaya damit lang yung kinuha ko at ilang mahahalagang bagay. Mamiss ko rin si Ate Gloria na para ko na ring sariling ina.
I've changed a lot and so is my situation. It so difficult that it's too much to handle. Kung ito pa lang ang simula, paano pa kaya kung pumunta na sa climax?
Ngayon sumusunod ako kay kuya. Nasa likod niya ako at sabi niya may kukunin lang siya sa isang lugar. Isang favorite book na gusto niyang ipabasa kay Olivia. Isasama niya ako kasi daw marami daw yun at gusto niyang ako mismo ang pumili kung anong pababasa niya sa girlfriend. Siguro nahulog na siya kay Olivia kahit inamin niya sa akin na isa siyang babae na ipinadate ng mga magulang namin sa kaniya. Sabog na ang arranged marriage kaya siguro ipinadate na lang silang dalawa.
Sa dulo ng hallway, nakita ko si Zion at napanganga ako konti. Konti lang. OMG! Okay. O.A. na ako dahil parang nakakita din ako ng O.A. eh as in Over Attractive. Wait! He changed his style. Nakagel pataas ang buhok nito tapos parang may ilusyon na gulo-gulo. You know... I called it a beautiful mess. Tapos para siyang action star na may black leather jacket at puting t-shirt sa loob tapos suot niya ang kaniyang ripped jeans at may shades pa ito. Sigurado ba siyang magaaral siya o magpapacute? Di ko pa naman siya malapitan. Baka kung sino namang babae ang lumapit sa kaniya.
Tinanguhan lang siya ni kuya pero patuloy lang ito sa paglalakad. Tapos noong malapit na ako sa kaniya, parang biglang may slow motion sa paligid at nagong fade ang lahat maliban sa kaniya, namute din ang mga tunog sa paligid at tibok lang ng puso ko yung naririnig ko. Dumaan siya sa gitna, tinanggal ang shades niya saglit at kumindat sa akin tapos binalik ulit niya ito at binangga ng kamay niya ang kamay ko at natauhan ako na may iniabot siyang maliit na papel.
Nakita ko ang babae na nakanganga at nakatitig kay Zion na naglalakad. Nairita tuloy ako bigla. "Ate, may langaw, baka pumasok." Sabi ko rito kaya agad naman niya yun sinara. Yuck. May laway pang tumuloy. She has no right to drool over my boyfriend. He's only mine.
Napatingin si kuya sa akin dahil ang layo na ng distansiya namin. "Sorry kuya. May kinausap lang ako." Tumango ito kaya naglakad na ako.
*
Inilibot ko ang tingin ko sa silid-aklatan. Ngayon lang ulit ako nakapunta at mas dumarami pa ang mga libro na iniimbak rito. Hindi na rin masungit ang librarian. Napakabait niya pa at napakaganda. Si Ms. Sarah. Pumunta si kuya kay Ms. Sarah dahil hinahanap nito ang mga libro na idinodonate. Since our family loves to read english literature, after we read it, we donate it. Dito ako nahasa kaya siguro medyo nagsasalita kami ng ingles.
Habang kinakausap ni kuya si Ms. Sarah, naglibot muna ako dito. Tapos binasa ko ang binigay ni Zion. 'Sinusundan kita. Hindi lang halata.' Napatingin ako sa paligid ko. Sinundan niya kaya ako? Ang alam ko sa kabilang direksiyon siya naglakad. Pero sabagay nandoon si kuya at baka magtaka kung bakit parang close kami.
"Noli Me Tangere ni Jose Rizal." Sabi sa akin ng isang babae na biglang sumulpot sa harap ko. "Kunin mo yun sa Filipino literature shelf." Sabi niya na ikinataka ko pero sinunod ko naman siya kahit di ko alam kung bakit kailangan ko yun kunin.
Naglakad ako at hinanap ang libro na Noli Me Tangere. Pagkakita ko, agad ko yung kinuha. Biglang nakita ko si Zion sa may butas. Siya pala ang nagutos doon. "Alam mo para kang si Ibarra na tagong nagpapakita kay Maria Clara. Touch me not."
"Sinasalin mo ba ang Noli Me Tangere sa ingles o gusto mong hawakan ko lang ang kamay mo?" Tanong niya. Ngumiti pa ito at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...